3.28.2012

Kontento.

Sa ilang taong paghinga ko dito sa mundo, ne minsan hindi ko pa naranasang manghingi ng pera para sa sariling lakad o kaligayahan ko. Hindi ko pa din naranasan magpabili ng mga bagay na hindi naman kailangang-kailangan ko (except kay Kuya). Nawala si Daddy ng hindi namin napasakit ang ulo niya dahil may mga bagay kaming gusto na hindi niya kayang bilin. Buong buhay ko hindi ko pa nababanggit yung,"Daddy, pupunta kami sa *insert place here*. Pahinging baon ha." Hindi pa lumalabas sa bibig ko ang,"Daddy, bilan mo ko ng *latest gadget/uso here*." Kahit sa mga tita/tito at ninang/ninong ko. Lumaki akong hindi nanghihingi ng pera para sa pansarili kong kasiyahan. Hindi ko din alam kung bakit pero ganito na talaga ako noon pa.
Isang beses pa lang ako binilan ng isang bagay na gustong gusto ko pero hindi ko naman talaga kailangan. Grade 3 ako nun. Yung kapitbahay namin, nangangailangan ng pera. Ibebenta nya yung GameBoy Advance niya. Nung panahon na binigay sakin yon, ako na yata ang pinaka-masayang bata sa Barrera non. Tangina. Para kong lumulutang sa ulap.
Cellphone ko noon, yung 3310 na may tape. Mula grade 5 hanggang second year high school ako. Syempre bilang teenager, gusto ko ng bagong cellphone. Nakipag-paluwagan ako. Gumawa ako ng paraan. Dalawa yung hinuhulugan ko para dalawang beses akong se-sweldo. Nung unang sweldo ko, bumili agad ako ng phone. 1208. Yung may flashlight. Tangina. Proud ako sa sarili ko kasi sa wakas, wala ng tape at buo na yung keypad ng cellphone ko. Hindi na mahirap magtext. Pangalawang sweldo ko, bumili ako sa Manila ng music player. Philips GoGear Mix. Sobrang proud ko sa sarili ko. Kaya nung pinadalhan ako ng phone ng Kuya ko nung fourth year ako? Tangina. Mangiyak-ngiyak ako nung natanggap ko eh.
Nung elementary ako, nabuhay ako sa "promissory note". Lumaki akong natatakot na hindi makapag-exam dahil hindi pa bayad ang tuition ko. Kaya nung grumaduate ako, pinilit kong makapag-enroll sa NEUST-LHS para mabawasan ang iniintindi ni Daddy.
Kaya hindi niyo maaalis sakin na mainis ako sa mga taong walang kontento. Oo, mahirap ako pero proud ako at  hindi ako nagpapanggap na mayaman tulad ng ibang tao. Proud ako sa paraan ng pagpapalaki sakin ng mga magulang ko.
Hindi ako naiinggit kung anong meron ang iba at kung ano ang wala ako. Hindi ako naiinggit na meron silang mga bagay na gusto ko pero hindi ko kayang bilin.
Masaya ako kung anong meron ako at kung ano ang kayang ibigay ng mga magulang ko at ng kapatid ko. Kontento na ko sa buhay na meron ako. Oo, gusto kong yumaman, sinong tao ang ayaw di ba? Pero syempre, kung magkakaron lang naman ako ng genie o kaya may mahulog na kayamanan mula sa langit.
Maging masaya tayo kung anong meron tayo. Kung hindi kayang ibigay sayo ng magulang o kung sino man ang bumubuhay sayo ang gusto mo, magpasalamat ka dahil tatlong beses kang kumakaen sa isang araw. Na nag-aaral ka at kumpleto ang libro at notebook sa bag mo. Magpasalamat ka na kahit mahirap sa Pilipinas, nababasa mo pa tong blog ko at may internet kayo o may pang-internet ka sa computer shop.
Kung may mga bagay kang gusto, pero hindi ka magkaroon, isipin mo naman... Kung may hiling ka kay Lord, ilang bilyong bata din ang sabay-sabay na humihiling sa kanya sa mga oras na `to di ba? At sigurado akong merong bata o tao diya na mas higit pa sa materyal na bagay na gusto mo. Yung ibang bata, buhay ang hinihiling nila kay Lord.
Kaya magpasalamat ka na buhay ka. Sa bawat pagdilat ng mata mo sa umaga (o sa hapon kung insomniac ka), magbigay puri ka sa Kanya. Ang swerte swerte mo dahil humihinga ka pa.
Matuto tayong makuntento kung anong meron tayo. Maraming tao ang hindi nabibigyan ng pagkakataon para masubukang umasenso.

No comments:

Post a Comment