3.28.2012

“Holding on to anything is like holding on to your breath. You will suffocate. The only way to get anything in the physical universe is by letting go of it. Let go & it will be yours forever.”

― Deepak Chopra

Kontento.

Sa ilang taong paghinga ko dito sa mundo, ne minsan hindi ko pa naranasang manghingi ng pera para sa sariling lakad o kaligayahan ko. Hindi ko pa din naranasan magpabili ng mga bagay na hindi naman kailangang-kailangan ko (except kay Kuya). Nawala si Daddy ng hindi namin napasakit ang ulo niya dahil may mga bagay kaming gusto na hindi niya kayang bilin. Buong buhay ko hindi ko pa nababanggit yung,"Daddy, pupunta kami sa *insert place here*. Pahinging baon ha." Hindi pa lumalabas sa bibig ko ang,"Daddy, bilan mo ko ng *latest gadget/uso here*." Kahit sa mga tita/tito at ninang/ninong ko. Lumaki akong hindi nanghihingi ng pera para sa pansarili kong kasiyahan. Hindi ko din alam kung bakit pero ganito na talaga ako noon pa.
Isang beses pa lang ako binilan ng isang bagay na gustong gusto ko pero hindi ko naman talaga kailangan. Grade 3 ako nun. Yung kapitbahay namin, nangangailangan ng pera. Ibebenta nya yung GameBoy Advance niya. Nung panahon na binigay sakin yon, ako na yata ang pinaka-masayang bata sa Barrera non. Tangina. Para kong lumulutang sa ulap.
Cellphone ko noon, yung 3310 na may tape. Mula grade 5 hanggang second year high school ako. Syempre bilang teenager, gusto ko ng bagong cellphone. Nakipag-paluwagan ako. Gumawa ako ng paraan. Dalawa yung hinuhulugan ko para dalawang beses akong se-sweldo. Nung unang sweldo ko, bumili agad ako ng phone. 1208. Yung may flashlight. Tangina. Proud ako sa sarili ko kasi sa wakas, wala ng tape at buo na yung keypad ng cellphone ko. Hindi na mahirap magtext. Pangalawang sweldo ko, bumili ako sa Manila ng music player. Philips GoGear Mix. Sobrang proud ko sa sarili ko. Kaya nung pinadalhan ako ng phone ng Kuya ko nung fourth year ako? Tangina. Mangiyak-ngiyak ako nung natanggap ko eh.
Nung elementary ako, nabuhay ako sa "promissory note". Lumaki akong natatakot na hindi makapag-exam dahil hindi pa bayad ang tuition ko. Kaya nung grumaduate ako, pinilit kong makapag-enroll sa NEUST-LHS para mabawasan ang iniintindi ni Daddy.
Kaya hindi niyo maaalis sakin na mainis ako sa mga taong walang kontento. Oo, mahirap ako pero proud ako at  hindi ako nagpapanggap na mayaman tulad ng ibang tao. Proud ako sa paraan ng pagpapalaki sakin ng mga magulang ko.
Hindi ako naiinggit kung anong meron ang iba at kung ano ang wala ako. Hindi ako naiinggit na meron silang mga bagay na gusto ko pero hindi ko kayang bilin.
Masaya ako kung anong meron ako at kung ano ang kayang ibigay ng mga magulang ko at ng kapatid ko. Kontento na ko sa buhay na meron ako. Oo, gusto kong yumaman, sinong tao ang ayaw di ba? Pero syempre, kung magkakaron lang naman ako ng genie o kaya may mahulog na kayamanan mula sa langit.
Maging masaya tayo kung anong meron tayo. Kung hindi kayang ibigay sayo ng magulang o kung sino man ang bumubuhay sayo ang gusto mo, magpasalamat ka dahil tatlong beses kang kumakaen sa isang araw. Na nag-aaral ka at kumpleto ang libro at notebook sa bag mo. Magpasalamat ka na kahit mahirap sa Pilipinas, nababasa mo pa tong blog ko at may internet kayo o may pang-internet ka sa computer shop.
Kung may mga bagay kang gusto, pero hindi ka magkaroon, isipin mo naman... Kung may hiling ka kay Lord, ilang bilyong bata din ang sabay-sabay na humihiling sa kanya sa mga oras na `to di ba? At sigurado akong merong bata o tao diya na mas higit pa sa materyal na bagay na gusto mo. Yung ibang bata, buhay ang hinihiling nila kay Lord.
Kaya magpasalamat ka na buhay ka. Sa bawat pagdilat ng mata mo sa umaga (o sa hapon kung insomniac ka), magbigay puri ka sa Kanya. Ang swerte swerte mo dahil humihinga ka pa.
Matuto tayong makuntento kung anong meron tayo. Maraming tao ang hindi nabibigyan ng pagkakataon para masubukang umasenso.

3.24.2012

Day 10: If you could have one wish, what would it be?

Ang ipokrita ko naman kung sasabihin kong ayokong yumaman. Kung magkakaron ako ng genie tapos bibigyan niya ko ng isang wish, syempre pera agad ang papasok sa isip ko. Yung tipong Php100B agad para sulit. Kasi kapag lumaki kang mahirap, sigurado akong yun din ang iisipin mo. Kapag lumaki kang kapos, syempre pangarap mong maging masagana ang buhay mo balang araw. Syempre gusto ko ng pera. Para sa sarili ko, sa pamilya ko, at sa mga mahal ko sa buhay na kapos din.
Pero kung sasabihin sakin ng genie na bawal ang materyal na bagay, World Peace at Happiness ang gusto ko. Nakakasawa din kasing manuod ng news na puro nakaka-badtrip ang laman. Nakakainis lang yung mga politikong laging laman ng balita. Nakakasawa. Nakakairita. Minsan nung nanunuod ako ng balita (noon pa yun) tapos puro bad news yung napanuod ko, gusto ko talagang umiyak.
Pangarap ko din na mamuhay ng masaya at mapayapa. Pero syempre mas big time kung lahat ng tao masaya at mapayapa.
Syempre sa isang taong tulad ko, madami akong gusto sa buhay. Gusto ko nga din pabilisin ang panahon tapos graduate na ko ng pag-aaral. Gusto ko i-fast forward ang mga araw. Wala lang. Minsan kasi, nakakainip na eh. Tulad ngayon, bakasyon. Nakakainip na wala kang ginagawa. Nakakainis na nakaharap ka lang nakaharap sa computer tapos wala lang. Pindot ka lang ng pindot tapos wala namang nangyayari sa buhay mo. Buti na lang andiyan ang Harvest Moon at ang SP ni Anna Bunana at pinahiram ako. Hahaha.
Yon! Yan ang mga gusto kong hilingin kung sakaling magkakaron din ako ng genie na parang si Aladdin.

3.23.2012

Day 9: What is something you have recently not been able to get your mind off.

Eeeeeeh... Marami kasi ako iniisip. Sabi nga ng Ser ko sa NSTP nung 1st sem, ang utak ng lalake sa isang bagay lang sila nagfo-focus kapag nag-iisip sila. Yung mga utak ng mga babae, kaya nilang pagsabay-sabayin ang

  1. pamilya
  2. lovelife
  3. pera
  4. school
  5. personal problems
  6. life
  7. etc.
Kasi yung tanong naman eh, parang tinatanong kung ano yung problema mo na iniisip-isip ko di ba? Eh ako kasi, wala akong problema sa buhay ko ngayon. Hahaha. Masaya na ang bakasyon ko dahil nakahiram na ko ng Gameboy SP sa pinsan kong si Anna Bunana at nakakapag-Harvest Moon na ulit ako. Tapos manunuod pa ko ng The Hunger Games mamaya (sana meron na).
Wala naman akong iniisip-isip ngayon. Masaya naman ang buhay ko. Dapat nga ike-kwento ko kahapon yun kaya lang nag-rush hour kami ni Jorenn kahapon! Dapat manunuod kami ng The Hunger Games dahil nakalagay na sa Pacific na "showing". Nun pala wala pa silang permit! Sayang ang punta namin dun kasama ang kalahati ng section ng Einstein. -____-"
So yon! Wala naman. Wala naman akong iniisip-isip na malaking bagay na yung tipong hindi ako makatulog. Hahahaha.
Masaya ang buhay kaya mabuhay tayo ng masaya! Kung ayaw mong mai-stress, `wag mong i-stress-in ang sarili mo. Mag-isip ka ng mga bagay na nakakapag-pasaya, hindi yung mga bagay na mapapalungkot ka.

3.22.2012

Day 8: Pick a picture and write a creative caption on it.

(Found on KD's Facebook fan page)
"Hindi hadlang ang sakuna at problema para mamuhay ng masaya. Hindi man lumipas agad ang bagyo, mag-tiwala ka lang at tiyak kong makaka-kamit ka din ng panalo."
Pwede ding,"Some people feel the rain. Others just get wet." Kaya lang nakita ko lang yan sa internet kaya hindi original. HAHAHAHA. =))))))
Sorry. Hindi ako marunong eh. -_____-

3.21.2012


Paborito kong shot. Wala lang. Ganda kasi nung contrast nung kulay. Share ko lang. Hahaha! Gusto ko talaga maging photographer kaya lang mahirap lang kame. =))))

“And no matter what anybody says about grief and about time healing all wounds, the truth is, there are certain sorrows that never fade away until the heart stops beating and the last breath is taken.”

― Tiffanie DeBartolo

Day 7: What's your outlook on drugs and alcohol?

