12.31.2012

The best of 2012

  • Happy fiesta kila Switzel! (January 10)
  • 2nd year anniversary | Karate Kid (January 16)
  • Kjwan sa Cabanatuan (January 30)
  • Ladies Dorm Open House | CLSU (Feb 12)
  • 25th Monthsary | CLSU food cart & tuhog-tuhog (Feb. 16)
  • MOA with Family (Feb. 26)
  • Giniba ang bahay namin dahil papagawa kami ng bago (March 14)
  • Biglang gala/libot kasama si Dags | The Avengers (April 27)
  • The Avengers with Jorenn (May 7)
  • Mother's Day! | (May 13)
  • First time ko magpa-gupit sa salon (May 21)
  • Baguio Weekend Getaway (May 19-20)
  • Slapshock in Cabanatuan (July 31)
  • 18th birthday (August 6)
  • First package bought online via Zalora (Aug 7)
  • Brithday AJ and meet-up with Dags (Aug 12)
  • Surprised by high school friends (Aug 13)
  • Peyt's 18th birthday celebration with high school friends (August 27)
  • Registered voter (October 6)
  • Release of first sem grades (October 22)
  • Gala with high friends (October 24)
  • Nanalo ng DTC Ego | Taragis.com (October 31)
  • Lamarang + inom (November 9)
  • Nerisse's birthday (December 15)
  • Swimming with HS Band (December 19)
  • Epic fail yung mga pausong nagsabing katapusan na ng mundo (December 21)
  • Birthday Papa + inom with cousins (December 22)
  • Merry Christmas! (December 25)
Yan na lang natatandaan ko. Haha. Perk of being a blogger: you can save the best dates.

12.29.2012

Mga natutunan ko ngayong 2012

  • Hindi ka nagkamali, natuto ka lang
  • Walang lugi pagdating sa pag-ibig. Naks.
  • Maging proud ka sa sarili mo
  • Matuto kang magpa-kumbaba
  • Matuto kang magpasalamat
  • Iwasan ang mag-reklamo, hindi lang ikaw ang may mahirap na pinagdaraanan
  • Hindi hawak ng tao ang oras niya sa mundo
  • Lahat ng tao nagbabago
  • Walang masama sa pagbabago
  • Wag kang susuko
  • Walang makakasira ng araw mo kung hindi mo sila papayagan na gawin yon
  • Hindi tinatakbuhan ang problema, hinahanapan ng solusyon
  • Kung ayaw mong pasukan ang prof mo, wag ka pumasok
  • Wag mong intindihin ang buhay ng iba, may sarili kang buhay
  • Wag mong sisihin ang ibang tao sa katangahan na ginawa mo
  • Wag kang immature. Matanda ka na. Duh.
  • Matutong rumespeto kahit pikang-pika ka na sa nakatatanda sa'yo. Balang araw tatanda ka rin at mararanasan mo yon
  • Ang nakaraan ay nakaraan. Pwedeng tingnan, pero hindi pwedeng balikan.
  • Kung gagawa ka ng kagaguhan, wag na wag mong pagsisisihan
  • Walang masama sa pagmumura kapag pikon na pikon ka na
  • Tumawa ka. Tawanan ang problema.
  • Pera lang yan
  • Wag kang mag-assume na mataas ang grade mo, may mga teacher na nanghuhula lang
  • Kahit hirap na hirap ka na, kahit bagot na bagot ka na, mag-aral ka. Isipin mong milyon-milyong kabataan ang gustong pumalit sa kinalalagyan mo.
  • Maswerte ka.
  • Tao tayo. Nagkakamali
  • Walang masama sa di-pagsunod kapag ayaw mo. Hindi nila hawak ang desisyon at gusto mo
  • Kaya ka nadi-disappoint ay dahil mataas ang expectations mo. Babaan.
  • Wag puro satsat. Simulan mo na ang mga bagay na gagawin mo. Wag bukas, sa isang araw, kundi ngayon.
  • Habang may buhay, may pag-asa
  • Wag na wag kang titigil mangarap. Libre lang yon.
  • Taasan mo  ang pangarap mo. Libre lang yon.
  • Kapag sinimangutan ka ng saleslady o ng cashier, wag ka muna magagalit. Isipin mo na lang maghapon na sila nagtatrabaho at pagod at gutom na sila. Mahirap ngumiti.
  • Matuto kang tanggapin ang mga dapat tanggapin.
  • Manalig ka sa Diyos. Siya lang ang makapagliligtas sa'yo.
  • Iwasan magalit. Nakakapangit.
  • Wag pansinin ang mga nagpapa-pansin. Weakness nila yon
  • Stand by your opinion. Kahit lahat sila magkaka-mukha, hayaan mo sila. Mas masaya mangontra sa nakararami.
  • Maging masaya ka
  • Masaya ang buhay, kaya mabuhay ka ng masaya
  • Kapag may problema ka, andiyan naman si Batman
  • Magpasalamat sa Diyos
  • Makuntento sa kung anong meron ka
  • Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. Suklian mo ng kabutihan ang kawalangyahan nila. Walang mawawala sayo.
  • Kapag suyang-suya ka na, mag-mura ka at sasaya ka! Apir!

12.28.2012

Friends and family. ❤

This month (and also this whole year) I learned that despite how sad and depressed we are, when we're in the presence of our friends and family, every problem will just melt into happiness.
So I just want to share how thankful I am to have  all of you in my life. Kahit hindi niyo alam na may problema ako, at kahit di ko sabihin, makasama at makausap ko lang kayo (sa phone man yan o online), nawawala na lahat.
Let's all welcome the new year with love and happiness and of course, gratitude to the Lord above. Without Him, we are all nothing. Thank you Lord, for a year full of blessings. Kahit minsan sobrang kapos na kapos, okay lang kasi kasama ko naman ang pamilya ko. Thank you po. Sana po lagi niyong gabayan at bigyan ng long life at good health ang mga loved ones ko, especially po si Kuya. Thank you. ❤

December 24 & 25, 2012. Merry Christmas folks!

The day before (December 24), tinapos ko na ang cooking duties ko. Ang mga pinrepare ko ay macaroni salad, buko pandan, crema de puta, carbonara, at buffalo wings. At nung natapos ko na yun before 3pm, naligo na ko at gumayak para pumuntang Pacific kasama si Jorenn.
Actually new pants lang naman talaga ang dapat na bibilin ko, pero nakabili na din ako ng bagong loafers at bagong damit (bought online). Pero di ko rin naman sinuot nung Pasko. Hahaha.
Ayun, nag-Noche Buena kami at natulog na. Pag-gising ko, nagpakain at nagbigay ng aginaldo sa mga batang pupunta.
May nag-bebenta din na Koreano samin ng iPhone4s. Ekang ganon, 8k daw niya binebenta. Tapos sabi ng mga pinsan ko wala daw silang pera. Tapos sabi niya 4k na lang daw. Akala ni gago, bobo ako kaya lumabas ako ng bahay nung bibilin na ng pinsan ko.
Tiny: Teka teka. Check muna natin kung totoo nga yan.
(Lumapit yung Koreano tapos pinakita sakin yung license)
Tiny: Aba, kahit may license yan di ibig sabihin totoo. Teka, kukunin ko laptop ko.
(Pumasok tapos lumabas naa hawak yung laptop)
Tiny: Kapag eto naka-kopya ng file, alam na.
(Tapos kumo-kontra yung Koreano)
Tiny: Aba, sa iPad ganon eh, ala nga naman naiiba sa iPhone? Di porket wala kami iPhone di na namin alam yon. Birahin kita eh.
(Tapos tinesting ko na)
Tiny: Ayan, na-kopya yung kanta. Peke yan.
Si gago inirapan ako sabay layas. HAHAHAHAHA.
After nun, chineck ko yung phone ko. Pinapapunta pala kami ng tita ko sa Cecilia. Pumunta naman kami don, at naka-aginaldo pa! Sarap! Hahaha =)) Tapos nag-aya din uminom si Paypee (na first time ata nangyari sa buong buhay niya) dahil nagba-barbeque ng ribs si Papa. Bumili kami nila AJ sa 7-eleven ng Tanduay Ice at San Mig Light. Eh nag-aya sa likod ng Innova (na nakataas ang upuan at the moment) kaya nag-over the bakod kaming dalawa. Nung umandar na, pa-gewang gewang kaming dalawa kaya kami tawa ng tawa. Tapos kung ano ano sinasabi. Hahahaha. Nung pag-uwi namin, naglaro si AJ sa labas at ako yung tinatawag. Gang sa pumunta sa loob para kunin yung mic ng videoke tapos kunwari kumakanta. Hahahaha.
Gabi na din kami umuwi. Thank you for the gifts Paypee & Ate Abie, Kuya Jay & Ate Gina, and Tita Marie!
Belated merry Christmas everyone! I hope you had a wonderful celebration of Jesus' birth!

December 22, 2012

3 days before Christmas! Umuwi si Papa (tito) galing Saudi last December 20 at birthday niya ngayong 22. Sa sobra daming tao nung party, tumambay na lang kami sa kabilang bahay (na bahay din naman ng isa kong tita) at nag-bidahan kasama ang mga pinsans. Hanggang sa magka-inipan na. Tapos nagka-yayaan uminom. Na ako ang promotor. Hahaha. Lolol.
Ayun, nag-inuman kami. Tapos may contest pa na kung sino maka-100 sa videoke, magkaka-500 pesos. Daming nakakuha. Kung walang masyadong tao, kingina kakanta ako ng walang patumangga gang maka-100 ako! =))
Mga ala una na kami ng madaling araw naka-uwi. Mediyo di pa ko hilo, antok lang. Kaya naglaro muna ako ng Diablo 2 sa laptop. Tapos nung antok na antok na ko, natulog na ko.
Sometime (chos) in the night, bigla na lang ako nangati. As in SOBRANG kati. Na para kang pinapatay na kati. At dun ko nalaman na allergic pala ako sa alak, at yun ang dahilan kung bakit ako nangati noon (remember  my post?) na akala ko ay dahil sa sandamakmak na pusit kong kinaen, pero hindi naman pala.
Hahahaha! Yun lang. =)) Wala lang. Sobrang nag-enjoy lang kami, kahit na madaming problema, kapag Pasko masarap na magpakasaya na lang muna. Kahit naputol na ang internet, hindi hadlang yon para hindi ka maging masaya. HAHAHAHA! =))

Muñoz with HS Band! (December 19, 2012)

Last December 19, 2012 nagpunta kami sa Muñoz dahil inaya kami ni Pat para mag-swimming sa bahay nila don. Nagkita-kita kami sa Manrio (na malapit lang samin, alam niyo yan haha). Ang mga kasama namin ay si Jorenn, Romina, Jolo, Fam, Maan, Pat, at Ash. Dapat kasama namin si Emilio at GP pero susunod na lang daw sila.
Dapat sa pick-up nila Pat kami sasakay, kaya lang may bisita daw ang Daddy ni Pat kaya sabi ko mag-commute na lang kami. Pumayag naman silang lahat kaya nag-jeep kami. At first time palang mag-jeep ni Pat. (Kapag kami kasama ni Pat, napaka-dami niyang firsts. Haha)
Ayun, laptrip sa jeep. Hahaha. Tamang trip kaming magbarahan ni Jolo. Tapos niloloko din namin si Ash. Hahahaha. Tapos tinawagan kasi ni Jorenn si Romina nung wala pa sila sa Manrio. Eh lalake yung sumagot. Sabi sakin ni Jorenn. Kalaki naman daw ng boses ni Romina. Sabi ko baka si Jolo. Eh hindi daw. Kaya sabi ko, malaki talaga boses ni Romina. Kinwento ni Jorenn sa jeep kaya tawanan kami. Hahaha! Sorry Romina! =))
At big time din si manong drayber dahil naka-mahigit 300 pesos siya samin. Boundary na yun! Hahaha. Eh di ayun nga. Tawanan sa jeep. Chika-han. Gaguhan. Hanggang makarating na kami sa Muñoz at sumakay ng tricycle papunta kila Pat.
Pagdating namin dun, wala pang tubig yung pool. Kaya kumaen at nag-miryenda muna kami. Nag-tanghalian na din pala kami. Maraming maraming salamat Pat sa hospitality at sa pagpapakain mo samin!

