- Pagbabasa. Masasabi kong nakuha ko yung hilig ko sa pagbabasa nung bata pa ko dahil sa Kuya, Daddy, at Mommy ko. Sobrang hilig nila mabasa. Kahit pupunta sa banyo, magdadala pa ng libro si Daddy. Hahaha. Kaya sinubukan ko din basahin yung mga libro sa bahay namin. Tapos yung kaibigan ko naman na si Dags, sobrang hilig din nya magbasa. Tapos sa kanya ko nalaman na hindi hadlang yung walang pambili para makabasa ng libro. Sa kanya ko natutunan ang mundo ng e-books. Haha! Yon. Kaya ngayon, 80% ng mga librong nabasa ko, via e-books.
- Music. Siguro, base sa mga posts ko dito, napansin niyong sobrang hilig ko sa mga banda. At sa totoo lang, yung laman ng mp3 player ko puro ganun yung laman. Pero kahit ano namang genre, gusto ko basta maganda. Hindi naman ako bias. Pero pagdating kay Justin Bieber, wala.
- Mag-kwento. Sobrang masarap mag-kwento. Lalo na kapag alam mong may mga tao na bibigyan ka ng oras para makinig at magbasa. Lalo na kapag alam mong may mga taong nakaka-appreciate ng mga sinasabi mo.
- Magpatawa. Para sa isang taong gago na tulad ko, makita mong tumatawa ang mga tao dahil sa sinabi mo ay isa sa mga sobrang nakakapang-alis ng hinanakit sa mundo. Pramis. Kung natutuwa sila dahil sakin, ako naman natutuwa kapag nakikita ko silang natutuwa sakin. Mutualism.
- Seeing my loved ones happy. Eto walang ka-plastikan to. Sa isang tao na sobrang nakaranas ng pangit sa mundo, sobrang big deal sakin na makitang masaya ang mga mahal ko sa buhay. Lalo na sa Mommy ko. Gusto ko lagi siyang masaya. Ganun din naman sa mga kaibigan, kapamilya, kay Jorenn, at sa iba pang mga tao na nasa puso ko.
2.23.2012
Mga simpleng bagay na nakakapag-pasaya sakin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment