2.06.2012

Napagod, eh.

Natuto na ko na hindi pagmukhaing tanga yung sarili ko kakahabol sa mga taong ayaw naman huminto. Nalaman ko na may mga tao namang nandiyan at handa kang sabayan. Ewan ko. Siguro napagod lang ako. Napagod akong ipilit yung sarili ko.
Pero hindi eh. Dun ako nagkamali. Nagmukha lang akong tanga. Alam mo yung tipong, ang tagal tagal ko ng sinasabi sa sarili ko na lahat ng tao nagbabago, na pati ako sa sarili ko nagbago. Pero hindi ko man lang naisip na... Ugh.
Tangina eh. Para kong inaperkat sa panga. Yung tipong ang tagal tagal na tapos ngayon ko lang tinanggap. Yung tipong... ngayon ko lang na-realize na ang tagal kong nagbulag-bulag-an.
Sinanay ko yung sarili ko na pahalagahan ng sobra yung isang bagay na yun... Na sobrang pagpapahalaga ko eh hindi ko na napansin yung ibang tao na nandiyan. Tapos hindi rin naman pala yon para sa akin. Hindi talaga eh. Kahit anong pilit ko, wala eh. Hanggang dun lang talaga. Sobrang pinilit ko. Na sa sobrang pagpipilit ko, nagmukha na kong tanga.
Tangina. Ayoko umiyak pero umiiyak ako. Hahaha. Tangina. Ngayon ang tanging masabi ko na lang sa sarili ko ay ang tanga-tanga ko. Ang tanga mo, Tiny. Wala eh. Lahat ng effort ko, nasayang lang. Tangina. Tanga mo, Tiny.
Kaya kayo? Know your priorities. Alamin niyo na hanggang maaga, para sa bandang huli hindi na kayo masaktan. Kasi kapag yung isang bagay na sobra mong pinahalagahan, tapos hindi ka din pinahalagahan? Sobrang nakaka-leche. Nakaka-punyeta. Nakaka-putangina. Sobrang sakit sa bangs, te.
Basang basa na yung damit ko. Leche. Hahahaha. Nyeta. Yon. Huling sasabihin ko eh, magmahalan na lang tayong lahat. Walang magandang naidudulot ang poot, galit, at inggit. Saya ng mundo eh. Sobrang saya na baka sa sobrang puro galit na lang ang natira sa puso mo, baka makalimutan mo na kung papano tumawa.

No comments:

Post a Comment