Hindi naman ako maselan sa mga ganyan. Lumaki ako na nakakakita ng mga taong tumatagay, naninigarilyo, nagsusugal, pati nga mga nag-ma marijuana. Hindi naman kami mayaman. Hindi kami nakatira sa isang exclusive subdivision na may guard pa. Kumbaga, saktong sakto lang ang buhay namin. Hindi mataas, hindi mababa. Tama lang.
Una ang drugs. Ang drugs para sakin ay hindi maganda. Kahit ano pa yan, basta pinagbabawal, ayoko. Period.
Yung alak naman, hindi na bago sakin yan. Lumaki akong umiinom ang Daddy ko. Sa barangay namin, Daddy ko pinakamalakas uminom. Nakakaisang case ng Red Horse ang Daddy ko. Seryoso. At ne minsan, hindi ko pa nakita yung Daddy ko na sumuka o ano. Walang umuubra sa inuman kay Daddy. Kaya ayun, hindi na ko hinintay grumaduate. Hahaha. De joke lang Daddy. Labyu. :* =)))
Hindi naman kasi ako parang ibang tao na ka-edad ko na kapag may nakitang uminom, akala mong sobrang makasalanan na yung ginagawa. Normal lang ang uminom. Minsan ka lang magiging teenager, eh di sulitin mo na. Minsan ka lang magiging bata at babawalin ng mga magulang mo, eh di sulitin mo na hanggang andiyan pa `di ba? Okay lang na uminom para sakin, basta kaya mong pagsabayin yung pag-aaral mo. Hanggat hindi puro INC at singko ang grades mo, ayos lang. Hanggat naisasalba mo ang kagaguhan mo at pasado pa din ang mga grades, go lang ng go.
Minsan ka lang mabubuhay. Kung ano yung gusto mo, gawin mo. Basta kailangan lang mag-set ka ng boundary sa pagitan ng tama at mali. `Wag na `wag mong papalagpasin ang mali sa tama. Dapat balance. `Wag mong hahayaan na lumamang yung kagaguhan sa huwisyo mo. Kung nararamdaman mo ng nalululong ka sa pag-inom, tigilan mo na. Dapat sakto lang. Bago mo respetuhin yung mga tao sa paligid mo, matuto ka munang respetuhin ang sarili mo.
Oo, masaya ang buhay kaya mabuhay ka ng masaya. Pero `wag tayo puro sarap. Dapat may konting hirap din. Wala kang mararating kung uunahin mo yung kagaguhan. Wala kang mararating kung uunahin mo yung mga bisyo. Mag-aral ka muna chaka ka mag-adik. At least kapag nag-adik ka, sosyal na adik ka kasi nagtapos ka muna ng pag-aaral di ba? De joke lang. `Wag mag-a adik. Hindi maganda yun. Inom na lang.
Yun nga, lagi lang tatandaan na may pagitan lahat ng ginagawa natin. Hindi maganda yung sobra, hindi din maganda yung kulang. Kung yun pag-aaral nga, kapag sumobra baka maging baliw ka. Ganun din sa bisyo. Dapat alam mo yung hangganan ng ginagawa mo. Kung gagawa ng kagaguhan, `wag mong kakalimutang dalin yung pag-iisip mo.

3.20.2012

source

“I believe that laughing is the best calorie burner. I believe in kissing, kissing a lot. I believe in being strong when everything seems to be going wrong. I believe that happy girls are the prettiest girls. I believe that tomorrow is another day and I believe in miracles.”

― Audrey Hepburn

“People are often unreasonable and self-centered. Forgive them anyway. If you are kind, people may accuse you of ulterior motives. Be kind anyway. If you are honest, people may cheat you. Be honest anyway. If you find happiness, people may be jealous. Be happy anyway. The good you do today may be forgotten tomorrow. Do good anyway. Give the world the best you have and it may never be enough. Give your best anyway. For you see, in the end, it is between you and God. It was never between you and them anyway.”

― Mother Teresa

Day 6: Have you ever thought about taking your own life?

Sabi ko nga sa post ko na ito, kung pwede ko ibigay yung buhay ko sa isang taong lubos na nangangailangang mabuhay sa mundo, gagawin ko. Pero hindi ko tinangkang patayin yung sarili ko. Hahahaha. Nagdaan din ako sa "emo days" pero hindi naman ako emo na emo.
Para sakin, suicide ang pinaka-makasalanang gagawin ng isang tao. Kasi ang swerte swerte natin `di ba? Pinahiram tayo ng Diyos ng buhay para gamitin, para pag-yamanin, para maging masaya. Tapos hindi mo papahalagahan? `Di ba? Ang ungrateful naman masyado. Ang sarap mabuhay sa mundo. Ang sarap mangarap kahit hindi magkakatotoo. Kahit minsan nagkakaron ng maraming gusot ang buhay mo, binigyan ka pa din ng utak at pag-iisip ng Diyos para maayos mo.
Magpasalamat ka na buhay ka. Ako, kahit hindi maganda ang mga pinagdaanan ko sa buhay, nagpapasalamat pa din ako kasi napaka-daming tao diyan ang mas nahihirapan kesa sakin. Hindi ko sinasabi na masaya ako na may mga tao na mas mahirap kesa sakin, sinasabi ko lang na hindi dahilan ang isang maliit na bagay para magalit ka sa mundo. Hindi dahilan ang isang pagkabigo para hindi mo na ipagpatuloy ang buhay mo.
Hindi pa katapusan ng mundo o ng buhay mo kung nagkamali ka. Kaya ka buhay ngayon kasi binigyan ka pa ng isang pagkakataon ng Diyos para itama lahat ng mga pagkakamaling nagawa mo. Magpasalamat ka. Kahit mahirap ang buhay at mabaho ang hininga mo dahil wala kang pambili ng toothpaste, at least humihinga ka.
`Di ba? Hindi hadlang ang mahirap na buhay para hindi ka mabuhay. `Wag ka maghanap ng dahilan para sumuko, maghanap ka ng paraan. Dahil kahit na bumabagyo man ang mundo mo ngayon at hindi man lumipas agad-agad, gumawa ka ng barko para malagpasan mo. Lahat ng pagsubok may sagot, basta alamin mo lang kung ano yun. Kung si Noah, gumawa ng arko para mailigtas niya ang sarili niya sa bagyo. Eh `di ganun din ang gawin mo sa buhay mo. Kung hirap na hirap ka na, hindi sagot ang pagpapakamatay para malutas lahat ng problema mo.
Lahat ng problema may solusyon. Kung walang solusyon, eh `di `wag mo problemahin.

3.19.2012

(source)

“Let today be the day you stop being haunted by the ghost of yesterday. Holding a grudge & harboring anger is poison to the soul. Get even with people...but not those who have hurt us, forget them, instead get even with those who have helped us.”

― Steve Maraboli

Day 5: Write about a nightmare you had.

Ganito kase yan. Kapag nananaginip ako, alam ko lang na nanaginip ako pero nakalimutan ko na kung ano yung napaginipan ko. =)) Tapos hindi pa ko nagkaka-"nightmare". Ewan. Hahahaha. Hindi ako mahilig managinip. XD
Pero yung isang panaginip na mediyo nakakatakot na natandaan ko nun eh ike-kwento ko. Ganito yun... Nanghiram daw yung pinsan ko sakin ng mixer (Yung pang-bake ha. Hindi semento.) tapos nung inabot ko sa kanya, naging aswang daw siya. Kaya tumakbo daw ako papuntang riles (sa likod namin). Ayun. Hahaha. Eh bata pa ata ako nung napaginipan ko `to. Hindi ko matingnan sa mata yung pinsan ko nun! Kasi baka maging aswang siya. O.o
Tapos meron pa, nito lang yun. Nasa isang classroom daw kami. Tapos lahat kami dun eh parang gagawing aswang. Hahaha. Tapos kailangan ng tatlong tao para gawing "undefeatable" na aswang. Hindi ako napili pero ayoko daw talagang mapili. Kaya nagmakaawa daw ako sa namamahala na si "Lourd De Veyra". Oo, si WOTL Lourd. Hahahaha. Nagmakaawa daw ako sa kanya na `wag ako yung pipiliin. Awa ng Diyos (sa panaginip ko siyempre), hindi ako nakuha kaya nabuhay ako! Ayun. Nagising na ko. =)))))

3.18.2012

Gusto ko lang naman ng kausap.

Gusto ko lang naman makausap ang isang tao na pareho naming kakilala si Daddy. Gusto ko lang makipag-bidahan. Makipag-kwentuhan ng mga ginawa ni Daddy noon. Mga antics nya nung binata pa siya. Mga ginawa niya noon na kung ano-ano.
Gusto ko lang makipag-kwentuhan ng kung ano-ano tungkol sa kanya. Yung tipong sabay namin siyang aalalahanin. Yung iiyak kami hanggang sa sobrang hapdi na ng mata namin kasi hindi naman bawal umiyak di ba? Gusto ko lang ng makahanap ng isang tao na ku-kwentuhan ako ng wantusawa tungkol sa kanya nang hindi ako tinitingnan na parang alien ako. Yung taong hindi ako titingnan ng kakaiba kapag nabanggit yung "Beyn" o "Boy" o "Konsi". Yung kapag nabanggit na yung pangalan niya eh hindi aalalahanin kung nalulungkot ba ko o ano. Yung wala lang. Gusto ko lang makahanap ng tao na makikipag-usap sakin at magku-kwentuhan kami tungkol kay Daddy na parang andito pa rin siya.
Tangina lang. Tangina lang talaga...

“It's not that I believe everything happens for a reason. It's just that...I just think that some things are meant to be broken. Imperfect. Chaotic. It's the universe's way of providing contrast, you know? There have to be a few holes in the road. It's how life is.”

― The Truth About Forever

Day 4: Write a "thank you" to someone.

