Ako ay nag-aral sa Little Merry Hearts Montessori Center ng Kinder. Lumipat ako nung prep dahil grumaduate na ang Kuya ko sa LMHMC ng grade school. Sa Philippine Statesman College kami lumipat na tatlo kung saan ako grumaduate ng elementary. Nung Grade 6 ako, nag-apply ako sa NEUST-LHS para dun mag-high school. Hindi ako nakapasa at naka-waiting list ako. Pero nag-enroll pa din ako kasi nga gusto ko dun. Dun ako nag-aral at nagtapos ng high school. Kolehiyo? Malabo ang unang taon ko sa kolehiyo. Hindi ko pa alam kung anong balak ko sa buhay. Tamang enjoy ako sa present amp.
Ako ay may nobyo. Jorenn Del Mundo ang pangalan niya at mag-tu 26 months na kami sa March 16. Nagkakilala kami nung 3rd year high school at nainlab siya sakin. Ayun, hanggang ngayon matalab pa din yung pinainom nyang gayuma sakin. Chos.
- Mahilig ako sa banda, international o OPM. Pero hindi ako tumutugtog. Mahilig ako mag-research tungkol sa kanila at maghanap ng mga facts tungkol sa mga banda banda.
- Hilig ko din magbasa. Simula nung nalaman ko sa kaibigan ko na pwede magbasa gamit ang phone ko, hindi na nahadlangan ang pagbabasa ko.
Palamura akong tao. Pero kahit ganito ako, hindi ko minumura ang mga kaibigan ko in a bad way. Pa-joke, oo naman. Sabi nila boyish daw ako. Hindi ko naman tinatanggi. Sabi nila matapang daw ako. Pwede din. Kapag alam kong tama ako, siguradong papatulan kita. Ultimo tricycle drayber inaaway ko. Sabi nila kuripot daw ako. Tawa na lang tayo. Comedy daw ako. Siguro, pwede. Masayahin daw ako. Pwede din. Mayabang daw ako! Talaga.
Sa dami ng pinagdaanan ko, naging matibay ako. Wala akong pakielam sa mga taong walang ginawa kundi mag-isip ng masama sa kapwa. Masaya ako sa buhay ko at masaya ako sa mga taong nasa loob nito. Sabihin man nila na masama ako, alam kong may mga tao sa likod ko na magsasabing hindi yon totoo. Kung kakalabanin mo ako, siguraduhin mong kaya mo. Dahil hindi ginawang Kristina Jonas ang pangalan ko para atrasan ang mga taong puro hangin ang laman ng ulo.
No comments:
Post a Comment