Ang saya sa jeep nung papunta kami! Hahaha. May tatlo kasi kaming nakasakay na nurses, tapos may sumakay na lola na sobrang daldal. Tapos kwento siya ng kwento, na nadapa daw sya nung isang araw kaya dun siya uupo sa dulo, na bawal na daw mag-aral ng nursing dahil wala naman daw nakukuhang trabaho. Eh yung tatlong nurses na kasabay namin, puyat. So syempre, bangag sila. Kaya ang lalakas ng trip. Tawa sila ng tawa tapos jinajamming nila si lola kaya kami namang ibang pasahero, natatawa sa kanila. Hahahaha. =))))
Then nung nasa school na kami, hunting naman ng mga professors. Thank God nandun silang lahat kahapon! Tapos hinahanap ko kasi si Dra. Rafael, eh hindi ko kasi siya kilala. Tapos may isang lalaking student na kausap yung isang teacher na nagpapa-check siya ng thesis. Tapos na-feel ko na baka si Ma'am nga yun. Kaya nung pumasok na siya sa loob, tinanong ko si Kuyang estudyante kung si Ma'am Rafael nga yun. Oo daw. P.S. Ang pogi niya. HAHAHAHA. =))))
Tapos yung isang teacher naman ni Jorenn na nasa RSTC daw. First time kong pumunta dun, tapos ang ganda pala! Here are some shots in the RSTC building. (Click all photos for a better resolution please! ☺)
Tapos pagkatapos nun, balik na naman kami sa CAS main. At alam nyo ba kung gaano kalayo yun? Parang NEUST to Mega lang naman at higit pa. Hanep. Kaya sobrang nakakapagod.
Pagpunta namin dun, sarado naman yung CAS Registrar kaya hintay hintay pa ng onti. Tapos andun si Kuya Nine (Vet na nagtitinda ng LactoChoco sa school), tapos nung nalaman niya na mag-ta transfer ako, ekang ganun,"Walang LactoChoco sa NEUST!" Hahahahaha. Sira ulo talaga si Kuya Nine. =)))
Nung nakapagpapirma na kami, sa Dean's Office naman. Tapos kailangan pa din muna maghintay bago makuha yung papapirmahan sa Dean. So habang naghihintay kami, nag-picture picture muna kami. Hahahaha. Here are some of our photos:
Hello. I LOVE YOU!
Tapos pagkatapos namin magpapirma sa Dean, sa Admin naman yung kasunod. At alam nyo ba kung gaano kalayo ang CAS Main building hanggang Administration building? Mga mula NEUST hanggang palengke? Hahaha. Hindi ko alam. Basta malayo. Dahil nasa main gate ang Admin tapos nasa second gate yung CAS, oh `di ba? Parusa. Hahahaha.
Tapos nung nakapagpapirma na din sa Administration building, babalik naman kami ngayon sa Office of Admissions para i-submit ang mga pinapirmahan namin. At alam niyo ba kung gaano kalayo yun? Parang CAS to Admin din pero mas malayo ng konti yung OAd sa CAS, kaya mas malayo pa ang lakarin.
Tapos ayun, pagkatapos namin sa OAd, problem-free na kami! Yeheyyy! Kaya nag-celebrate na kami ng monthsary namin. At ano pa nga ba ang best and cheapest way to celebrate? Street food!
Squid balls ko at kikiam niya (@jorenndm). :-bd
Fried siomai! Saraaaaap.
Sawsawan ng siomai. Masarap yan noh! Hindi lang siya basta toyo. =))
Busog! :-bd
Sobrang gutom kami dahil as in nalagas na yata lahat ng fats ko kahapon. Hahahaha. =)))) Pero worth it naman kasi wala na kaming problema! Yaaaay! Apir apir! Goodvibes ka talaga February! \m/ I love you! >:D<
No comments:
Post a Comment