Kung thank you lang naman, ang dami kong gustong pasalamatan bago ako mawala dito sa mundo. Unang-una ang mga magulang. Kung wala sila, paano na ko? Eh di sana hindi niyo na nakilala ang cute na cute na si Tiny? Di ba? Hahaha. De joke. Seryoso na. Gusto ko sana na yung Mommy ko ang susulatan ko dito, kaya lang kelangan pa bang i-memorize yun? Alam naman natin na wala ng dadakila pa sa mga ina nating nagpakahirap para iluwal tayo sa mundo. Ang nagpakahirap magpalit ng diaper at magpa-dede sa atin nung baby pa tayo. Ang naghugas ng pwet mo kapag tumae ka nung hindi mo pa kaya. Ang naglaba at namalantsa ng damit mo. Ang tirintas at sinabunutan ang buhok ko. Ang nagagalit kapag ina-underdog tayo. Alam na ng lahat ng tao na lahat ng ina, magilas. Kaya iba na lang susulatan ko. Kuya ko na lang.
Dear kuya, kumusta ka na dyan? Anong balita, malamig ba dyan? Dito mainit, pero kung bumagyo para bang lahat ng tubig sa mundo ay nandito.
Hahahaha. De joke lang. Kanta yan ng Sugarfree. =))))) Seryoso na talaga! XD
Dear Kuya, sana ok ka diyan sa bagong office mo sa Saudi. Sabi mo kasi kagabi nilipat ka na naman. Hahaha. Nagpapagawa na tayo ng bahay! Hindi na sira-sira yung bahay natin. Yung poste nung terrace, `wag ka mag-alala, ipapatibag ko at itatago para may remembrance ka sa lumang bahay natin. Hahahaha. Teka, dapat daw letter ng pasasalamat yung isusulat ko... Thank you nga pala Kuya! Sa pera, sa phones, sa pag-spoil samin. Alam ko hindi mo obligasyon na bilan kami ng mga bagay na hindi naman namin talagang kailangan, pero kusa ka pa din nagbibigay. Kahit naka-Galaxy kami dito at naka-1100 ka diyan. Hahahaha. Ikaw kasi eh. Sabi mo ayaw mo ng mga maaarteng phone. Samin tuloy napupunta. =)) Salamat kasi yun nga, hindi mo naman talaga kailangan na bigyan kami ng mga bagay na gusto namin at alam namin na hindi naman madali ang maupo maghapon sa harap ng computer at mag-Facebook. Chos! Hahaha. Alam ko hindi ka na nakakapag-online kapag nasa office ka. =)) Thank you kasi kahit kailan hindi ka nag-reklamo. Kahit kailan hindi ka nagsabing ayaw mo na. Kahit kailan hindi mo sinabing nagsasawa ka na. Salamat. Kahit na bata ka pa at mapo-postpone lang ng ilang taon ang pag-aasawa mo, sinalo mo pa rin ng buong-buo ang responsibilidad na maging tatay namin. `Wag kang mag-alala, kahit minsan ang hirap na mag-isip ng punchline, papatawanin pa din kita kapag magka-chat tayo para lang marinig namin yung tawa mo. Parang nandito ka na din. Thank you Kuya. Nang dahil sa'yo hindi nahihirapan si Mommy. Hindi na siya nag-aalala. Thank you Kuya kasi dahil sa'yo nakakapag-aral kami. Basta, salamat! Mahal na mahal ka namin Kuya. `Di mo man `to mabasa, kapag namatay ako ipapabasa na lang ng mga mambabasa ko sa inyo. Hahahaha. =)))))) THANK YOU KUYA! HAYLABYOU! Pa-kiss! :* =))))))))))))

3.17.2012

Shitdizz.

(All photos can be found here)

“You may shoot me with your words, you may cut me with your eyes, you may kill me with your hatefulness, but still, like air, I'll rise!”

― Maya Angelou

Day 3: Talk about something that is recently changing.

Maganda to ah. Well... marami namang pagbabago ang nangyari sa mundo mula noon pa. Sabi nga nila, change is the only permanent thing sa mundo natin. Tulad kanina, kabubukas ko pa lang ng account ko sa Facebook, tumambad sakin yung article na yung isang 9-year old na bata eh kakapanganak sa China. Tangina. Pagkabasa ko nung headline hindi ko na binasa yung buong article. Na dismaya talaga ako.
So yun nga. Ano na nga ba yung mga bagay na nagbago sa pananaw ko. Ang korni naman kung sabihin ko yung presyo ng gasolina, presyo ng gulay sa palengke, o kung ano na ba ang nangyayari sa impeachment trial ni CJ Corona. Gawin na lang nating simple. Yung mga bagay na sigurado akong napapansin niyo din.
Dati, nung bata ako, sabihin na nating 10-years old. Hindi ko pa alam ang internet. Hindi ko pa alam ang e-mail address. Akala ko yung e-mail address dati eh yung "www.tinymendoza.com". Hindi pala, website pala yun. Ang alam ko lang gawin sa buhay ko nun eh maglaro ng "it kurikit" at "haring taga" kasama yung mga pinsan ko. Wala akong pakielam nun kung may cellphone, cabled tv, o computer kami. Kasi, ang alam ko lang naman sa computer nun eh mag-solitaryo. O kaya eh mag-MS Paint at mag-drawing ng kung ano ano lang. Wala pa kong account sa Yahoo! o Google. Hindi ko alam kung ang meaning ng HTML, ng MegaBytes. Hindi ko alam ang Download o ang Upload. Hindi ko alam ang RAM o ang processor. Pero ngayon? Magugulat ka na lang na baka kapag nagtanong ka ng isang 10-year old diyan, mas alam pa nila kung ano yang mga yan.
Nung bata ako hindi ko pa alam ang sex. Hindi ko alam na kailangan pang magtalik ng babae at lalaki para magka-baby. Kapag naglalaro ako ng Barbie noon, akala ko kapag nag-kiss na yung groom at bride, mabubuntis na yung babae. Seryoso. Hindi ko alam na kapag ni-rape ka, mabubuntis ka na din. Hindi ko alam na may mga taong demonyong nakatira sa mundo at pati bata, pinapatulan. Pero ngayon? Teen pregnancy na ang uso. Pero ayon nga dun sa nabasa ko, 9-year old pa lang. Tangina. Nire-regla na ba yun? Hanep.
Yan ang mga pagbabago na araw-araw na nakikita ko sa mundo natin. Ang masama pa jan, patuloy pang magbabago yan. May magagandang pagbabago, may mga pangit din. May advantages, may disadvantages din.  Sabi nga sa isang passage sa The Paradox of Our Age ni Dr. Bob Moorehead:
"The paradox of our time in history is that we have taller buildings but shorter tempers; wider freeways, but narrower viewpoints. We spend more, but have less; we buy more, but enjoy less. We have bigger houses and smaller families; more conveniences, but less time. We have more degrees but less sense; more knowledge, but less judgment; more experts, yet more problems; more medicine, but less wellness."
Pero uulitin ko. Sabi nga sa isang kasabihan, change is the only permanent thing in our world. 

3.16.2012

Day 2: What's something that gets you going?

Isa sa mga nagsisilbing gasolina sa buhay ko ang tatay ko. Dati pa. Kaya ako nag-aaral para sa kanya. Don't get me wrong. I love my Mom and my brothers. Pero iba yung pagmamahal ko sa Daddy ko. Lumaki akong nakikita siyang gusto ng sumuko sa trabaho niya. Lumaki akong nakikita siyang gustong-gusto ng huminto at bumigay sa ginagawa niya. Nakita ko siyang hirap na hirap. Pero hindi siya tumigil dahil mahal niya kami.
Napakadaming disappointments ang binigay namin sa kanya. Binigyan namin siya ng napakadaming rason para sumuko. Sa pag-aaral, sa buhay, sa lahat. Pero minahal pa din niya kami hanggang dulo. Hanggang sa dulo ng buhay na pinahiram sa kanya ni Lord, minahal niya kami unselfishly.
My Dad is the most unselfish human being I know. Hindi ko nakitang inuna ni Daddy yung sarili niya para samin. Damang-dama namin yung hirap niya para mabigay yung gusto namin. Para mabigyan kami ng magandang kinabukasan. Para makapag-aral kami.
Kaya maliit pa lang ako, lagi kong sinasabi sa sarili ko na magtatapos ako ng pag-aaral at magiging mayaman ako para sa kanya. Para din kay Mommy at sa mga kapatid ko. Gagawin ko lahat para mabigay ko ang gusto ni Daddy. Gagawin ko lahat para hindi ko na marinig yung mga inda niya na ang sakit sakit ng likod niya. Na nahihirapan na siya. Putangina. Handa akong gawin ang lahat para sa Daddy ko.
Kaya nung nawala yung Daddy ko? Wala. Para kong kandilang hinipan. Nawalan ng sindi. Nawalan ng buhay. Bakit? Kasi nawala yung isang bagay na nagpapatakbo sakin. Nawala yung inspirasyon ko. Nawala yung silbi ng mga pangarap ko.
Pero habang dumadaan yung mga araw, sa bawat librong nabasa ko, nalaman kong kapag nawala ang isang tao, hindi ibig sabihin nawala na siya sa puso mo. Sabi nga sa libro ni Mitch Albom na nabasa ko,Death ends a life, not a relationship.” Namatay man ang tatay ko, tatay ko pa din siya. Dumadaloy pa din yung dugo niya sa mga ugat ko. Mendoza pa din ako.
Kaya kung tatanungin mo ulit ako kung ano ang isa sa mga bagay na nagpapatakbo sa buhay ko, masasabi ko sayong taas noo na ang gasolina ko ay ang Daddy ko.

3.15.2012

Day 1: Introduce yourself. Write a long "about me".