Videoke at kain muna gang walang tubig ang pool! :p


Pinakanta nila ako :( HAHAHA

Game  na game kumanta. :p

Pinaka-favorite picture sa lahat! Lakas maka-payat nung picture! Uma-anggulo! Lol =))

Swimming pool nila Pat. Ganda!

Favorite group picture! Ang cute ni Emilio at naku-cute-an ko yung sarili ko. :p


Tapos na lahat mag-swimming at konting videoke pa bago umuwi

"I WHIP MY HAIR BACK AND FORTH". Hahahahaha!

Sa jeep papauwi!
All photos from Famela! :D
Thank you ulit Pat! Thank you din dahil lagi niyo akong sinasabit sa mga lakad niyo, HS Band! Love na love ko kayo mga anak! =)))

It's always a good time. ♥


12.23.2012

To-blog! Advance merry Christmas!!!

Sorry for the lack of posts! Napakadaming get-together last week and ngayon week at di ko na nagawang mag-blog. Sobrang gustong gusto ko na dahil ang daming masasayang nangyari ngayon!
  • Thanksgiving (things I am thankful for)
  • Buddha's saying
  • Friends and family post
  • Nerisse's birthday (sana may mag-upload na ng makapag-post na ng may pictures! :p)
  • Munoz with HS band! Miss ko na kayo mga anak!
  • Birthday papa
  • Inom
Sagarin ko na after Christmas mag-blog para isang upuan na lang sa harap ng laptop. Wala rin masyadong time. At wala pa ring nag-a upload ng pictures. MAG-UPLOAD NA KAYO!!! Hahahahaha =))
P.S. Sa mga nag-iisip ng regalo sakin, eto Christmas wishlist ko! :p --> TINY'S 2012 CHRISTMAS WISHLIST!!!

12.17.2012

Nerisse's 18th + room 3 reunion!

Last Saturday, December 15, ay birthday ni Nerisse, ang isa sa mga dorm mates ko noong ako'y nag-aaral pa sa CLSU. Sa Ceslyn Sizzlers gaganapin ang birthday niya. Tapos yung iba naming mga dorm mates na hindi naman taga-Cabanatuan, galing pa ng CLSU tapos bababa sila ng Plaza Leticia tapos pupuntahan ko sila doon para sabay sabay na kami pumunta ng Ceslyn!
Hindi ako makapag-post pa ng pictures pero ang suot ko nun ay peach na blouse at skirt tapos naka-gray na flats ako. Tapos nung tinext nila ko na malapit na sila, pumunta naman ako sa Plaza Leticia.
At dahil hindi ako nakapag-message nung birthday mo Isse, dito na lang!
Merong mga tao sa buhay natin na saglit man natin silang nakasama, hindi man natin sila araw-araw nakikita, hindi man natin sila madalas makausap, hindi man natin sila parating nakakamusta, yung parte nila sa puso mo hindi pa rin nagbabago. Yung dahil malaki yung impact nila sa buhay mo, kahit na mahigit isang taon kayong hindi nagkita-kita, andon pa din yung friendship niyo sa isa't isa. At isa ka sa mga taong yon. Minsan sa buhay ko (naks) nakilala ko kayong dorm mates ko sa room 3. Sabi nga sa isang saying,"Friendship is not about who you've known the longest. It's about who came, and never left your side."
Ang wish ko lang para sa'yo ay sana matupad lahat ng dreams mo at sana maging successful ka at maging masaya ka sa  mga decisions na gagawin mo sa buhay. At lagi mong tatandaan na,"There are no mistakes in life, just lessons." Walang masama sa pagkakamali!
Lagi mo rin ipaalala sa parents at kay Marco na love mo sila and naa-appreciate mo sila kasi siyempre, hindi naman natin hawak yung panahon and time natin dito sa mundo. And always remember that you are LOVED.
 And pasensya na kung ngumawa ako nung birthday mo! Hindi ko kasi napigilan! HAHAHA! Kasi naman, halo-halong emosyons na yung naramdaman ko! =)) Tapos pinatugtog pa yung Dance With My Father! Edi lagot na! HAHAHA! =))))
After non, tambay na lang kami nila Jem, Gp, at Jorenn sa labas ng Ceslyn. Ang balak ko nga eh pagkikitain ko silang dalawa, kaya lang mahirap na. Kaya nag-jamingan na lang kaming apat sa Shawarma. Tapos bumalik ulit kami sa Ceslyn. Eh ayun, konti na lang yung tao. Tapos kwentuhan kami nila Ate Khay, Apolyte, at Jean. Tapos umuwi na din kami.
Oyyy, yung mga mag-a upload diyan oh, simulan niyo na! =)))
At P.S.! Akin lang talaga yung gift ko, nakipangalan lang sila!! >:p HAHAHAHA!!

12.09.2012

Perks of being a blogger

  • You can post anything. As in KAHIT ANO. Yung mga gusto mong sabihin kaya mong sabihin dito na WALANG pwede kumontra sa'yo dahil PAGMAMAY-ARI mo yung blog mo. Di tulad ng Facebook at Twitter na may restrictions dahil may "followers" & "friends" ka, sa blog wala. Oo meron followers, pero yung katulad kong blog na parang diary lang, wala.
  • Yung mga bagay na hindi mo pwede sabihin sa Twitter tulad ng rants at deep opinions mo, dito mo pwede sabihin. Kung may gusto kang murahing tao, dito mo din murahin.
  • Kapag may gusto kang ipagmayabang about yourself, dito mo din pwede sabihin. Why not di ba? Kasi hindi naman to social networking site na maraming makakabasa at maraming judgmental na tao. Kung sino lang talaga ang mga nakakaintindi sa'yo ang nagbabasa ng mga sinusulat mo.
  • Walang judgment! Kahit mali-mali English mo at kahit feelingera ang mga posts mo, ayos lang.
  • Dito ka nakakapaglabas ng sama ng loob without being too "dramatic". Di tulad nga sa Twitter, mediyo nakakahiya mag-flood ng mga emo tweets mo na pwedeng mabasa ng tatlong daang tao o higit pa.
  • Wala. Goodvibes goodvibes lang. Walang restrictions, walang rules. Walang epal. Walang e-entra. 
  • Over the years, meron kang diary na hindi maluluma (pwera na lang kung wala ng internet) at pwede mong balik-balikan at hindi mabubura.
  • Sa mga tamad mag-sulat katulad ko, etong para sa inyo. Tulad ko, sooobrang ayokong nagsusulat kaya't di ako makagawa ng matinong diary dahil dalawang sentence lang ilalagay ko kasi tinatamad na ko. Eh dito kahit nobela ang i-post mo ayos lang kasi di ako nagsusulat.
  • You can be yourself.. No peer pressure. No environmental pressure. Ikaw lang mismo yung nababasa ng mga tao. Dito nakikita kung sino ka nga ba talaga.
  • Na-i she share mo sa ibang tao ang mga experiences mo.
Marami pa kong kayang  sabihin kung bakit masaya at masarap mag-blog kung iisipin ko lang. I've been blogging for 3 years now. Kaya naman nakaka-1060 posts na ko dito sa Blogger. Na mahirap gawin dahil wala namang reblog dito. At sa mga nagbabasa nito, maraming  maraming salamat sa inyo! (Kung meron man. Hehehe)

12.08.2012

It makes me stronger

Etong sakit na nararamdaman ko, etong mga hinanakit na dinadala ko, etong mga pasanin na dala-dala ko, eto ang mga bagay na nagpapalakas sa akin. Eto yung nagpu-push sakin na ibigay yung best ko. Eto yung nag-papatakbo sa isipan ko na kailangan ko pang galingan, na kailangan ko pang magsikap para maabot ang mga gusto kong maabot.
Makikita niyo rin. Hindi man ngayon, pero balang araw. Babawi ako. Gaganti ako. Makikita niyo.

Taken for granted

  • Kung sino yung mabait, sila yung ibaabuso
  • Kung sino yung andiyan, yun ang hindi hahanapin
  • Kapag alam mong hindi ka tatanggihan, bakit kailangan mo pa tanungin?
  • Kapag alam nilang hindi ka iimik, sige lang sila ng sige
  • Akala nila pera lang habol mo kaya sasampalin ka ng pera (not literally)
  • Kahit alam nilang hindi ok, basta alam nilang hindi ka tatanggi, tatanungin ka pa din
  • Kung sino pa yunng mas madaming ginagawa, sila pa yung kaunti yung ibibigay
  • Kung sino pa yung mas madaming sakripisyong nagawa, sila pa yung tinatrato na parang wala lang.
It will always be the parable of the prodigal son. Kung sino yung mga mababait na tao, sila yung tine-take for granted. Kung sino yung mga taong nandiyan sa paligid mo, sila pa yung hindi mo pinapansin. Yan tayo eh.

Pa-deep

"Alagaan mo yung mga ayaw mong mawala sa'yo. Dahil minsan  hindi sila inaagaw, dahil kusa na silang umaayaw."
Sabi ko sa Twitter kanina. Totoo naman di ba? Minsan, sinasabi ng iba na kaya nag-be break ang dalawang tao kasi inagaw o nakakita na sila ng ibang tao. Pero hindi naman laging yun ang case kung bakit naghihiwalay ang dalawang mag-jowa.
Unang-una na sa lahat, sino nga ba ang may kasalanan kung inagawan ka? Ikaw ba na hindi nag-higpit ng paghawak o yung isa na nagpa-agaw sa iba? We could go on and on and on kung sino sa dalawa ang may kasalanan, pero at the end of the day minsan talaga kailangan may sisihin ka.
Pumasok ka sa isang relasyon, kasi gusto mong maging "committed". Wala naman namilit sa'yo na pumasok doon, ikaw man ang nangligaw o ikaw man ang sumagot sa nangligaw. Walang nag-di dikta sa'yo kundi sarili mo lang. Ngayon, sa isang relasyon, kasama na talaga dun ang mga che che bureche sa isang relasyon. Kasama sa deal yon.
Ngayon, kung hindi ka marunong o kung nagpabaya ka sa pag-aalaga, sino kaya ang dapat sisihin kung iniwan ka na niya? Eto na eh. Papasok na yung salitang "nagpabaya". Hinayaan mo. Hinayaan mong mawala lahat, hindi mo niligtas kaya siya nawala. And you cannot say na iniwan ka niya, dahil in the first place ikaw na ang nangiwan. Not physically, pero maybe emotionally and mentally, sinabi mo na sa sarili mong "I won't save this relationship anymore".
Minsan hindi inaagaw ang isang tao kung sakaling nakahanap man sila ng bago habang nasa isang relasyon siya. Minsan talaga, kailangan kasing alamin mo kung ano yung mga kailangan niya. Dahil pag hindi mo inalagaan yan, hindi na magiging masaya yan. At kapag hindi na siya masaya, magugulat kang bukas wala na siya.

No matter how badly people treat you, never drop down to their level. Just remember you're better and walk away. ❤

Mediocrity will always try to drag excellence down to its level. Don't trade your superiority for their inferiority.

Happenings!

