2.05.2012

Hindi ako makaisip ng title dito.

Siguro isa sa mga nakasanayan ko na sa buhay ay yung, tanggapin kong ano yung ibigay sakin. Kahit sobrang sakit na sa ulo minsan sa gulo ng mga bagay sa isip ko, tuloy lang. Sa sobrang bilis ng panahon, ganon din tayo kabilis magbago. Sobrang daming pwedeng mangyari sa atin. Na yung mga taong akala mo eh tatagal sa buhay mo, hindi pala. Na yung mga taong akala mong hindi magtatagal sa buhay mo, andiyan pa.
Yung tipong, tangina. Magiging ganito pala ako ngayon. Yung dating walang tigil ang bibig kakadaldal nung elementary, ayaw ng dumaldal ngayon. Yung dating matapang at palamurang taong nakita nila noon, ganito pa din ngayon. Na yung dating Tiny na palaban, nag-iisip na ngayon.
Dati sabi ko sa sarili ko, gusto ko ng maraming kaibigan. Pero nalaman ko nung tumanda ako na hindi pala ganun kadaling humanap ng mga kaibigan na magtatagal sa panahong ito. May aalis, may maiiwan. Siguro paglipas ng maraming taon, lima, tatlo, dalawa o baka isa na lang ang matitira.
Dati sabi ko sa sarili ko, ayaw kong magmahal. Ayokong magka-boyfriend. Sabi ko sa manliligaw ko non? Hindi pa ako ready. Pero eto ako ngayon. Mahigit ng dalawang taon na nasa isang relasyon.
Dati sabi ko sarili ko, gusto kong maging teacher. Anong subject? Biology. Pero ngayon? Ayoko na. Bakit? Hindi ko din alam.
Ultimo wika, dinamiko. Nagbabago. Tao pa kaya?

No comments:

Post a Comment