Kanina dahil unlimited text ang sim card ko, feel ko lang makipag-chikahan. Hahahaha. Pero hindi rin naman ako naghahanap ng makakausap, kung sino lang ang unli. Buti na lang at unli din yung iba dahil kailangan ko talaga ng kausap kanina. =)))))
So yon. Unang nagtext si Apolyte at Jean at inihayag ko sa kanila ang pang-"Maalaala Mo Kaya" kong buhay. Lels. At ang pinaka-ayaw kong part ng pagchikahan via SMS, napakahirap magtext. Tapos touch screen yung phone mo tapos may paso pa yung pointy ko. Punyeta lungs. XD
Eh di yun. Sa susunod ko na ikekwento kung about saan ito, pero personal. Kung meron pa bang private sa buhay ko at feeling ko wala na dahil lagi kong kinikwento dito. =))) Ok naman yung advice sakin ni Apolyte, kaya lang naguluhan ako. HAHAHAHA.
Tapos sumunod naman si Zel. At dahil mautak ako, ni-revise ko lang yung sinend ko kay Apple at sinend ko na sa kanya. Hahahahaha. Si Switzel ay isa sa mga matagal ko ng kaibigan since elementary. Magkaka-klase kami nila Dags hanggang high school. So natuwa talaga ako nung nag-text din siya. Nung hinayag ko din ang pang-"Maalaala Mo Kaya" kong buhay sa kanya, nagulat ako kasi iba yung reaction nya from Apolyte. XD
Tapos may isa pa kong hinihintay! From a fellow blogger na mas matanda sa akin. Hindi siya sikat pero... idol ko siya. ;)
So yon. Ang dami kong natutunan ngayong araw! Unang una na yung, pagpapahalaga sa mga tao sa paligid mo. Lalong lalo na dun sa mga taong gustong maging parte ka ng buhay nila, na patuloy na gumagawa ng paraan para makasama ka. Pahalagahan mo sila. Sila yung mga taong baka bukas, kasama mo pa.
No comments:
Post a Comment