Eto na. Semi-Christmas break na! Yay! Hahaha. Bakit "semi" lang? Eh kasi naman yung teacher ko sa ITF, nagpapa-lab pa sa Tuesday so may pasok pa ko non. Pero sa ibang subject (I hope) wala ng pasok, lalo na sa Trig. Sobrang sisipag ng mga nagiging teacher ko sa Math. At magaling din naman. =))
So ano nga ba ang nangyari sa buhay ko ng mga nakaraang araw? O buwan? Eto na!
  • Tumaba ako ng bonggang-bongga. No joke.
  • Na-ospital si Nanay nung November 21 at nakalabas lang siya nung December 6. May pumutok na ugat sa ulo niya dala ng mataas na blood pressure kaya nag-clot yungg dugo sa utak niya at namaga, kaya pinaalis yon. Tapos in-angiogram din siyal. Basta. Madaming che che bureche at maraming naganap. Buti naman at  nakalabas na siya ngayon.
  • Nag-punta kami sa pageant ni Abuy sa Manila Ocean Park nung November 29. Although hindi kami pumunta sa mismong aquariums, sa Liquid bar lang. Tapos nakikita dun yung fountain show ng Ocean Park na nakakatuwa rin naman.
  • Drop na ko sa ITC 03! Lol. Hindiiiii. Ayoko na talaga. Ayoko na talaga pumasok ke Ma'am. Kedami che che bureche. Sobrang nakakatamad!
  • HS Band practice! Ang saya kapag sinasama ako ni Jorenn sa practice ng HS band. Hahaha. Feeling ko ang bata bata ko pa! Lol =)))))
  • Science Fair ng HS Band tapos si Jorenn yung nag-drums. :"> Tapos nanglibre si Emilio ng bbq at aso tapos pumunta  kami sa apt. ng lolo ni GP sa Mabini/Magsaysay basta sa likod ng WUP! Hahahaha =)))) Wrong Direction! HAHAHAHA =))) Salamat HS Band!
Yan na lang natatandaan ko! Hahaha. Full-time estudyante ang drama ng lola niyo kaya di na nakakapag-blog. Lol =)))) 

12.04.2012

Konti na lang!

It's been a long time since my last real update about... well, anything that has a connection with my life. I hardly blog these days and when you're a full-time student like me, you already know why. And it's not only my blog I'm not updating for the past weeks but also my Goodreads account. I'm currently stuck at 199 and I can't find the time to finish my 200th book! Uuh. I miss reading so much that I want to throw all the books and the lessons and the classes away! Sigh. But apparently, I can't do that. So I'm not only stuck at 199 but I'm also stuck being a college student for more than a week.
And since blogging can be a hassle these days, you can check me out at Twitter! As much as I want to blog ever freaking day of my life and share it with you, I can't. But, I ALWAYS update in Twitter and you can follow me there! Don't worry, I'll follow you back. ;)
But as my title goes, konti na lang! Konting kembot na lang at makakaraos na rin ako! Good luck sa mga may exam na, pero sa mga tulad kong sa January pa... BAKASYON NA TAYO! =))

11.28.2012

Overfatigue

Di ko alam kung pagod lang ako, o madami lang iniisip. Pero hindi ko alam. Isang linggo na nasa ospital si Nanay. Ang daming mga kailangan gawin. Mga klaseng na-miss. Bantay sa ospital. Isang linggong puyat. Hindi ko alam.
Hindi ko alam, kanina nung hinatid ko si Jorenn sa exit ng E.R. sa Good Sam hindi ko alam kung bakit naiyak na lang ako bigla. Buti may banyo sa tapat ng cr, tapos para kong tangang humahagulgol dun. Tapos naalala kong dun nga pala ako umiiyak nung dinala sa E.R. si Daddy kaya lumabas ako kasi lalo ako iiyak. Buti na lang sarado na yung totoong exit, at walang tao malapit sa mga bench. Para kong tangang gumagawa ng music video don. Wala, hindi ko alam. Iyak lang ako ng iyak. Wala namang dahilan. Magaling naman na si Nanay. Malakas naman na. Pero hindi ko alam. Ewan ko.
Siguro kasi nasa Good Sam lang ako at may hindi magandang vibes sakin yon. Siguro na-mi miss ko lang si Daddy. Siguro naaalala ko lang sila Ate Alea, sila Aira, Kyla, Tita at Ninong. Siguro kasi iniisip ko lang na mag-lu Lunes na naman at tatlong beses ko ng di napapasukan si Ma'am RB. Siguro kasi ang dami kong bibilin na libro at di ko alam kung panong tipid sa baon ko para makaipon. Wala naman na ko ma-solicit-an dahil nakahingi na ko sa mga hihing-an ko.
Siguro pagod lang ako. Kasi parang walang nakaka-appreciate ng mga ginagawa ko. Hindi ko alam. Siguro rin kasi magkakaron na ko (ng mens) at PMS lang  to. Pero ang totoo, hindi ko talaga alam.

11.18.2012

Mung-gago. =))


I smile and act like nothing's wrong. It's called putting shit aside and being strong.


Ang sakit na ng mata ko kakaiyak. Feeling ko aping-api na ko  kahit ang babaw lang naman ng dahilan. Kaya lang di ko lang kasi mapigilan. Bakit kasi may mga taong ganon. Di maka intindi. Di pa kasi nila nararanasan mangutang ng pera para lang may pang-baon sa eskwela. Di pa kasi nila nararanasan mag-aral ng mabuti para lang mabawasan ang tuition fee mo. Di pa kasi nila nararanasan mawalan ng magulang at umasa sa iba para lang mabuhay ka.
Ang unfair-unfair ng buhay. Gustuhin mo man lumaban wala ka namang magawa. Ayaw mo man masaktan at umiyak, di mo naman magawa kasi tao ka lang din naman.
Maghapon ata akong iyak ng iyak. Hahahahaha. Nagsasawa na nga ako eh. =)) Kaya lang pag naaalala ko nalulungkot talaga ako, tapos pag nalungkot ako maiiyak na naman ako.
Tulad ngayon, para kong tanga na umiiyak tapos pinipigilan ko humikbi kasi natutulog na si Mommy =)))) Kaya lang pag pinipigilan ko kinakapos naman ako ng hininga kaya lalong umiingay yung pag iyak ko =))))
Heh. Bahala na nga. Ewan ko kung papasok ako bukas. Hindi muna siguro. Ayoko makita yung teacher ko. Baka maiyak ako agad-agad eh. HAHAHA =)))

Rant, again.

