- Kung hindi ako nag-i internet, nagbabasa ako o nag-sa soundtip, o kaya naman nagsusulat ng kung ano ano sa planner ko. Tulad ng mga gusto kong design sa kwarto, mga iba-blog ko, mga diary entries. O kaya nagsusulat ng mga kung ano-ano lang na walang saysay.
- Mabilis ako mag-exam. As in. Tapos kapag natapos ako, hindi ko muna ipa-pass kasi nahihiya ako. Kaya mag-du doodle muna ako sa likod ng test paper ko. Lagi yun.
- Kung tatanungin mo ko kung damit o sapatos, sapatos ang pipiliin ko.
- Gusto kong nanunuod ng news, documentaries tungkol sa tao, sa pulitika, sa National Geographic Channel, sa History Channel. Kaya dati gusto kong kunin na course ay PolSci o kaya ay Anthropology.
- Ayokong pinipigilan ako sa mga gusto ko. Ewan ko. Siguro kasi nga Leo ako, kaya hindi ako sanay na sinasakal ako o tinatali ako in one place. Gusto ko malaya ako sa mga ginagawa ko. Kasi ako din naman yung tao na hindi kita pipigilan kung anong gusto mo, kaya ayaw kong binabasag ang trip ko.
- Kaliwete ako sa pagsusulat pero kapag sa iba na, kanan na ang gamit ko. Tulad ng pagpi-piko, kanan na paa ang gamit ko. Pati sa pag-gamit ng kubyertos, yung kutsara nasa kanan na kamay. Pati sumulat sa blackboard minsan, kaya kong gumamit ng kanan.
- Hindi pa ko na-o-ospital o napupunta man lang sa dentista. Hindi pa ko nabubunutan ng ngipin sa dental clinic. Pero nakapagpa-check up na ko dati nung nagka-infection yung mata ko.
- Kapag meron akong isang bagay na gusto, sarili kong ipon. Etong phone ko lang na gamit ko ngayon ang unang cellphone na bigay sakin. Yung phone ko noon, binili ko nung sumweldo ako sa paluwagan. Yung music player ko man. At kapag gumagala ako kasama ang mga kaibigan ko, hindi ako nanghihingi ng pang-gastos. Kahit kailan hindi ako nanghingi ng pera na pang-gala sa mga magulang ko.
- Hindi ako selosa. Sabi nila yung mga babae daw ang mga madalas mag-selos pero sa relationship namin, si Jorenn ang seloso. As in. Minsan nakakatuwa, pero mas madalas nakakainis. Hahaha! Kung feeling nung mga babae nakakatuwa kapag nagseselos ang lalake, nako. Hindi. Hahahaha. Pero nakaka-flatter din kasi alam mo talagang mahal ka nung lalake.
- Madami akong gusto sa buhay na hindi ko na nga alam kung ano ba talaga ang gusto ko. Gulo noh? Ang dami kong gusto "maging" pero hindi ko alam kung ano ba talaga. Tulad ngayon, next sem papasok naman ako sa mundo ng "Engineering" at hindi ko pa alam kung yun nga ba ang para sa akin. Pero ang masasabi ko lang, hanggang ngayon hinahanap ko pa din kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko.
3.01.2012
Day 2: Ten random facts about yourself.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment