2.21.2012

Pera.

Bakit ka nag-aaral ngayon? Bakit ka pumapasok? Bakit gusto mo makakuha ng magandang grades? Bakit ka nagpapakahirap gumising ng maaga para hindi ma-late sa eskwela? Sagot? Pera.
Sinong tao ang ayaw yumaman? Kahit na sabihin mong ayaw mo yumaman at gusto mo lang maging sakto yung buhay mo, sigurado akong ayaw mong maging mahirap. Sinong gago ang nag-aral ng mahigit sampung taon at ayaw magkapera? Sinong tao ang pag-aaralin ang anak nya at ayaw makitang yumaman ang anak niya? Wala. Siguro meron nga, pero siguradong akong halos lahat ng tao, ganyan.
Money makes the world go round. Gago ka kapag sinabi mong pag-ibig lang ang kailangan mo sa mundo. Oo, ang sama naman ng ugali ko para sabihin to. Pero mapapakain ka ba ng pag-ibig mo? Mabibigyan ka ba ng magandang bukas sa pag-ibig mo? Mabibili ba ng pag-ibig ang mga gusto mo sa buhay? Bakit, kaya bang pakainen ng pag-ibig nyo ang magiging pamilya niyo? Hindi.
Ang pangit man pakinggan at ang pangit man isipin, pero kaya may nakikita kang tao sa araw-araw, ay para kumayod at magkapera. Gago ka kapag hindi mo sinali ang pera sa mga pinaka-importanteng bagay sa buhay mo.
Anong punto ko dito? Gusto ko lang sabihin sa inyo na sa sobrang pagkamit ng tao sa pera, sobrang daming problema na din ang dumadating satin. Bakit nagkakaroon ng mga landslide? Dahil sa mga nagpuputol ng kahoy kahit bawal dahil gusto nilang magkapera. Bakit may mga politikong nangungurakot? Dahil nasilaw sila sa pera. Bakit nagpapatayan ang mga tao? Dahil sa pera. Bakit tayo may mga OFW na sobrang nagpapakahirap sa ibang bansa at yung iba pinapatay pa? Dahil gusto nilang mabigyan ng pera ang mga mahal nila sa buhay.
Ako, inaamin kong kaya ako nag-aaral dahil gusto kong mabili lahat ng gusto ko balang araw. Pero kasabay na din ng paghangad ko ng mga bagay, gusto ko din na maging proud sakin ang mga magulang ko. Gusto kong mabigyan ng magandang bukas ang magiging pamilya ko.
Okay lang na maghangad ng pera at tagumpay sa buhay. Isa sa mga nature ng tao yun. Hindi mo maaalis sa sarili mo na maghangad ka ng pera. Pero `wag nating paikutin ang mundo natin don.

“That’s sad. How plastic and artificial life has become. It gets harder and harder to find something…real.” Nin interlocked his fingers, and stretched out his arms. “Real love, real friends, real body parts…” ― Jess C. Scott, The Other Side of Life
“Nin knew how much humans loved money, riches, and material things—though he never really could understand why. The more technologically advanced the human species got, the more isolated they seemed to become, at the same time. It was alarming, how humans could spend entire lifetimes engaged in all kinds of activities, without getting any closer to knowing who they really were, inside.” ― Jess C. Scott, The Other Side of Life

No comments:

Post a Comment