Yung teacher ko gusto daw ng excuse letter dahil hindi kami nakapasok nung November 5. Tanginuuh. Enrolling teacher siya  tapos di niya alam na yung week na yun ay devoted pa sa enrollment? Walang konsiderasyon. Kung sana napupulot lang ang pera edi sana unang araw pa lang ng enrollment nag-enroll na ko. Kaya lang wala talaga eh. Walang isip.
Gusto ko nga ilagay sa excuse letter ko,"Wala po kaming perang pang-enroll. Sorry po." Di ba. Magulang din naman siya di ba. Nagpapaaral din siya. Bakit di niya maintindihan yung fact na hindi lahat ng tao nakakapag-magic ng pera.
Tapos may bibilin pa kaming workbook. Dalawa. Tig-350 isa. Tapos mas makapal pa yung isang pad ng yellow paper. Di ba pwedeng sa PAPEL na lang mag-activity at seatwork? Sana kung sa private kami nag-aaral, kaya lang hindi eh. Kaya nga nag-aaral sa public kasi walang pera. WALA KAMING PERA.
Naiintindihan ba nila yon? Nagbibigay ba sila ng konsiderasyon? HINDI. Isang malaking HINDI. Wala. Wala man lang.
Tangina niyong lahat. Mga walang puso. Putangina. Nakakatamad mag-aral pag ganyan! Punyeta.

Faith in humanity, restored.

LINK.
Naiyak talaga ako nung napanuod ko `to.

Still You hear me when I'm calling, Lord You catch me when I'm falling.


Tinatabangan

Nakakatamad mag-aral pag ganito. Nakakawala ng gana. Mga teacher na walang konsiderasyon, mga matatalinong binibigyan ng mababang grade, mga favorite na binibigyan ng mas mataas na grade, at marami pang iba. Nakakatamad. Nakakainis.
Okay sana kung nabibigyan ng kahit kaunting konsiderasyon yung pagsisipag mo eh, kaya lang hindi eh. Wala. Wala man lang. 1 out of 7 lang ang may konsiderasyon.
Nakakalungkot lang kasi na yung mga taong mas magaling ka, mas mataas pa nakukuha sa'yo. Pano ka sisipagin di ba?
Wala na. Ayoko na ata. Sarap bumalik sa pabanjing-banjing na buhay nung high school na ang motto ay "Makapasa lang". Sarap na `wag na lang magsipag. Sarap na `wag na lang mag-aral.
Walang kwenta.

Superkape's First Big Blog Giveaway!

I really don't know about Superkape's giveaway but last night on Twitter, Miss Kathleen herself asked me to join! I thought it was very nice of her to go all the way and tweet people, so I told her I'll join and will also plug it here on my blog so you can also have the chance of winning awesome prizes!
So if you are reading this blog post, you're in for a great treat! The prizes are awesome for Christmas! So what are they?

CHRISTMAS GIFT SET A (1st lucky reader)
  •     Scribe Writing Essentials Gift certificate (GC) worth P500
  •     Nail Spa Lounge by Ellabell GC (Duchess Basic Manicure and Pedicure)
  •     Get Lashed! The Eyelash Extension Salon and Beauty Center GC worth P500
  •     Bikram Yoga Greenhills GC (good for two sessions)
  •     Maris Unique Pieces feather earrings
  •     Maris Unique Pieces ear cap cookie
  •     Duty Free sporty watch
  •     Leg Love by City Lady (I love hue series)
  •     Sole Doctor foot care gel cushions
CHRISTMAS GIFT SET B (2nd lucky reader)
  •     Jenny Pea’s The Fragrance Library (An impression of Princess by Vera Wang)
  •     Nivea Visage sparkling white acne oil control
  •     Nivea Angel star body soft souffle
  •     Tony Moly clear lip & eye make-up remover
  •     Bath & Body Works Sea island cotton body lotion
  •     PocketBac vampire blood plum anti-bacterial hand gel
  •     The Body Shop Amorito Eau de Toilette
  •     The Flower House sugarplum Parisienne rose body lotion
CHRISTMAS GIFT SET C (3rd lucky reader)
  •     Etude House aloe moist full skin care kit
  •     Etude House Pomegranate natural mask
  •     Johnson’s body care lasting moisture body wash with soft puff
  •     Tony Moly cotton pads
  •     Missha Fruits mix sheet mask berry juice
  •     Bynature Kiss lip balm
Told you they're all great! Of course, in order for you to win you need to follow some steps and you can find them all HERE!!!
Remember, click this LINK!!! Good luck to all of us!

11.15.2012

Ma-swerte pa din ako

Kanina, nag-lakad kami ni Mommy papuntang palengke para bumili ng beach walk ke Aling Mameng. Nung nakabili na kami, pupunta naman kami sa loob ng palengke para bumili ng alamang at kalamansi. Nung nakabili na kami, pumunta naman kami sa Moderno para bumili ng suka at patis. Tapos naglakad na kami papuntang Burgos para bumili ng lechon manok.
Nung nakabili na kami, inaya ko si Mommy sa Pandayan para bumili ng poster ni Santa Claus dahil yung inaanak ko ay sobrang love na love si Santa Claus. Para pag-uwi nila sa December, hindi na ko matatakot na mabasag niya yung cross-stitch ni Mommy na Santa (haha).
Tapos pina-baggage namin yung mga dala namin. Nakakita na kami ng poster at binili. Php50 yung nakalagay. Hinayang na hinayang nga kami ni Mommy dahil baka sa bangketa, bente pesos lang yon. Tapos nung nasa counter na, 50% sale pala kaya naging Php25 na lang. Pero hindi yan ang sinasabi kong ma-swerte ako dahil magsisimula pa lang ang kwento.
Nung nakabili na kami, kukunin na namin yung mga dala namin sa baggage counter. Yung guard na naka-bantay, kinausap si Mommy.
Guard: Ma'am, isang buo po ba yang lechon manok na ipapa-ulam niyo sa mga anak niyo?
Mommy: Hehehe. Oo. (Si Mommy, imagine-in niyo na na parang ako, kinakausap na parang friends ang mga strangers kaya nakangiti siya diyan)
Guard: Ma'am, magkano po ba yung isang buo na manok?
Mommy: 180 pesos.
Guard: Kasama na po ba yung sauce dun?
Mommy: Oo naman.
Nakalimutan ko na kung pano nagtapos yung pag-uusap nila. Sumakay na kami sa tricycle, at pag-uwi namin hindi muna kami nagsasalita. Pareho kami ng iniisip ni Mommy. Aaminin namin, naawa talaga kami sa security guard.
Tangina. Di ba? Hindi ko nilalang-lang yung 180 pesos, pero isipin mo naman na yung isang taong nagta-trabaho maghapon, nakatayo maghapon, inuutusan maghapon, hindi man lang makabili ng pagkaen na gusto nila sa araw ng mga  sweldo nila na kung tutuusin ay regalo na nila sa mga sarili nila. Tangina. Ang swerte ko pa din. Na binibigyan ako ng pera pang-pasok sa araw-araw at kung pag-iipunan ko, makakabili na ko ng halagang 180 pesos.
Actually, madaming patutunguhan ang post ko na ito. Pero eto na lang muna.
Hirap na hirap akong kainin yung ulam namin dahil iniisip ko siya. Naiiyak na nga ako kanina, pinipigilan ko lang kasi may bisita kami. Pero, hindi ko talaga malaman yung nararamdaman ko.
Paulit-ulit ko na lang iniisip kanina na kung mayaman lang talaga ako, binigay ko na lang sa kanya yung lechon manok. Kung mayaman lang ako, hindi ako magdadalawang isip na bigyan ang mga taong DESERVING na makakaen na masarap.
Tangina naiiyak na naman ako.
Oo, madalas kami kapusin at madalas akong walang baon, pero ang swerte ko pa din dahil paminsan-minsan nakaka-kaen kami ng masarap na ulam.
So many people take things for granted not knowing that other people are dying, wishing, and are willing to sacrifice anything just to live the life that they are living.
Hindi niyo ma-aalis sakin na gustong gusto kong murahin lahat ng taong may kakayahan bumili ng gusto nila, pero nakukuha pang mag-reklamo. Hindi niyo ma-aalis sakin na gustong gusto kong sampalin yung mga tao sa gobyerno na ginagamit ang pera na dapat ay sa taong bayan. Hindi niyo ma-aalis sakin na gustong gusto kong magalit sa mga taong hindi marunong magpasalamat sa Diyos sa kung anong meron sila, dahil sa kabila ng pagsisipag at paghihirap ng ibang tao at nagta-trabaho ng marangal, hindi pa rin nila makuha yung mga gusto nila. Madalas hinihiling ko, sana pantay-pantay na lang ang mga tao. Sana lahat tayo masaya at lahat tayo walang problema sa mundo.
Ma-swerte ka pa din. Dahil hindi mo kailangan tumayo maghapon para kumita ng  pera. Na nakakapag-computer at internet ka ng hindi mo pinaghihirapan ang pambayad. Ma-swerte ka pa din na nakakapag-aral ka sa paaralan, pang-publiko man o pribado. Ma-swerte pa din tayo.
Matuto tayong mag-pasalamat. NAPAKA-DAMING TAO ang ibibigay ang lahat-lahat, mapunta lang sa posisyon na kinaluluklukan mo ngayon.

11.13.2012

Bakit ka gumigising sa umaga?

Naisip ko lang kanina, bakit nga ba nagbago ang pananaw ko sa mundo? Dati naman, ang motto ko sa buhay "Hindi grades ang sukatan ng talino" at ang laging sinasabi ni Kuya na "overrated" ang pagiging matalino. Pero bakit ngayon, gusto ko na ng mataas na grades at bakit nagsisipag na ako?
Hindi ko alam. Siguro kasi yan yung paraan ko para maipakita ko na gusto ko naman suklian yung mga paghihirap ng mga taong tumulong/tumutulong sakin para makapagtapos ako ng pag-aaral. Unang-una si Lord, si Daddy, pati na rin si Mommy, si Kuya, si Mama, si Ninang, pati nga Daddy ni Jorenn eh. Gusto ko naman sila bigyan ng kahit konting kasiyahan sa mga binibigay nila sakin. Hindi ko man masuklian yung financial (pwera Daddy ni  Jorenn haha) at iba pang tulong na naibigay nila, at least naipakita kong pinapahalagan ko yung mga paghihirap nila at gusto kong makita nila na hindi nasasayang at masasayang ang mga binibigay nila.
Yun ang inspirasyon ko ngayon. Sabi nga sa commercial ng Nescafe, ang dahilan kung bakit ako gumigising sa umaga. Ikaw, bakit ka gumigising sa umaga?

11.12.2012

Google Nexus 7 Tablet Giveaway!


Who doesn't want a free Google Nexus 7 Tablet? Well, I know we all do! And we're all give the chance by Digitizd! Yep, you heard it right, Digitizd - a tech blog, is giving away THE Google Nexus 7 on their site! What are you waiting for? All you have to do is click the photo above or this link LINK!!! to find the post and join the RaffleCopter. Earning points is so easy so click any of these links and join NOW! GO!

This is your chance to win an iPad Mini!