Kristina Jonas Espino Mendoza ang pinahaba kong pangalan. Pero "Tiny" ang tawag sakin ng nakararami. Noong pinanganak daw kasi ako nung August 6 1994, maliit lang ako at cute na cute kaya yun ang tinawag nila sakin. Ang pangalan ng nanay ko ay Ma. Lourdes Espino-Mendoza at ang tatay ko ay si Melson L. Mendoza. Pero dedbol na si pudrakels. May dalawa akong kapatid. Si Melchor II at si Melson John. Pero "Spanky" at "Spiky" ang tawag sa kanila. Pwede ding "Choleng" at "Dudu".
Ako ay nag-aral sa Little Merry Hearts Montessori Center ng Kinder. Lumipat ako nung prep dahil grumaduate na ang Kuya ko sa LMHMC ng grade school. Sa Philippine Statesman College kami lumipat na tatlo kung saan ako grumaduate ng elementary. Nung Grade 6 ako, nag-apply ako sa NEUST-LHS para dun mag-high school. Hindi ako nakapasa at naka-waiting list ako. Pero nag-enroll pa din ako kasi nga gusto ko dun. Dun ako nag-aral at nagtapos ng high school. Kolehiyo? Malabo ang unang taon ko sa kolehiyo. Hindi ko pa alam kung anong balak ko sa buhay. Tamang enjoy ako sa present amp.
Ako ay may nobyo. Jorenn Del Mundo ang pangalan niya at mag-tu 26 months na kami sa March 16. Nagkakilala kami nung 3rd year high school at nainlab siya sakin. Ayun, hanggang ngayon matalab pa din yung pinainom nyang gayuma sakin. Chos.
  • Mahilig ako sa banda, international o OPM. Pero hindi ako tumutugtog. Mahilig ako mag-research tungkol sa kanila at maghanap ng mga facts tungkol sa mga banda banda.
  • Hilig ko din magbasa. Simula nung nalaman ko sa kaibigan ko na pwede magbasa gamit ang phone ko, hindi na nahadlangan ang pagbabasa ko.
Palamura akong tao. Pero kahit ganito ako, hindi ko minumura ang mga kaibigan ko in a bad way. Pa-joke, oo naman. Sabi nila boyish daw ako. Hindi ko naman tinatanggi. Sabi nila matapang daw ako. Pwede din. Kapag alam kong tama ako, siguradong papatulan kita. Ultimo tricycle drayber inaaway ko. Sabi nila kuripot daw ako. Tawa na lang tayo. Comedy daw ako. Siguro, pwede. Masayahin daw ako. Pwede din. Mayabang daw ako! Talaga.
Sa dami ng pinagdaanan ko, naging matibay ako. Wala akong pakielam sa mga taong walang ginawa kundi mag-isip ng masama sa kapwa. Masaya ako sa buhay ko at masaya ako sa mga taong nasa loob nito. Sabihin man nila na masama ako, alam kong may mga tao sa likod ko na magsasabing hindi yon totoo. Kung kakalabanin mo ako, siguraduhin mong kaya mo. Dahil hindi ginawang Kristina Jonas ang pangalan ko para atrasan ang mga taong puro hangin ang laman ng ulo.

3.14.2012

Kung pwede lang.

Dati nung bata pa ako (hanggang ngayon), lagi kong kinakausap si Lord. Sabi ko,"Kung pwede lang po na yung mga taong gusto ng mamatay, ibibigay na lang dun sa mga taong gusto pang mabuhay." Kapag nag-e emo-emohan ako, lagi kong iniisip yun.
Kung pwede ko lang ibigay yung buhay ko sa isang bata o taong may kanser, gagawin ko. Kung pwede lang ibigay yung buhay ko sa isang taong marami pa ang nangangailangan, gagawin ko. Walang ka-ipokritahan.
Hindi naman sa ayaw ko mabuhay dito sa mundo. At hindi din naman sa hindi ako thankful na pinahiram ako ng buhay ni Lord. Masaya ako sa buhay ko. Pero kapag kasi nakakakita ako ng mga taong nawawala sa mundo, halimbawa isang bata, parang sinasabi ko sa sarili ko na,"Ok naman na ko dahil nakaranas na ko ng labingpitong taon sa ibabaw ng mundo. Sana pwede ko ibigay sa kanya para maranasan din niya."
Hindi pa man nawawala ang Daddy ko, emotional na talaga ako. Mga palabas sa TV na napagaling yung isang bata sa tulong ng isang foundation, isang movie na maganda yung dialogue, mga librong binabasa ko, happy endings, magagandang kanta... Tangina. Sobrang babaw ng luha ko. Kaya kapag sa mga panahong nakakapanuod naman ako ng isang bata na hindi na kinaya dahil sa sakit na meron siya, siguradong tutulo na agad yung luha ko.
Kung pwede lang kasi eh, noh? Kung pwede ko lang ibigay yung buhay ko sa iba, sana ginawa ko na noon pa.

3.12.2012

Para maliwanag.

Wala akong pinipilit na tao para basahin ang laman ng blog ko. Wala din akong pinipilit na tao para i-follow ako sa Twitter. At wala din akong pinipilit na tao para basahin ang mga sinasabi ko.
Kung ayaw niyo sa mga sinasabi ko sa Twitter, kaya nga ginawa ang unfollow button di ba? Kung ayaw niyong basahin ang blog ko, sinabi ko bang basahin niyo? Kung naiinis kayo dahil mura ako ng mura sa Twitter, malinaw naman sa Bio ko na "the cussing level of my account is at extremes". You followed me at your own risk. Hindi ko na kasalanan yun. At kung nayayabangan kayo dahil post ako ng post ng mga walang katuturan o ng mga bagay na meron ako, wala naman akong sabihin na i-view niyo yung shared photos ko.
Bago kayo gumawa ng isang bagay, siguraduhin niyo munang pinag-isipan niyong mabuti. Bago kayo magbitaw ng isang salita, siguraduhin niyo munang wala kayong pagsisisihan pagkatapos non. Ako, kapag nag-mura ako online, iniisip ko muna kung appropriate ba. At ako din naman yung tipo ng taong walang pakielam kung may magalit sakin dahil don.
Nagbabasa ang mga tao sa blog ko dahil nag-e enjoy sila sa mga sinasabi ko. Pero hindi ibig sabihin non na I expect everyone to feel the same. Masaya na ko sa mga tao na gusto ako. Masaya na ko sa mga taong na-a-appreciate ako. Hindi ko na kailangan ng mga taong puro lait at masasamang bagay ang lumalabas sa bibig nito.

March 11, 2012.

Went to Manila to surprise Papa (tito) who'll be returning abroad yesterday. Nilalagnat pa nga ako the night before so pag-gising ko ng mga bandang 7AM, sobrang sakit ng ulo ko. Tapos biglang pumasok si MommyTwo sa kwarto. Punta nga daw kaming Manila. Pumayag naman ako. Hahahaha. Uminom na lang ako ng Bioflu at thank God dahil nawala.
Nung nasa baba na kami ng apartment nila Abuy, tinawagan namin siya na `wag niyang sasabihin na nasa baba kami. Hahaha. Tapos nung pagpasok namin, nagulat si Mama at Papa. =)) Tapos nilalagnat si AJ. Kaya matamlay siya the whole day. :(
Punta na kaming MOA to have lunch @ Max's and dahil mediyo late noon na non, we're in a rush. Gusto sana namin mag-ice skate pero dahil 2PM na non and hindi pa kami kumakaen (Kasi wala pang seats!) kaya hindi na kami tumuloy.
Nagpunta na kami sa airport ng mga... 4PM siguro. Hindi na kami nag-park kaya saglit lang kami. Less than 10 minutes. After that, we went to SM Megamall to eat. Again. Haha!
Tapos mga 7:30PM na kami umuwi. Tapos nung nadaan kami sa NLEX, nagulat kaming mga kids kasi kakaen pala ulit kami. Hindi na kaya ng tiyan ko pero kumaen pa din ako. Hahaha. So much for diet. :p
Yon! Lahat sila may pasok kinabukasan at ako lang wala. Thank God for early final exams. =))

3.10.2012

March 9, 2012.

