2.27.2012

Mga tao.

Ako kasi yung tao na sobrang hilig byumahe. As in. Hindi ako nagrereklamo na napapagod na kong bumyahe, etc etc. Siguro kasi hilig kong makakita ng mga iba't ibang uri ng tao. Iba't ibang antas ng kahirapan at kaginhawahan ng tao.
Sa araw-araw na pag-byahe papuntang CLSU, halos nakita ko na ang lahat ng uri ng Pilipino. Ang iba o ang mga madalas kong makita ay ang mga:

  1. Estudyante. Isa na ako diyan. Kami yung mga pumapasok dahil gustong naming maging proud ang mga magulang namin samin at pati na ang sarili namin. Kung isa kang estudyante, apir.
  2. Mga bumabyahe. Sila yung mga taong laging may dalang malalaking bag. Hindi ko alam kung ano sila pero lagi silang may bag na malaki.
  3. Mayayaman. Sila yung mga may magagarang kotse at magagandang bahay na may pangalan kung ano ang natapos sa harap. Sila yung mga angat sa buhay dahil pinanganak na silang mayaman o nagsikap sila para marating ang mga pangarap nila.
  4. Masisipag. Sila yung mga gising na at nagta-trabaho na kahit madaling araw pa lang. Yung mga jeepney drayber, sikyo, gasoline boy, magsasaka, magta-taho, atbp. Sila yung mga taong kahit sobrang hirap ng buhay, tuloy lang sa ginagawa nila. Walang reklamo. Iniinda ang kahit na anong bagyo.
  5. Vendors. Dalawang uri yan. Yung mga nakaupo at gumagalaw. Masisipag din sila pero hindi nga lang kasing sipag (para sakin) katulad nung mga moving vendors kasi nakaupo lang sila at nagtitinda. Pero hanga ako sa mga kariton vendors - fishball, kwek kwek, Selecta, dirty ice cream, balot, atbp. Sila yung mga kahit tirik na tirik ang araw, tuloy lang sa pagtulak at pag-drive ng mga tinda nila.
  6. Namamalimos. Hindi naman sa demonyo ako, pero ayoko talaga silang binibigyan. Minsan kasi, nung naglalakad kami ni Jorenn papuntang Mega galing Melanio's, may isang binatilyong estudyante na nanghingi samin ng pamasahe. Binigyan namin ng bente. Tapos after 2 days, nung nagpunta si Mommy sa Mega, may nanghingi din daw sa kanyang binatilyo na kamukha ng description ko. Kaya nadala na ako. At chaka yung ibang bata kasi, sa sindikato lang. At chaka yung pagkain naman na binili ko, inipon ko lang din yun sa baon ko. Hindi ko naman sinisisi yung mga bata kung bakit ganun yung buhay nung mga bata, pero may problema ako sa mga magulang nila. Mag-aanak ng marami tapos iiwan lang naman sa kalye. Mga walang puso.
  7. Syempre, kung may masisipag, andiyan din yung mga tamad. Pero hindi ko naman silang masasabing tamad dahil hindi ko naman sila kilala. Pero ayon sa obserbasyon ko, may mga taong tamad na nakikita ko araw-araw. Isa na diyan yung mga taong umaga pa lang, manok na agad ang hawak. O kaya naman e nakaupp na agad sa harap ng bahay nila at may hawak na kape at nakikipag-bidahan na. Minsan nga, may nakita akong may Red Horse ng hawak. Yan yung mga taong akala mong sobrang sisipag at todo reklamo sa goyerno. Yung mga squatter na akala mong sa kanila yung lupang tinitirikan ng mga bahay nila na akala mo kung mag-reklamo sa gobyerno eh alam nila yung mga nirereklamo nila. Hindi ako pro sa gobyerno, mahirap lang din kami at damang-dama din namin ang hirap dito sa Pilipinas. Pero kahit na sobrang hirap, alam namin na buo ang katawan namin. Na may kamay, paa, mata, pandinig, at utak kami. Sa araw-araw na pag-byahe ko o minsan sa balita, dito ako inis na inis. Naiinitindihan ko na mahirap sila. Naiintindihan ko na wala silang pagkaen. Pero hindi nila dapat isisi sa gobyerno ang katamaran nila. Pinahiram sila ng Diyos ng katawan para maabot ang pangarap nila. Hindi para mag-anak ng sangkatutak at maghintay ng grasya. Hindi dadating ang grasya kung wala kang kusa. Nasa Diyos ang awa, pero nasa tao ang gawa.
Gusto ko talaga mag-Psychology o Anthropology nuon. Hanggang ngayon naman. Pero tulad nga ng sabi ko, salat din kami sa buhay at may mga bagay na mas importante kesa sa mga gusto ko. At chaka pwede naman akong magpahayag ng mga obserbasyon ko kahit dito lang sa blog ko. :-bd

No comments:

Post a Comment