So yun nga. Ano na nga ba yung mga bagay na nagbago sa pananaw ko. Ang korni naman kung sabihin ko yung presyo ng gasolina, presyo ng gulay sa palengke, o kung ano na ba ang nangyayari sa impeachment trial ni CJ Corona. Gawin na lang nating simple. Yung mga bagay na sigurado akong napapansin niyo din.
Dati, nung bata ako, sabihin na nating 10-years old. Hindi ko pa alam ang internet. Hindi ko pa alam ang e-mail address. Akala ko yung e-mail address dati eh yung "www.tinymendoza.com". Hindi pala, website pala yun. Ang alam ko lang gawin sa buhay ko nun eh maglaro ng "it kurikit" at "haring taga" kasama yung mga pinsan ko. Wala akong pakielam nun kung may cellphone, cabled tv, o computer kami. Kasi, ang alam ko lang naman sa computer nun eh mag-solitaryo. O kaya eh mag-MS Paint at mag-drawing ng kung ano ano lang. Wala pa kong account sa Yahoo! o Google. Hindi ko alam kung ang meaning ng HTML, ng MegaBytes. Hindi ko alam ang Download o ang Upload. Hindi ko alam ang RAM o ang processor. Pero ngayon? Magugulat ka na lang na baka kapag nagtanong ka ng isang 10-year old diyan, mas alam pa nila kung ano yang mga yan.
Nung bata ako hindi ko pa alam ang sex. Hindi ko alam na kailangan pang magtalik ng babae at lalaki para magka-baby. Kapag naglalaro ako ng Barbie noon, akala ko kapag nag-kiss na yung groom at bride, mabubuntis na yung babae. Seryoso. Hindi ko alam na kapag ni-rape ka, mabubuntis ka na din. Hindi ko alam na may mga taong demonyong nakatira sa mundo at pati bata, pinapatulan. Pero ngayon? Teen pregnancy na ang uso. Pero ayon nga dun sa nabasa ko, 9-year old pa lang. Tangina. Nire-regla na ba yun? Hanep.
Yan ang mga pagbabago na araw-araw na nakikita ko sa mundo natin. Ang masama pa jan, patuloy pang magbabago yan. May magagandang pagbabago, may mga pangit din. May advantages, may disadvantages din. Sabi nga sa isang passage sa The Paradox of Our Age ni Dr. Bob Moorehead:
"The paradox of our time in history is that we have taller buildings but shorter tempers; wider freeways, but narrower viewpoints. We spend more, but have less; we buy more, but enjoy less. We have bigger houses and smaller families; more conveniences, but less time. We have more degrees but less sense; more knowledge, but less judgment; more experts, yet more problems; more medicine, but less wellness."Pero uulitin ko. Sabi nga sa isang kasabihan, change is the only permanent thing in our world.
No comments:
Post a Comment