Sobrang... ano ba? Ano ba ang tamang word para dito. Hahaha. Sobrang... gulo? Oo. Sobrang gulo ng araw na'to. Hahaha. Eh kasi, ang plano ko sa araw na ito ay manunuod ako ng Parokya ni Edgar at Chicosci sa Gapan. Pero dahil hindi ko alam yung buong details nung event, hindi ko alam kung matutuloy ako.
Meron akong schoolmate (@powramirez) na gusto din niyang pumunta. So talagang gumawa ako ng paraan para malaman ang detalye ng nasabing event. Yung tipong tiningnan ko yung fan page ng Chicosci tapos tiningnan ko yung mga comments kung sino yung mga may balak pumunta sa Gapan. Tapos pini-em ko sila sa Facebook. Hahahaha. Sabi ko,"Good morning po! Alam nyo po ba kung anong oras yung tugtog ng Chicosci at PNE sa Gapan mamaya? May ticket po ba yun? MARAMING SALAMAT PO!!!" Oo, muntanga lang ako. Pero desperate times call for desperate measures. Hahahaha.
Tapos pati sa Twitter! Sinearch ko ang "Gapan" tapos minention ko din yung mga nagsabing pupunta sila sa nasabing event. Mga 8 or 9AM yun. Tapos walang nag-rereply.
Dumating naman ngayon yung tita ko. Magsu-swimming daw kami sa Crystal Waves. Nako, patay. Nagkanda-loka loka na ang plano. Hahaha. Sabi after lunch daw. Despidida kasi ni Papa (Tito). Sabi ko, ok lang yun. Hindi naman kami gagabihin kung 1PM kami aalis. Aabot pa ko kung saka-sakaling matuloy kami sa Parokya ni Edgar.
Mga 12PM.  Biglang may nag-reply sakin sa Twitter! Si Ate Eunice. Hindi ko din siya kakilala kaya sobrang thankful ako na nagreply siya sakin. At sa sobrang bait niya, bibigay pa daw niya sakin yung isang ticket niya tapos naghanap pa siya ng nagtitinda pa ng tickets kasi sabi ko madami kaming pupunta.
Akala ko naman aalis na kami ng mga 1PM. Hindi pa pala. Jusko. Gutom na gutom na ko. Tapos nag-reply ulit si Ate Eunice na Php100 ang isa ng ticket at baka mga 10PM pa ang simula. Nako patay. Wala akong budget kasi pamasahe pa papuntang Gapan tapos baka walang sakyan kapag pauwi na.
Sabi ko kay Pau, hindi na ko pupunta. Pero sabi ko kung gusto pa niyang pumunta, binigay ko yung number ni Ate Eunice at itext niya para makabili sila ng tickets. Sabi ko na lang, ipasalubong nila si Buwi sakin. Hahahahaha.
Tapos, akala namin nila Dikong at ni Anna Banana (pinsan ko na dito din sa Barrera nakatira), 2PM eh pupunta na dito ang mga pinsan namin na nasa Cecilia. Pero wala pa din! Tamang tambay na lang kami dito sa bahay at nag-i internet.
Nun pala, night swimming ang drama nila! Hahahaha. Mga 3:50PM siguro nakadating sila Kuya Jayjay mula Pangasinan. Kaya ayun, lagpas alas kwatro na kami nakarating sa Crystal Waves! Hahaha.
Eh `di ayun. Nung nasa swimming pool kami, yung pamangkin namin eh nilalaro namin. Kasi kung ano yung gawin namin, gagayahin niya tapos ang cute cute! Kaya nag-Super Bass Dance Craze kami! Hahaha. Nakakapagod sa tubig lalo na kapag paulit-ulit. Pero ang saya. Hahahaha. =))
Tapos sabi ni Anna Banana:
Anna: Sana bumagyo!
Tiny: `WAG! Hintayin mo naman muna magawa yung bahay namin!
Anna: Hahahaha! OO NGA! =))
Tapos nung pauwi na kami, nadaan kami sa 7-11 AU.
Ang Magnum. Bow.
Anna: Diyan Ditse may Magnum!
Tiny: Yay! Manglilibre si Kuya Jay! Woo!
ALL: YAY!!!
Kuya Jay: Lagpas na tayo eh. Sa NEUST na lang.
*nagpunta sa 7-11 NEUST*
Ate Gina: Miss, may Magnum kayo?
Crew: Ay Magnum Ma'am? Opo, kaso wala na po.
*nung nasa Innova na kami*
ALL: Ansabe ni Ate? HAHAHAHA. =))
Tapos ayun, balik kami sa 7-11 AU. Buti na lang meron. Hahahaha. Ubos Php500 ni Kuya Jay. Hahaha. =)) Tapos pag-uwi namin, nagkasabay kami halos nila Abuy sa kabilang sasakyan. Tapos eka,"Syado! Nag-Magnum pa!" Hahahahahaha. =))
Okay lang na hindi nakapanuod ng Parokya, marami pang pagkakataon para dun. Pero ang magsama-sama sa isang family bonding, walang tatalo. :-bd

Day 9: A picture of your least favorite shoes.

Wala akong hindi gusto na sapatos ko kasi hindi naman ako bibili ng sapatos na ayaw ko, di ba? HAHAHAHAHA. =)))))

3.09.2012

Day 10: Top ten blogs (and sites) according to you.

Lagyan ko na din ng websites ah? Konti lang kasi tinitingnan kong blogs eh. :-D In no specific order! ☺

  1. Leilockheart. For inspiration!
  2. Faindylicious
  3. Ms. Camille Co. I love her. :">
  4. Ms. Niña Sandejas. Idol. \m/
  5. We♥it. For inspirations, too!
  6. Twitter. Para sa balita tungkol sa mga bagay-bagay sa mundo. Mga chismis, balita sa music, balita sa artista, sa lahat.
  7. Goodreads. For my love of books.
  8. Yahoo! For news all over the world and for my e-mails.
  9. Facebook. Messages from friends at kung ano ang nangyayari sa mga tao na kakilala ko.
  10. Chictopia. Fashion!

Day 10: The best thing that has ever happened to you so far.

2012. Sobrang dami kong natanggap ngayong 2012 so far at sana tuloy tuloy pa ang blessings ni God. Dati, umabot na yung buhay ko sa puntong ayoko na. Yung bibigay na ko, yung ayaw ko na talaga. Dumating na sa punto ng buhay ko na kinuha na yata kako sakin lahat.
Pero tama nga sila. Siguradong pagkatapos ng bagyo, basta manalig ka lang sa Kanya, siguradong may bahaghari ding lalabas para sa'yo.
And for that, I'm forever thankful. Sa ngayon, sobrang kontento ako sa buhay ko. Masaya ako para sa Daddy ko. Alam kong maayos si Kuya sa ibang bansa. Matino ang pag-aaral ni Dikong. Hindi na malungkot si Mommy. At sobrang daming blessings mula kay God ang dumadating sa amin. Maraming salamat Lord. Maraming maraming salamat po.

Day 8: A picture of your brightest shoes.


Mustard yellow yan. Hindi ko alam kung bakit ganyan yung itchura nya sa picture. =)))))

“Trying to write about love is ultimately like trying to have a dictionary represent life. No matter how many words there are, there will never be enough.”

― David Levithan

3.08.2012

Day 9: Ten random things that you remember from school.

Dahil kailan lang yung high school, mas masaya siguro kapag elementary days ang ike-kwento ko. Hahahaha. =)))) Sa Philippine Statesman College ako nag-aral nung grade school at ito ang mga naaalala ko pa:
  1. Dalawa canteen namin sa school. Si Ate Min yung isa. Kay Ate Min, ang tinda dun mga ulam, miryenda, at Pepsi in cup. Yung Pepsi in cup non, limang piso lang may panulak ka na. Tapos yung sopas, egg caldo, spaghetti at palabok, sampong piso lang may snack ka na. Tapos yung student meal, benchingko lang may ulam at fried chicken ka na.
  2. Yung isang canteen naman, sa kapatid ng principal namin. Granny yung tawag ko sa kanya kasi yun yung tawag ni Mommy sa kanya. Masungit yun. Hahaha. Tapos ang tinda dun mga chichirya, candy, at chaka Coke. Dun din makakabili ng school supplies. Yung candy noon, dalawa piso. Tapos kapag bibili ka ng lapis o ballpen, self-service. Sasabihin sa'yo,"Kumuha ka na." Tapos ipapakita mo na lang yung bayad mo. Dun din pala makakabili ng juice na naka-tetra pack. At chaka Happy House! Peborit ko nuon yun. Tapos dos lang isang pack. Panalo.
  3. Nung Grade 2 ako, nung pinag-check akong papel ng teacher ko, kapag may mali yung kaklase ko, binubura ko yung sagot tapos itatama ko. Hahahahaha.
  4. Php970 lang ang tuition fee namin nung Grade 2! Kaya ko alam kasi nakalagay sa blackboard namin yun ng isang buong school year. =))
  5. Nung Grade 1 hanggang Grade 4 kasi ako, luma pa yung PSC. Yung nakakatakot na ichura. Tapos nung Grade 3 kami, nag-ghost hunting at pumunta kami sa itaas ng Office dun sa dulong part tapos may nakita kaming staircase na nakakatakot talaga! Hanep na yun. Yung dalawa pa yung hagdan. Yung... basta! Hahahahaha.
  6. Baon ko nung Grade 1, sampong piso. Tapos Grade 2, bente na. Nung Grade 3, dahil whole day na kami, bente sa umaga tapos bente sa hapon. Php60 na mula Grade 4 at Grade 5. Tapos umasenso ng konti nung Grade 6 dahil naging Php80.
  7. Yung klase namin sa Computer nung Grade 6, internet lang. Wagas si Ser Sapugay eh.
  8. Tapos nung Grade 6, meron kaming kaklase na parang may... toyo. Nasa Comp Lab kami non, tapos nag-aantay kami ng turn namin sa computer at mag-i internet nga kami. Tapos yung kaklase namin na yun, na-late. Nung pagpasok ngayon niya, pinagalitan siya ni Ser. Tapos nagdabog. Hahahaha. Sinara ng malakas yung pinto na rinig sa buong... hindi naman sa buong school pero malakas. Badtrip si Ser eh. XD
  9. Nung Grade 5 kami, nakipag-away kami kay Ma'am Sapugay. Hahahaha. Kasi sa pang-ga gantsilyo yun. Kami nila Epril yon. Muntik na kaming mawala sa honor eh. Tapos nung pinatayo kami sa loob ng room, as in hindi talaga ako umiiyak. Wala, kapag tinanong ako sasagot naman ako. Nung tapos na, pinatawag ako ni Ma'am Viloria, dun na ko umiyak. Hahahahaha. Pero ok naman na ngayon. Childish behavior lang. XD
  10. Kabisado ko pa yung mga katabi ko mula Grade 1 hanggang Grade 6! Grade 1: Si Shekinah. Grade 2: Si Noriel. Grade 3: Si Jefty. Grade 4: Si Danilo. Grade 5: Si Arneil at Joanna. Grade 6: Si Harvey at Mary Rose. Hahahaha!

Day 9: What were you like as a child.

 Grade 1 Class Picture.
Ayon sa nakikita niyo, nung bata ako lagi akong naka-tirintas. Hindi ako papasok ng hindi ako naka-tirintas. Period. Siguro sa isang school year, tatlong beses lang ako hindi naka-tirintas. Pirmis yon. Kahit ma-late ako basta naka-tirintas ako. =))))))
Tapos nung bata ako, dahil bawal maglaro kapag hindi pa tapos mag-aral, matataas ang grades ko. Pero nun pa man, hindi ko na talaga trip magpaka-dalubhasa. Average lang. :))
Maingay na din ako nun. Pero nuon, friendly ako. Ngayon hindi na. Hahahaha. =)) Tapos kahit nung bata pa ako, boyish na ko. Kasi siguro, dalawa nga yung kapatid kong lalake tapos lahat ng mga gamit nila nuon, ako yung gumagamit. Kunwari, may bag si Dikong na de gulong na pang-lalake, kapag bibili na siya ng bago, sakin na mapupunta yon. Ayos lang sakin. Pero syempre para bagay sa attire, dapat pati yung asta ko boyish din. Tapos nakalakihan ko na. XD

Day 7: A picture of your most summery shoes.


