- Dalawa canteen namin sa school. Si Ate Min yung isa. Kay Ate Min, ang tinda dun mga ulam, miryenda, at Pepsi in cup. Yung Pepsi in cup non, limang piso lang may panulak ka na. Tapos yung sopas, egg caldo, spaghetti at palabok, sampong piso lang may snack ka na. Tapos yung student meal, benchingko lang may ulam at fried chicken ka na.
- Yung isang canteen naman, sa kapatid ng principal namin. Granny yung tawag ko sa kanya kasi yun yung tawag ni Mommy sa kanya. Masungit yun. Hahaha. Tapos ang tinda dun mga chichirya, candy, at chaka Coke. Dun din makakabili ng school supplies. Yung candy noon, dalawa piso. Tapos kapag bibili ka ng lapis o ballpen, self-service. Sasabihin sa'yo,"Kumuha ka na." Tapos ipapakita mo na lang yung bayad mo. Dun din pala makakabili ng juice na naka-tetra pack. At chaka Happy House! Peborit ko nuon yun. Tapos dos lang isang pack. Panalo.
- Nung Grade 2 ako, nung pinag-check akong papel ng teacher ko, kapag may mali yung kaklase ko, binubura ko yung sagot tapos itatama ko. Hahahahaha.
- Php970 lang ang tuition fee namin nung Grade 2! Kaya ko alam kasi nakalagay sa blackboard namin yun ng isang buong school year. =))
- Nung Grade 1 hanggang Grade 4 kasi ako, luma pa yung PSC. Yung nakakatakot na ichura. Tapos nung Grade 3 kami, nag-ghost hunting at pumunta kami sa itaas ng Office dun sa dulong part tapos may nakita kaming staircase na nakakatakot talaga! Hanep na yun. Yung dalawa pa yung hagdan. Yung... basta! Hahahahaha.
- Baon ko nung Grade 1, sampong piso. Tapos Grade 2, bente na. Nung Grade 3, dahil whole day na kami, bente sa umaga tapos bente sa hapon. Php60 na mula Grade 4 at Grade 5. Tapos umasenso ng konti nung Grade 6 dahil naging Php80.
- Yung klase namin sa Computer nung Grade 6, internet lang. Wagas si Ser Sapugay eh.
- Tapos nung Grade 6, meron kaming kaklase na parang may... toyo. Nasa Comp Lab kami non, tapos nag-aantay kami ng turn namin sa computer at mag-i internet nga kami. Tapos yung kaklase namin na yun, na-late. Nung pagpasok ngayon niya, pinagalitan siya ni Ser. Tapos nagdabog. Hahahaha. Sinara ng malakas yung pinto na rinig sa buong... hindi naman sa buong school pero malakas. Badtrip si Ser eh. XD
- Nung Grade 5 kami, nakipag-away kami kay Ma'am Sapugay. Hahahaha. Kasi sa pang-ga gantsilyo yun. Kami nila Epril yon. Muntik na kaming mawala sa honor eh. Tapos nung pinatayo kami sa loob ng room, as in hindi talaga ako umiiyak. Wala, kapag tinanong ako sasagot naman ako. Nung tapos na, pinatawag ako ni Ma'am Viloria, dun na ko umiyak. Hahahahaha. Pero ok naman na ngayon. Childish behavior lang. XD
- Kabisado ko pa yung mga katabi ko mula Grade 1 hanggang Grade 6! Grade 1: Si Shekinah. Grade 2: Si Noriel. Grade 3: Si Jefty. Grade 4: Si Danilo. Grade 5: Si Arneil at Joanna. Grade 6: Si Harvey at Mary Rose. Hahahaha!
3.08.2012
Day 9: Ten random things that you remember from school.
Dahil kailan lang yung high school, mas masaya siguro kapag elementary days ang ike-kwento ko. Hahahaha. =)))) Sa Philippine Statesman College ako nag-aral nung grade school at ito ang mga naaalala ko pa:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment