Isa sa mga nagsisilbing gasolina sa buhay ko ang tatay ko. Dati pa. Kaya ako nag-aaral para sa kanya. Don't get me wrong. I love my Mom and my brothers. Pero iba yung pagmamahal ko sa Daddy ko. Lumaki akong nakikita siyang gusto ng sumuko sa trabaho niya. Lumaki akong nakikita siyang gustong-gusto ng huminto at bumigay sa ginagawa niya. Nakita ko siyang hirap na hirap. Pero hindi siya tumigil dahil mahal niya kami.
Napakadaming disappointments ang binigay namin sa kanya. Binigyan namin siya ng napakadaming rason para sumuko. Sa pag-aaral, sa buhay, sa lahat. Pero minahal pa din niya kami hanggang dulo. Hanggang sa dulo ng buhay na pinahiram sa kanya ni Lord, minahal niya kami unselfishly.
My Dad is the most unselfish human being I know. Hindi ko nakitang inuna ni Daddy yung sarili niya para samin. Damang-dama namin yung hirap niya para mabigay yung gusto namin. Para mabigyan kami ng magandang kinabukasan. Para makapag-aral kami.
Kaya maliit pa lang ako, lagi kong sinasabi sa sarili ko na magtatapos ako ng pag-aaral at magiging mayaman ako para sa kanya. Para din kay Mommy at sa mga kapatid ko. Gagawin ko lahat para mabigay ko ang gusto ni Daddy. Gagawin ko lahat para hindi ko na marinig yung mga inda niya na ang sakit sakit ng likod niya. Na nahihirapan na siya. Putangina. Handa akong gawin ang lahat para sa Daddy ko.
Kaya nung nawala yung Daddy ko? Wala. Para kong kandilang hinipan. Nawalan ng sindi. Nawalan ng buhay. Bakit? Kasi nawala yung isang bagay na nagpapatakbo sakin. Nawala yung inspirasyon ko. Nawala yung silbi ng mga pangarap ko.
Pero habang dumadaan yung mga araw, sa bawat librong nabasa ko, nalaman kong kapag nawala ang isang tao, hindi ibig sabihin nawala na siya sa puso mo. Sabi nga sa libro ni Mitch Albom na nabasa ko,“Death ends a life, not a relationship.” Namatay man ang tatay ko, tatay ko pa din siya. Dumadaloy pa din yung dugo niya sa mga ugat ko. Mendoza pa din ako.
Kaya kung tatanungin mo ulit ako kung ano ang isa sa mga bagay na nagpapatakbo sa buhay ko, masasabi ko sayong taas noo na ang gasolina ko ay ang Daddy ko.
No comments:
Post a Comment