- Burol ng lola ko. 3 years old or mag-ti three ako nung namatay yung Ema ko. Tapos naalala ko pa din yung araw ng burol nya. Pumunta daw ako sa terrace namin tapos andun yung mga bisita. Andun daw yung lolo ko sa harap ng kabaong. Tapos yung tita ko (kapatid ng mommy ko), nakaupo sa isang upuan tapos nag-hi sakin. Tumakbo daw ako at nagpa-cute. Tapos pagbalik ko, akala ko dalawa sila. Yon. Hahahaha. One of my earliest childhood memories. =))
- Binuhat ako ng Daddy ko. Hindi ko alam kung ilang taon na ko nun, pero umiiyak ako nun dahil inaaway yata ako ng mga kapatid ko. Hipon ang ulam namin na paborito ko. Tapos ayaw ko daw kumaen. Kaya binuhat ako ni Daddy. Hahaha. =))
- Binigyan ako ni Santa ng Barbie o yung mga regalo ni Santa sakin. We had been brought up to believe in God, guardian angels and Santa when we were kids. Nagsasabit kami ng socks and nilalagyan ng gifts yun ni Santa. Although alam ko na sila Mommy lang ang naglagay nun, ayaw ko pa din paniwalain yung sarili ko na sila yun kasi para sakin si Santa talaga ang nagbigay nun.
- Nung sinasama ako ni Mommy sa Little Merry Hearts Parumog para bantayan si Dikong. Hindi pa ko nag-aaral nun. Tapos kapag babantayan namin si Dikong, magpapa-cute ako kay teacher Peachie. Hahaha. Mag-ka kangaroo hop ako sa labas tapos kapag tatanungin niya ko kung gusto ko na daw mag-school, sasagot naman ako,"Ayoko po." Hahahaha. =)))))
- Pinag-di dikdik kami ng kornik ni Ema at Epa tapos lalagyan ng asukal. Kung bata na ang 3 years old, sigurado naman akong mas bata ako nito. 1994 ako pinanganak at 1997 namatay ang Ema ko. Kaya siguro itong memory na `to, more or less 2 to 3 years old ako. Nakaupo daw kami sa taas. May butaka kami dun. Dalawa. Nakaupo daw si Epa dun sa isa tapos nag-papadulas kami ni Dikong sa isa. Tapos si Ema, magdudurog siya ng kornik sa mortar and pestle tapos lalagyan nya ng asukal. Masarap. Hahahaha. Yon. Hanggang ngayon nai-imagine ko pa din yung lasa nun kahit yun lang ang huling beses na nakatikim ako nun at 15 years na ang nakalipas. :-bd
2.29.2012
Day 1: Five most important/memorable childhood memories.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment