Shit. Ang hirap sagutan sa totoo lang. Ganito naman eh noh. Kapag "worst day" ang tinatanong, may papasok agad sa isip mo, pero kapag pinaka-masaya, na-ba blanko ka na. Pero siguro, kung meron man akong best day, yun yung mga panahong kasama ko si Daddy. Yung buo kami.
Pwede bang one of the best days na lang? Hahahaha. Sobrang hirap kasi mag-isip eh. Kasi `di ba, meron tayong masasayang araw kasama ang barkada, ang lovelife, etc. etc. Kaya itong ishe-share ko eh ay isa sa mga best days ko kasama ang pamilya ko.
2009. Nag-celebrate ako ng birthday nun kasama ang mga kaibigan ko at nagpunta kaming Robinson's para bumili ng heels na gagamitin ko sa kasal ng pinsan ko sa Baguio. Nung uuwi na kami, sobrang lakas ng ulan at sobrang basang-basa ako nung pag-uwi ko. Kinabukasan, nilagnat ako. As in hindi ako makabangon sa higaan dahil killer migraine ang mga nangyayari sa ulo ko.
Nagpa-doctor ako. Pero hindi din alam ng pediatrician ko kung bakit. (HAHAHA) Nagpunta kami sa albularyo at nalamang na-nuno pala ako. Syempre, sobrang saya ko dahil makakasama ako sa Baguio at pwede akong mag-abay.
August 13. Umakyat na kaming Baguio. Hindi ko alam kung 12 or 13 basta alin sa dalawa. Kasama ang buong Mendoza family dahil kasal nga ng pinaka-matanda naming pinsan.
Isa sa mga memorable nights ko dun ay ike-kwento ko sa Day 8. Hahahaha.
Tapos August 15, 2009. Wedding Day. Abay kami ni Kuya at Ninong si Daddy-yo. Mga naka-formal kaming lahat at pati si Mommy naka-dress at sila Dikong ay naka-suit.
Sa Baguio Cathedral ang kasal. Sobrang bongga. Parang magical nga eh. Tapos after ng ceremony, sa Baguio Country Club naman ang reception. Ang bongga. As in. First time kong makapunta sa ganung occasion. Hahaha. #inosente
Tapos after nun, sobrang saya. Kasi picture-picture, etc. etc.
Yan ang first family picture namin na matino. Hahahaha. Kaya nga siguro memorable sakin ang araw na'to kasi may family picture na din kami sa wakas! =))))
Yon ang isa sa mga best days ko. Ay teka... parang isang linggo yun ah? HAHAHAHAHA. =)))))))
No comments:
Post a Comment