Yung tipong nagbuhos ka ng sama ng loob sa isang tao. Yung tipong binuhos mo lahat ng hinanakit mo tungkol sa isang bagay na hindi mo masabi sa iba. Yung akala mong sasamahan at dadamayan ka niya sa problema mo. Pero yung punchline? Hindi pala.
Sakit sa puso. Napailing na lang ako. Ang tagal kong naghihintay sa sideline, ang tagal kong nanunuod. Ang tagal kong nag-aabang.
Actually, natatawa na lang ako sa sarili ko eh. Natatawa na lang ako sa katangahan ko. Siya na lang yung dahilan kung bakit may katiting pa kong self-esteem, tapos nawala pa. Ano nang naiwan? Wala na. Ubos na.
Tangina. Akala ko ang galing ko ng pumili. Akala ko nakachamba na ko at napakaswerte ko naman. Yung punchline ulit? Hindi pala.
Wooo. Galing mo, Tiny. Nag-mukha ka ng tanga, nawalan ka pa. Oh `di ba, tiba-tiba ka. Tangina. Tangina na lang. Na-punyeta lang ako. Lecheng buhay `to.
No comments:
Post a Comment