2.27.2012

February 26, 2012.

Ayun, umalis kami kahapon kasi tinreat at nilibot namin yung mga pamangkin ko. Supposedly, dapat sa Manila Ocean Park. Pero dahil sooobrang daming tao. As in sooobra, nagpunta na lang kaming MoA and Manila Zoo.
 Dapat isa sa Champion Brights ang bibilin ko. Probably Orange or Blue Mallard. Pero... walang available. </333 Kaya Champion Spring in Rifle Green na lang ang binili ko. Yes. Dark green yan. Mukha lang blue green. Hahahaha. =))))
Look! Ang cute nyan. Pang-baby. As in sobrang liit at napaka-cute! :"> Nahumaling tuloy ako sa oxford shoes! Nako. Next on my list yan! :p
Tapos nung pagkatapos ko kumaen at sila Mommy ay hindi pa, naisip kong surprise-in si Jorenn! Gusto ko sana bumili ng capo na gusto niya. Yung pang banjo. 
Ayan yung apat na music stores sa MoA. And as you can see, hiwa-hiwalay sila. Lahat na yan pinuntahan ko! Pero wala talaga nung gusto ni Jorenn. :(
Tapos nagpunta nga kaming Manila Zoo at tanging gusto ko lang makita ay ang lions. Pero wala pala. Tangina lang. Hahahaha. Pero ok lang naman kasi Php40 lang ang entrance fee.
 Sorry for the low quality! Hindi ko kasi nahiram yung camera ni Jorenn kasi nag-punta silang Vigan for 3 days kaya nagka-salisi kami ng uwi. :(
 Pretty peacock.
Dumbo. Hindi yun name nya. Yun lang gusto kong itawag sa kanya. ;)
Tapos kumaen kami sa McDo (as usual) ng Harrison's Plaza. Tapos nagpunta kaming SM Dept. Store kasi bumili si Mommy ng clutch bag. Nung mga oras na yon, napag-desisyunan kong bilhan na si Jorenn ng capo kahit na hindi yung hinahanap nya yung bilin ko. Pero nung nagtanong naman kami sa guard, wala daw siyang alam na music store.
Nung pagbaba namin sa sasakyan, umihi muna yung mga pinsan ko. Kaya tumambay muna ako sa van. Eh nakabukas yung bintana, napalingon ngayon ako sa kaliwa. Tapos nabasa ko yung isang store. Isang malaking,"JB Music and Sports" yung nakita ko. Bigla akong tumakbo sa papalabas ng sasakyan. Hahaha. Eh naalala ko, wala na pala akong perang dala. Kaya sabi ko muna kay Kuyang taga-JB Music, saglit lang. Takbo ulit ako papalabas at nagtanong sa guard kung saan may ATM Machine. Sa taas pa daw. So takbo ako papataas. Tapos nung andun na ko, may pila pa. Hahaha! Hanep. Tapos hapon na nun. Mga 5pm na kaya uuwi na kami at ako na lang hinihintay. Kaya nung nakakuha na ako, takbo ulit ako pababa. Sira pa yung escalator! Puta lungs.
Pagdating ko sa store, pinagtatawanan ako ni Kuyang taga-JBMusic. Bakit daw ba ako nagmamadali.
Tiny: Eh taga-Cabanatuan po kasi ako. Uuwi na po kami, iiwan na nga po ako eh! Kaya pakibilisan kuya. =)))
Kuyang taga-JBMusic: Eh iwan niyo na din po yung number niyo dito Ma'am. Hahaha. Joke lang po. =))
Tiny: Kung maka-pickup line si Kuya! Patay don. =)))
Tapos pinagtatawanan nila ko kasi handang handa na kong tumakbo kapag naibigay nila sakin yung binili ko.   Eh napaka-dami pa nilang proseso, kaya tawa sila ng tawa. Kaya nung pagkuha ko, nag-babye at nag-thank you na agad ako at tumakbo. Hahahaha. =))))))
Yon. Sobrang kapagod at masaya! Sana sa susunod si Jorenn naman kasama ko lumibot. :">

No comments:

Post a Comment