Puta. Ano ba yung summery? Tama ba yung intindi ko? Hahahaha. Kasi di ba kapag summer ang mga sinusuot eh sandals at flipflops? So yan. Yan lang ang sandals na meron ako eh. Leather pa. Hahahaha. =))))

3.07.2012

Day 8: Top ten favorite movie or TV show characters of all time.

In no specific order! :-bd
  1. Riley Poole. Sidekick ni Ben Gates sa National Treasure. Dami kong tawa kapag pinapanuod ko yung National Treasure. Maganda na nga yung movie, dinagdagan pa niya ng comedy! =))
  2. Phineas and Ferb. Kailangan pa bang i-memorize yan? Sobrang henyo nila Dan Povenmire at Jeff "Swampy" Marsh.
  3. Jeffrey Adam "Duff" Goldman of Ace of Cakes.
  4.  Albus Dumbledore. Ang galing nung dalawang Dumbledore na gumanap sa Harry Potter movies. Sobrang palong-palo sa character.
  5. Severus Snape. Aminin na natin. Ang galing talaga ni Alan Rickman sa buong film series.
  6. Sherlock Holmes. Si Robert Downey Jr. man sa movie o sa book, sobrang galing ni Sherlock Holmes.
  7. David Bromstad of Color Splash. I love him. Period.
  8. Vern Yip! I love his smile at sobrang galing niya sa interior designs!
  9. Dr. Gregory House. Favorite series ni Kuya `to at sa kanya ko lang nalaman yung show. Hindi ko pinapanuod ang House, M.D. pero sobrang galing i-portray ni Hugh Laurie yung character na'to.
  10. Lahat ng character na ginampanan ni Johnny Depp. Sobrang versatile niya!

Day 6: A picture of your most dressy shoes.


Yan na ang pinaka-maarte kong shoes. Hahaha. I don't own any high-heeled shoes. Dati meron kaya lang pinamigay na ng Mommy ko. Tapos... yun nga. Yan na ang pinaka-girly kong sapatos. Hahahaha. =)))))

Day 8: Tell about an adventure you have had.

August 14, 2009. Baguio City.
Hindi ko sure kung August 13 o 14 pero alin sa dalawa. Yun yung day before ng kasal nila Kuya Jayjay at Ate Gina. Si Kuya Andong kasi, kakanta sa kasal nila sa reception. Eh kailangan niya ng minus one ng kantang "Because of You", inutusan ngayon siya na pumuntang SM para magpa-burn o bumili ng CD. Walking distance lang naman yung SM mula dun sa tinutuluyan namin. Sumama ngayon kami ni Kuya.
Tapos ayun nga, naglakad lang kami papuntang SM tapos nakapang-bahay lang kaming tatlo kasi mga 8PM na yun at dapat matutulog na talaga kami. Tapos nung tumingin na kami sa SM at pauwi na kami, napag-desisyunan namin ngayong tatlo na maglibot. Hahahahaha.
So kahit madilim, hinanap namin kung saan yung mga ukay-ukay sa palengke. Ang layo ng nilakad namin at hindi na namin alam kung nasaan kami. Hahahaha. Nakarating kami sa isang park, tapos naupo muna kami dun. Tapos parang hindi natutulog yung mga tao kasi kahit gabi na, ang dami pa din mga naglalakad, etc. Tapos ang daming ukay-ukay sa gabi! Yon. Tapos dun sa pinuntahan namin nga dun sa may palengke, hindi namin alam kung palengke nga yon, pero yung mga ukay-ukay nasa daan lang. Si Kuya bumili ng isang Sean John na hoodie tapos si Kuya Andong nakabili ng Nike na shoes. Hahahaha.
Siguro mga 12AM na kami nakauwi sa inn na tinutuluyan namin. Tapos dahil hindi namin alam yung pabalik, nag-fx na kami. =)))
Sobrang saya lang kasi hindi naman namin expected na mag-e enjoy kaming maglakad ng maglakad sa gitna ng gabi sa Baguio. Tapos ang dami pang makikita kahit gabi na. Tapos talagang adventure kasi nag-risk kami na maglakad ng bongga kahit madilim na. XD

3.06.2012

Day 7: List the people in your family and a random fact about them.

Daddy ko. Yung Daddy ko sobrang tahimik lang. Tapos siya yung tipo ng tao na hindi vino-vocalize yung galit niya. Kung magalit siya, titingnan ka lang niya tapos wala na. Susunod ka na lang. Pero pagdating sakin, bihira lang niya ako ganun-in. For example, inuutusan ako tapos ayoko, kunwari magagalit siya tapos akala niya matatakot ako pero hindi effective kaya si Dikong na lang yung uutusan niya. Hahahaha. =))
Dikong ko. Based on personalities, sila yung sobrang nagkakasundo ni Mommy. Sila yung kapag kasama mong nanuod, mag-re react sa lahat na akala mong naririnig sila nung palabas sa TV. Ganun sila pareho. Yung tipong aawayin nila yung TV. Sobrang nakakabwiset. Eh si Daddy pa naman ayaw niyang may maingay kapag nanunuod siya. Tapos kami din ni Kuya ganon. Kaya ayaw namin silang kasamang nanunuod. XD
Mommy ko. Madalas magalit. Opposite ng Dad ko. Kumbaga sa telephone, yung Daddy ko yung earpiece tapos yung Mom ko yung mouthpiece. Siya yung sobrang magagalit kahit maliit na bagay lang. Yung tipong minsan siya na nga yung may kasalanan, kami pa yung sisisihin. =))) Pero si Mommy naman yung open sa discussions. Like sa mga advice. Minsan nga nakaka-irita na, pero kapag iisipin mo na para sa sarili mo naman yung sinasabi niya, masasanay ka na din.
Kuya ko. Yung Kuya ko naman, siya yung pinaka-tamad samin. As in. Kapag may pera siya, galante talaga siya. Nanlilibre. Matalino din yung Kuya ko pero yun nga, tamad kasi kaya ayaw mag-aral. Friendly si Kuya. Madaming barkada. Pero kahit may barkada siyang mga bad influence, laging sinasabi ng mga kabarkada niya na minsan, hindi man lang nila napilit si Kuya na uminom, etc. Yosi lang talaga.
Tapos kaming tatlo nila Daddy yung parang magkaka-mukha ng personalities. Kami yung kapag pinapagalitan ni Mommy, hindi kami sumasagot at deadma lang kaya lalo siyang nagagalit unlike si Dikong na nangangatwiran. Kami din yung kapag tinanong mo, tatango lang o iiling. Eh si Mommy madiwara, kaya sobrang magagalit na siya kapag hindi namin vinerbalize yung sagot namin kung "Oo" o "Hinde". Tapos kami ni Kuya, hindi rin kami nag-co comment kapag may nagku-kwento. Si Dikong at Mommy kasi, sila yung magku-kwentuhan, ganito ganyan. Tapos kami ni Kuya, wala lang. Hahahahaha. XD
So... yown! =))))))))

Jason Mraz - I Won't Give Up [Official Music Video]


"I won't give up on us even if the skies get rough. I'm giving you all my love, I'm still looking up."

Day 5: A picture of your favorite brand of shoes.

Pi-picture-an ko dapat yung store ng Converse sa Pacific eh. Kaya lang hindi pa ko napupuntang mall. Kaya yung logo na lang.
So... bakit Converse. Kasi matibay. Tumatagal ng taon. Hindi nawawala sa uso. Cool. Hindi masyadong mahal kaya afford ng lahat ng tao. Maganda sa halos lahat ng casual na damit. Basta may kakaibang ganda.

Day 7: Have you told anyone your deepest secret? If so, what was their reaction.

Yung huli kong nasabihan o nakwentuhan non ay isang friend and fellow blogger. Yon. Kinwentuhan ko siya tungkol kasi tinanong niya ako kung ano daw ba yung problema ko. Ayun. Ok naman. We're on the same page based dun sa "problem" ko and pareho kami halos ng iniisip kung paano iha-handle yung situation.
Nung una nga, nahihiya ako kasi hindi naman gaanong ka-serious yung problem ko and actually ang immature nga nung pinaka-"problem" but sobrang nakagaan ng pakiramdam na nailabas ko yung mga gumagambala sa isip ko and she didn't judged me at all. And for that, sobrang salamat. Alam mo na kung sino ka! Hahahaha. Thank you, sobra! Dahil meron akong nasabihan at nalabasan ng sama ng loob. Loveya! :* >:D<

3.05.2012

“Just keep moving forward and don't give a shit about what anybody thinks. Do what you have to do for you.”

Johnny Depp

Day 4: A picture of your most worn shoes.


Four years na yan at mediyo sira-sira na siya ngayon sa sobrang pagkakasuot. Hahaha. At actually, dahil sa state niya, lalo ko pa siya naging favorite kasi ang tagal ko ng gusto na maging ganyan yung Chuck's ko. Sobrang naku-cool-an kasi ako. Lalong lalo na dun sa mga sapatos ng banda na classic red o black lang yung kulay tapos kupas kupas na? Tangina. Kung pwede lang bumili ng ganun na agad. Hahaha. Dati nga gusto ko ng klorox-in yung sapatos ko eh. =)))) So yon! Hahahaha. XD

“The most beautiful people we have known are those who have known defeat, known suffering, known struggle, known loss, and have found their way out of the depths. These persons have an appreciation, a sensitivity, and an understanding of life that fills them with compassion, gentleness, and a deep loving concern. Beautiful people do not just happen.”

Elisabeth Kübler-Ross

Day 6: Ten facts about your hometown.

