Aaminin ko, 2011 was not a good year for me. Pagpasok pa lang ng 2011, sobrang nami-miss ko na agad yung 2010. Sobrang ganda kasi ng 2010 para sakin. In terms of lovelife, family, friends, school, lahat. Yun nga, dun naging kami ni Jorenn, prom, first months ng fourth year sa high school, gala kasama ang mga kaibigan, hindi kami gipit, nakaalis na si Kuya papuntang Saudi at may stable job na siya... kaya nung pagpasok ng 2011, parang naramdaman ko na agad na hindi ko talaga feel. Sa lovelife, ilang beses kaming nag-away ni Jorenn na almost nag-break na kami, peer pressure, adjustment sa school... madami pang iba. Then yun nga, death ng Daddy ko, nawalan ako ng inspiration sa pag-aaral na I was almost at the point na ayaw ko na talaga. Wala na eh. Wala na yung isang tao na inaalay ko lahat ng paghihirap ko. Nawala talaga sa alignment yung buhay ko nung 2011.
Then something changed. Kasabay ng pagbabago ng taon, onti-onti akong bumangon ulit. Siguro, ang una kong step na ginawa ay yung tanggapin yung reality na wala akong magagawa kahit anong gawin ko but to stand up again and fight. Acceptance. Sobrang hirap gawin niyan, sinasabi ko na sa inyo, para sa isang tao na nawalan ng sobra. Pero kahit nga gaanong kahirap, tinanggap ko.
Kasabay naman ng pagtanggap ko sa mga napakaraming bagay sa buhay ko, kasabay din ng mga bagay na masasaya na nangyari at dumating sa buhay ko. New Year, two years na kami ni Jorenn, mga advice from friends, alam nyo na yun... Basta halos lahat ng mga post ko this year, masasaya.
Isa pa sa mga magandang ginawa ko sa buhay ko ngayon ay yung pag-sort out ko ng priorities. From my previous posts, nalaman ko nga na mahirap humanap ng mga taong sasabay sa'yo hanggang sa dulo ng buhay mo, at bahala ka na kung sino ang pipiliin mo.
Shet, umiiyak na naman ako. Hahaha. Isa pa yung sa CLSU. Hindi man kami naging compatible ni CLSU, masaya ako na sinubukan ko. Proud pa din ako sa sarili ko na sinubukan kong abutin ang isa sa mga pangarap ko. Although hindi nga kami para sa isa't isa, alam ko na baka naging pinto ito para may dumating na mas bagay at mas kailangan ko.
Tungkol naman kay Daddy, at least hindi na siya nahihirapan dito. Hindi na siya nahihirapan mag-welding, mag-antay ng magpapagawa, hindi na niya kailangan problemahin yung pang-tuition at pang-baon namin. Kung dati, syempre malungkot ako. Pero ngayon, sobrang masaya ako kasi kasama na niya si God at wala na siyang paghihirap ngayon. At alam ko na ganun din sila Mommy, Kuya, at Dikong.
At higit sa lahat, naging mas matapang ako. Tangina. Umiiyak ako. Hahahaha. Sheeet. Kung matapang ako noon, maipagmamalaki ko sa inyo na mas naging matapang at matatag ako ngayon. Sa lahat ng problemang pinagdaanan ko nung 2011, natutunan kong tanggapin sa sarili ko na obstacles lang yun ni God para sakin at natutunan kong tingnan yung positive side ng mga negative na nangyari sakin.
Maraming maraming salamat po Lord. Sa likod ng bagyong pinagdaanan ko, alam kong magkakaron din ako ng bahaghari. :-bd
No comments:
Post a Comment