Mami-miss ko magsabi ng,"Boss, CL." Tapos mami-miss ko din yung sasabihin nila na,"Kaaga mo naman pumapasok." Tapos sasagot naman ako ng,"Kayo din naman po." Tapos magku-kwento na sila ng buhay nila. Yung anak nila, graduate na. Na pinag-aral nila sa ganito, ganyan.
Meron ngang isa, pinray-over ako. Isang oras yon. Mula Cab hanggang CL.Naramdaman siguro na masamang damo ako kaya pinangaralan ako ng pinangaralan.
At chaka yung mga magta-taho! Yung bwenomano ako kasi papunta pa lang sila sa bebentahan nila, bibili na ko.Tapos magugulat yung ibang pasahero na pwede na palang bumili kaya maiinggit sila kaya bibili na din sila. =))
Naranasan mo na bang makatulog sa jeep dahil sobrang pagod mo tapos nasandal na yung ulo mo sa katabi mo na hindi mo kilala? Hahahaha. #guilty Tapos dapat bababa ako sa Melanio's, eh bangag nga. Dun ako bumaba sa Bread Fun... Sabi ko pa,"Ay, inalis na pala yung Calle Dos." Tapos pagdating ko sa kanto, NEUST. =))))))))
Tapos meron akong nasakyan na jeep, eh sa harapan ako umupo. Nung malapit na kami sa crossing, inalis na nya yung plakard nya. Eh ako na lang yung tao, natakot ako ngayon. Nag-fo formulate na nga ako ng paraan kung pano ako tatalon sa jeep. Tapos nung nasa Araullo na kami, eka ni manong,“Pate, baba na kita dito ha. Eto pamasahe mo. Ang sakit kasi ng tiyan ko eh.” Tae naman talaga. =))))))))
Masarap byumahe araw-araw. Minsan nakakainis din kasi makikita mo yung ibang tao, kaaga-aga eh bidahan na agad. Yung mga taong naka-talungko na agad sa harapan ng bahay nila tapos hindi pa sumisikat yung araw? Samantalang yung mga jeepney drayber, alas tres pa lang naligo at nakapag-kape na at namamasada na. Tapos sila pa yung mga taong malakas mag-reklamo sa gobyerno na bakit ang hirap nila. Bakit kaya hindi nila tanungin yung mga sarili nila ng malaman nila yung sagot.
Mag-a Anthropology na lang ako! Hahaha. =))))))
Tapos nakikipagtalo naman ako nung isang araw sa pinsan ko kung saan nakalagay yung ChicBoy.
Mayabang pa ko eh.
Tiny: Sa tapat ng bus stop yun! Araw araw kaya ako dumadaan dun. Duh?
Pinsan: Tange. Katabi ng Petron yun!
Tiny: Hindi! Bakit naman nila tatapatan yung Jollibee, duh?
Pinsan: Sige, tingnan mo bukas.
Kinabukasan...
Pinsan: Oh asan na yung ChicBoy?
Tiny: Eh lumipat na pala sila kanina dun sa tabi ng Petron.
Mami-miss ko din yung ibang jeepney drayber na nagagalit sakin kapag nalaman nilang araw-araw ako namamasahe. Kagastos daw.Sasagot naman ako ng,"Eh lilipat na lang ako sa ibang jip manong. Kahiya naman ho." Tapos sasagot naman sila ng,"Joke lang. Ikaw naman, di ka na mabiro." =))))))
No comments:
Post a Comment