  1. Ang pangalan ng hometown ko ay Cabanatuan City.
  2. Ang mayor namin ay si Jay Vergara.
  3. Kami lang "ata" ang may mall sa buong Nueva Ecija.
  4. "Tricycle Capital of the Philippines" kung saan makikita niyo ang mga pinaka-kurakot at swapang na mag-ta tricycle sa buong mundo. I'm not being harsh. Kung naranasan niyo na ang mga naranasan ng mga tao kapag sumasakay ng tricycle at inaabuso sila ng driver, ganyan din ang masasabi niyo.
  5. Dito makikita ang pinaka-masarap na longganisa.
  6. May balak silang gawing HUC ito pero... ok lang sakin kung ano man ang kalalabasan.
  7. Ang vice mayor namin ay si Jolly Garcia.
  8. May sarili kaming electric corporation, CELCOR.
  9. Mahal sila maningil. That's for sure.
  10. Minsan sa news, kami ang lumalabas ng pinaka-mainit na city for a day. Minsan na kong nakapanuod na kami ang pinakamainit eh. Ewan ko lang ngayon...

Day 6: Where have you traveled.

Ang pinaka-malayo kong trip papuntang Norte ay La Union. And ang pinaka-malayo kong papa-South ay Enchanted Kingdom. Never been on a plane or a ferry. Kaya may plano talaga akong gawin lahat yun kapag mayaman na ko. Chos. :p

3.04.2012

Day 3: A picture of your favorite pair of shoes.


Hindi ko naman `to favorite kasi yung pinaka-favorite kong flats, nasira ko na. Hahaha. Eto naman kasing pair na ito, eto yung pinaka-madalas kong gamitin. Kapag lalabas lang, kapag pupuntang school. Ganun. Hindi kasi ako nag-fi flipflops kapag lalabas ng bahay. Unabes. Eto din kasi yung pinaka-comfortable kong sapatos dahil 1 size larger `to. Hahahaha. =)))) So yun!

Day 5: A random funny story.

Day 5: Top ten favorite songs of all time.

Yung mga kanta na'to eh ilan lang. At walang specific order. Yung lyrics kasi at meaning ang tinitingnan ko sa kanta. At chaka eto yung mga kanta na gusto ko so far at yung mga kanta na unang pumasok lang sa isip ko. :-D
  1. Hanging By A Moment by Lifehouse. Una kong narinig sa radyo yan. Tapos wala na. Nagandahan na ko. Tapos nung hindi ko pa alam yung title, narinig ko ulit sa kapitbahay namin. Tapos tiningnan ko na sa net kung ano yung title at lyrics. Dun ko din nalaman na kanta pala para kay God yung meaning.
  2. Akala by Parokya Ni Edgar. Gandang ganda kasi ako sa meaning ne'to. Lalong lalo na para sakin kasi madalas ako gumawa ng desisyon para sa sarili ko ng walang advice galing sa iba.
  3. A Call To Arms by Urbandub. Lupit sa lyrics.
  4. With A Smile by Eraserheads. Favorite Eheads song.
  5. The Remedy by Jason Mraz. One of my favorite Jason Mraz songs. Pero lahat naman ng kanta niya favorite ko. Seryoso.
  6. Bye Bye by Mariah Carey. Kailangan pa bang ipaliwanag? Hahaha.
  7. Pause by Kjwan.
  8. Hiling by Silent Sanctuary.
  9. Kaleidoscope World by Francis Magalona.
  10. All Star by Smash Mouth.

3.03.2012

Day 4: Top ten favorite movies of all time.

Hindi ako movie fan. I tried. Pero hindi talaga ako gaanong patient when it comes to watching movies. Mas trip ko talaga magbasa. Pero eto yung mga movies na na-enjoy ko talaga so far.
  1. National Treasure. Paborito ko `to dahil na-astig-an ko yung plot at dahil madami akong good memories kasama ang pamilya ko dito lalo na sa Kuya ko. Kabisado namin yung mga memorable lines diyan. Hahaha.
  2. Coach Carter. Yun din. Gusto ko din yung kwento at madami din akong memories kasama ang pamilya lalong lalo na ulit kay Kuya. Hahahaha. And considering the fact na based ito sa true to life story. "Rich what?!" "RICHMOND!" =)))
  3. Sweet Home Alabama.
  4. Drumline.
  5. Tangled.
  6. Step Up.
  7. Harry Potter and the Sorcerer's Stone. Pinaka-nagagalingan ko `to sa effects. Wala lang. Para kasi sakin dito saktong-sakto yung pagkaka-portray. Parang nung pagkabasa ko nung libro tapos napanuod ko `to, eto talaga yung nai-imagine ko habang binabasa ko yung book. Para sakin lang naman. :p
  8. Sherlock Holmes. Dahil malalim yung libro, pinili ko na lang na panuorin. Hahaha.
  9. Legally Blonde. I love Reese Witherspoon.
  10. The Little Mermaid. One of my favorite Disney Princesses movie of all time.

Day 2: A picture of your newest shoes.


Day 4: The most heartbroken you have been, tell the story.

Bakit ganito tong challenge na nakuha ko? Hahahaha. =))))))) Pero sa lahat ng tanong na nasagutan ko so far, eto talaga yung may sagot ako.
Maraming beses na kong umiyak, nadapa, napahiya, napagalitan, nasaktan. Maraming beses ko na ding tinanong si God kung bakit ganito ang buhay. Pero siguro wala ng mas tatapat pa sa sakit na naramdaman ko nung October 26, 2011.
Para sakin, hindi masakit nung nakita ko si Daddy sa bahay ng naka-barong, nakahiga, at dinadalaw ng tao. Para sakin, pinakamasakit yung nangyari lahat bago yon.
Nag-fu fruit game kami ni Jorenn. Binigyan na ko ng pang-tuition ni Daddy nun. Nakalimutan ko na yung sinabi niya pero basta sabi niya ako na daw maghawak nung pera at baka magastos niya. Tuwa ako nun. Kasi nabawasan na siya ng iniintindi. Tapos, nagpunta akong labas kasama yung inaanak ko. Iniwan namin si Jorenn dun sa may fruit game. Ang saya ko pa nun. Kasi natutuwa ako sa mga bata. Tapos lumabas si Jorenn. Tinawag ako na as in makikita mo sa mukha niyang may mali. Sabi niya,"Dalian mo! Yung Daddy mo!" Na-blanko na ko nun. Lahat na mangyari sakin `wag lang sa kanya. Takbo ako sa loob. Narinig ko na si Mommy. Wala na. Lalo na kong na-blanko.
Nakaupo si Daddy sa harap ng TV namin. May malay pa siya pero hindi mo na siya makakausap kasi na-stroke na siya. Nangiki na siya. Putangina. Nung oras na yun gusto ko ng mamatay. Pilit siyang binubuhat nila Dikong, Jorenn, at nung pinsan ko. Pero dahil nga sobrang bigat ni Daddy, natagalan bago naisakay sa Revo at naidala sa ospital.
Sumunod na lang kami sa Emergency Room ni Mommy. Habang nasa tricycle ako puro,"Don't give up on us Daddy. Please." lang ang sinasabi ko. Lakas pa ng loob ko. Sabi ko baka may problema lang na hindi seryoso. Pagdating namin dun sa Good Sam, inaasikaso na si Daddy ng kung sino man yung mga yun. Wala pa ding malay si Daddy. Gusto ko silang murahin pero alam kong ginagawa lang din naman nila lahat ng makakaya nila.
Tinawagan namin yung mga kapatid ni Daddy. Tapos hanggang sa nilabas na si Daddy sa Emergency Room at dinala sa ICU. Yung tipong nakalagay siya dun sa higaan na may wheels. Tangina. Gusto kong palitan siya dun. Gusto kong isigaw na sana ako na lang.
Matagal tagal din kaming naghihintay sa baba. Ayoko umakyat. Sabi ko kay Jorenn `wag muna siyang umalis. Hindi ko kayang pumunta dun sa may ICU. Hindi niya ko iniwan. Tapos bumaba yung tita ko. Wala na. Nagpaliwanag na siya sakin. Gusto ko ulit mamatay.
Pinauwi na ko kasi mag-e enroll nga ako kinabukasan. Hinatid ako ni Jorenn. Tapos kumaen at natulog na ko. Tapos biglang may kumatok sa kwarto ko. Si Abuy.
Nung oras na yun alam ko talagang wala na. Alam kong kaya ako sinundo kasi kailangan ko ng samahan sila Mommy at Dikong sa ospital. Sobrang sakit. Hindi ko maigalaw yung katawan ko. Hindi ko alam kung anong unang gagawin ko. Pero sumama pa din ako. Kasama ko si Abuy, si Kuya Jayjay, at yung lola ko.
Pagdating namin, nandun palang kami sa ibaba ng stairs naririnig ko na yung iyakan nila. "Hindi ko kaya", sabi ko. Pero sabi nila kailangan daw. May nakasalubong pa nga kaming babae sabi,"Ayoko ng mga eksenang ganyan." Kung hindi lang ako nanghihina nung mga oras na yun, sinuntok ko siya sa mukha. Tangina niya kung nasan man siya.
Andun lang kami sa labas ng ICU. Umiiyak. Nananalangin kahit alam naming wala na. Nagdadasal kahit alam naming tapos na.
Kung tatanungin niyo kung bakit hindi masakit para sakin nung naka-burol na si Daddy sa bahay, isa lang ang sagot ko. Kasi nung nasa bahay na si Daddy, unti-unti ko nang natatanggap na wala siya. Umiiyak ako pero kasi masakit pa talaga. Pero nung nasa ospital si Daddy, may pag-asa pa ko na ma-o ospital lang siya. Kaya nung nalaman kong wala na, para kong kandila na hinipan. Yung tipong nasa linya ng telepono yung kapatid mo na nasa kabilang parte ng mundo. Umiiyak. Wala na kong masabi nung binigay sakin yung telepono. Ang nasa ko na lang,"Kuya, umuwi ka na." Tapos lalo akong umiyak nung sabi niyang,"Oo Tiny. Uuwi na ko."
Kaya kayo? Sabihin niyo na sa mga magulang niyo kung gaano niyo sila kamahal. Kung may alitan kayo, makipag-ayos na kayo. Dahil sa bawat segundong lumilipas dito sa mundo, hinding-hindi niyo na maibabalik ang mga oras na naaksaya niyo.
Masakit alalahanin yung mga nangyari noon, pero kahit anong gawin natin hindi naman natin mabubura yun sa alaala natin.
Sa lahat ng pagsubok na pinagdaanan ko, naging matatag ako. Sa tulong ni God at ng mga taong nagmamahal sakin, nagawa ko ulit bumangon kahit sobrang sakit. Alam ko hindi pa hilom yung sugat ko, pero unti-unti din yang gagaling.
Alam ko kung nasan man si Daddy ngayon, gusto niya kaming maging masaya. At sana kung nasaan man siya ngayon, sana kasama na niya si God at sana masayang masaya na siya at walang problema.

3.02.2012

Day 1: A picture of your oldest shoes.



First Chuck's ko yan. \m/ 1st year high school ako nung binili yan kasi unang bukas din yata nun ng Converse sa Pacific. 5 years na siguro yan. Buong-buo pa din siya hanggang ngayon. Hahaha. Pero hindi ko na madalas gamitin kasi nung "emo-emo-han days" ko pa ginagamit yan. Nung mediyo ang fashion style ko eh t-shirt, shorts, at Chuck's. Hahaha. Pero dahil nga mediyo iba na ang datingan ko, nakatago na lang siya. =))

Shoe Challenge.

Day 3: Seven secrets.

Jusko. Kapag sinabi ko, eh di hindi na secret. Kaya nga secret kasi tinatago di ba? Hahahahaha. =)))) Yung mga facts na lang siguro tungkol sakin na hindi masyadong alam ng iba. XD

  1. May collection ako ng Barbie!
  2. May nunal ako sa *toot*.
  3. Hindi ako naliligo minsan kapag pumapasok ako kasi giniginaw ako.
  4. Hindi ako naniniwala sa multo pero minsan natatakot din ako.
  5. Takot ako sa clown.
  6. Pinaglihi ako sa crab kaya hiwa-hiwalay yung daliri ko sa paa at kaya may balat akong pula sa noo at sa likod ng ulo ko.
  7. Kung pagwapuhan lang, oo naga-gwapuhan ko si Justin Bieber. Ok lang sana kung artista na lang siya at hindi singer.

Day 3: Worst injury you got, and how you got it.

Ang corny naman. Hahahaha. Para sakin ang corny kasi hindi pa talaga ako na-o ospital o ano. As in hindi ako prone sa mga ganyan. At `wag naman sana. *knock on wood*
Pero siguro yung pinaka-malalang physical injury na nakuha ko eh nung... nag-ha haring taga kami noon. Siguro grade... 2 ako non. Hindi ko alam, pero basta bata pa ko nun. Hindi ko na nga masyadong maalala ngayon eh. Hahaha.
Eh `di yun, as usal, tumatakbo kasi kailangan makalagpas sa mga harang at makapunta sa base. Tapos yung isang harang, tinulak ata ako. Tapos nagkaron ako ng peklat sa tuhod. Tangina lang. Hahahaha. Yun lang peklat ko ever. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa dahil wala na siya ngayon dito. Si Emat yun. Kung kilala niyo si Emat, siya na ata ang pinaka-magaling na magnanakaw na nakilala ko. As in. Daig pa si Lupin. Seryoso.
Tapos may isa pa. Hahaha. Mag-ki Christmas Party kami nung Grade 2 ako. Eh sobrang boyish ko nun pa, ako ngayon yung nagtapon ng basura namin sa room. Tapos nung naitapon ko na at babalik na ko sa room, tumakbo ngayon ako ng sorbang bilis at is nakikipag unahan ako sa mga lalake kong classmate. Tapos ayun... nadapa ako. Hahahaha. Hindi ako nagkasugat pero namaga ng ilang linggo yung braso ko. Tapos yung crush ko nung grade 2, si Daniel Bantug. Madaming may kakilala sa kanya ngayon. Sa WU-P siya nag-aaral. Ayun, binilan niya ko ng band-aid! Hahaha. Yung colorful? Hahahaha. So yon. =)))))))
Yan ang pinaka-"worst" na physical pain na naranasan ko sa buong buhay ko at sana `wag ng madagdagan.

3.01.2012

Day 2: Ten random facts about yourself.

  1. Kung hindi ako nag-i internet, nagbabasa ako o nag-sa soundtip, o kaya naman nagsusulat ng kung ano ano sa planner ko. Tulad ng mga gusto kong design sa kwarto, mga iba-blog ko, mga diary entries. O kaya nagsusulat ng mga kung ano-ano lang na walang saysay.
  2. Mabilis ako mag-exam. As in. Tapos kapag natapos ako, hindi ko muna ipa-pass kasi nahihiya ako. Kaya mag-du doodle muna ako sa likod ng test paper ko. Lagi yun.
  3. Kung tatanungin mo ko kung damit o sapatos, sapatos ang pipiliin ko.
  4. Gusto kong nanunuod ng news, documentaries tungkol sa tao, sa pulitika, sa National Geographic Channel, sa History Channel. Kaya dati gusto kong kunin na course ay PolSci o kaya ay Anthropology.
  5. Ayokong pinipigilan ako sa mga gusto ko. Ewan ko. Siguro kasi nga Leo ako, kaya hindi ako sanay na sinasakal ako o tinatali ako in one place. Gusto ko malaya ako sa mga ginagawa ko. Kasi ako din naman yung tao na hindi kita pipigilan kung anong gusto mo, kaya ayaw kong binabasag ang trip ko.
  6. Kaliwete ako sa pagsusulat pero kapag sa iba na, kanan na ang gamit ko. Tulad ng pagpi-piko, kanan na paa ang gamit ko. Pati sa pag-gamit ng kubyertos, yung kutsara nasa kanan na kamay. Pati sumulat sa blackboard minsan, kaya kong gumamit ng kanan.
  7. Hindi pa ko na-o-ospital o napupunta man lang sa dentista. Hindi pa ko nabubunutan ng ngipin sa dental clinic. Pero nakapagpa-check up na ko dati nung nagka-infection yung mata ko.
  8. Kapag meron akong isang bagay na gusto, sarili kong ipon. Etong phone ko lang na gamit ko ngayon ang unang cellphone na bigay sakin. Yung phone ko noon, binili ko nung sumweldo ako sa paluwagan. Yung music player ko man. At kapag gumagala ako kasama ang mga kaibigan ko, hindi ako nanghihingi ng pang-gastos. Kahit kailan hindi ako nanghingi ng pera na pang-gala sa mga magulang ko.
  9. Hindi ako selosa. Sabi nila yung mga babae daw ang mga madalas mag-selos pero sa relationship namin, si Jorenn ang seloso. As in. Minsan nakakatuwa, pero mas madalas nakakainis. Hahaha! Kung feeling nung mga babae nakakatuwa kapag nagseselos ang lalake, nako. Hindi. Hahahaha. Pero nakaka-flatter din kasi alam mo talagang mahal ka nung lalake.
  10. Madami akong gusto sa buhay na hindi ko na nga alam kung ano ba talaga ang gusto ko. Gulo noh? Ang dami kong gusto "maging" pero hindi ko alam kung ano ba talaga. Tulad ngayon, next sem papasok naman ako sa mundo ng "Engineering" at hindi ko pa alam kung yun nga ba ang para sa akin. Pero ang masasabi ko lang, hanggang ngayon hinahanap ko pa din kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko.

Day 2: Who has made a biggest impact in your life, and why.

Tae. Bakit pang-Miss Universe yung tanong? Hahaha. Kahirap naman sagutin. Kasi lahat naman siguro ng taong malapit satin, malaki ang epekto sa buhay natin di ba.
Isa na lang siguro sa mga taong malaki ang impact sa buhay ko. Eto na naman ako. Hahaha. =))
Ayan. Ang isa sa mga taong malaki ang epekto sa buhay ko ay siyempre si Jorenn Del Mundo. At nung nakilala ko si Jorenn, ang laki ng nagbago sa buhay ko pati na din siguro sa pagkatao ko.
Lumabas na ang pagka-babae ko. Kasi nung hindi pa ko nagkaka-boyfriend, sobrang boyish ko. Tapos naging sociable ako. Kasi syempre, yung mga ka-section niya nung high school, kinakausap na din ako. Malaki yung impact sakin lalo na nung high school. Naging kilala ako ng mga teachers. Naging prone din kami sa galit at pangaral nila. Hahaha! Eh kasi nga, maraming mga mag-jowa ang may mga issues non kaya akala nila gumagawa din kami ng milagro. XD
Nagkaroon din ako ng instant best friend, instant na bu-bully-hin, instant na aasarin. Nagkaron din naman siya ng instant na i-spoiled-in.
Tapos nadagdagan yung knowledge ko tungkol sa mga banda. Nakakapunta na din ako sa mga mini-concerts at battle. Kahit hindi ako marunong tumugtog, kapag sinasama niya ko nakakasilip ako sa isa sa mga bagay na kinahahangaan ko.
I learned the art of taking something and giving something in return. Natutunan ko kung papano mahalin at magmahal.
Pero meron ding flaws. Hahahaha. Nung naging partner ko siya, hindi na ko nakakagala mag-isa. Hindi na ko pwede gumawa ng lakad na hindi sinasabi sa kanya. Kapag may ipo-post ako dito kailangan sasabihin ko pa sa kanya kung bakit ko pinost yun. Hindi na ko pwede mag-unli ng hindi niya alam. Hindi na ko pwede umalis ng hindi nagpapaalam. Mga ganun. Hahahaha.
So yon. Sobrang laki ng mga pagbabago at pinagbago ko simula nung naging close kami ni Jorenn kaya masasabi ko na isa siya sa mga taong malaki ang impact sa buhay ko.