Designrshub is giving an iPad Mini on their blog! What are you  waiting for? Joining is just a breeze and you can easily earn points just by following them on Twitter and many more! How to do it?
You can find the giveaway post here: LINK! or you can click the iPad Mini giveaway banner on my right sidebar. After that, you can see that there is a RaffleCopter where you can finally earn points for yourself.
Thank you DESIGNRSHUB, COALESCEIDEAS, KNOWYOURTUNE, and 101FACETS!

This giveaway is brought to you by Designrshub, Web and Graphic Design Resources, Home Budget Tips, Places and Spaces and Online Tech Magazine.

11.10.2012

Lamarang + inom + roadtrip + puyat + allergy = Isang malaking HO

Hahaha. Tangeeena. Hindi na ko iinom uleeeet. Pinagtatawanan ako kagabi kasi namumula daw ako. Eh ganon nga pag-nainom, tapos pusit pa pulutan edi ayon pinatungan pa ng allergy.
Ang bilis ng karma. Gang ngayon sakit ng bungo ko at gang ngayon ang kati pa din ng katawan ko.

Magulong isipan

Parang ayoko na. Parang ayoko na ata ng kurso ko. Nakuha ko na yung gusto ko, magandang grades at yung scholarship ko. Masaya ako at nagpapasalamat ako kay Lord, pero parang ayoko na ata ituloy yung course ko. Yung nangyari sakin nung isang taon, nung second sem ko sa Bio nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam.
Siguro dahil sa mga na-encounter kong teachers last semester at ayoko na ulit maka-encounter ng ganon. Tulad kahapon, nakita ko yung dalawa kong teacher na galit samin ni Jorenn. I tried to be cordial, binati ko pa din sila at kahit sigurado akong narinig nila ako, hindi pa din nila ako pinansin. Tapos nung nakita ng isa kong teacher na kasama ko si Mama (na kilala pala ng ate niya), nagulat siya at di siya makatingin ng diretso sakin. Hindi ko alam.
Hindi ko rin alam na baka dahil iba na yung block ko this semester. Bagong pakikisama. Tapos wala akong kakilala. Ang dami pumapasok sa isip ko. Tulad ng baka advance na yung alam nila. Na mas pabor na sila ng iba naming teachers dahil naging teacher na nila yung mga yun last sem, tapos ako lang ang hindi kilala. Na baka di ko kaya makipag-sabayan.
Ang dami. Pero most of all ayoko sa mga teachers. Sobra. Lalo na sa department ko. Na sobrang feel nilang magagaling sila. Na sobrang pa-importante. Magagaling naman ang teachers at professors sa LHS, Engineering, at CLSU, pero bakit hindi ganyan kapa-importante? Bakit kung sino pa yung hindi magagaling bakit sila pa yung mga ganon?
Siguro kaya lang tinatabangan ako pumasok dahil sa mga dahilan. Hindi ko rin alam kung bakit nagka-ganon. Lalo na, na yung dalawa kong teacher na yun eh ka-close naman namin ni Jorenn nung una at favorite kami, pero ngayon galit samin.
Aaah. Tinatabangan na talaga ako mag-aral. Hindi ako nanghihinayang na magkaiba kami ng section ngayon ni Jorenn dahil pwede pa naman ulitin ulit yun next sem. Pero nanghihinayang ako sa mga pwede mangyari tulad ng mga grade na below 2.0 this semester at pag nangyari yon, kahit anong kembot ang gawin ko at kahit 1.25 pataas pa ang average ko sa mga susunod na years, hindi na ako makakakuha ng honors.
Ang hirap ng hindi mo alam yung future. Ang hirap hirap hirap. Gusto ko nang i-fast forward yung panahon. Mag-trabaho. Kumita ng pera. Kasakit sa ulo. Nakaaiyak.
Lord, gagawin ko naman po lahat ng makakaya ko. Kung kailan ko mag-aral ng mabuti at lubayan ang mga bisyo (internet), gagawin ko makuha at maabot ko lang yung pangarap ko. Sana po gabayan niyo ko. Sana po bigyan niyo ako ng sign. Sana po gabayan niyo ko para maabot ko sila at makaya ko to.
Sana makaya ko to.

11.08.2012

October 22, 2012

Release ng grades today at talaga naman pong yung kaba ko eh sukdulang hanggang lalamunan ko. Yung feeling na natatae ka pero hindi naman? Tae eh. Hahahahaha. Nung nagpunta kami sa school ng 8am ni Jorenn, hindi pa pala release ng grades. Mga 1pm pa daw dahil sa SCUFAR chuchu at yung mga teachers ay nasa Sumacab campus. At dahil napaka-aga pa, nag-decide kami ni Jorenn na mag-punta na lang sa Pacific para matuloy ang aming date na ilang buwan na naming pina-plano.
At after 3 months, nakapunta din sa Pacific! Hahahaha. =)) Our actual plan is to finish getting our grades tapos chaka kami pupunta sa Pacific, pero dahil nga 1pm pa, inuna na namin mag-date. XD
Nanuod kami ng This Guy's In Love With U Mare... No comment. HAHAHAHAHA! Dejoke lang. Maganda naman siya... maganda naman si Toni... mediyo nakakatawa naman si Vice... wala akong comment kay Luis. Nyahahaha =))) Ang corny pa nung  mga bakla! Ok, tama na. =)))))
Tinry din namin yung Chao Dao chorba na milk tea pero di masarap! Ekkk. Ang mahal pa. -,-" We also tried KFC's mac & cheese! Sorop. *u* And mango cheesecake!
After nun, babalik na sana kami sa school. And nakita ang ilang grades namin.

Welcome November!

Sorry for the lack of posts, I've been submerged in school duties for the last 2 weeks or so that I haven't had the time to share anything. But of course, before I share the recent happenings in my life, let's have a rundown first of the events that happened in October!
  • Of course, our final exams happened. Haha.
  • Finished my Goodreads challenge! Yayyy~
  • Got good grades in almost all of my subjects which I am very thankful.
  • Spent two weeks with AJ at Cecilia!
  • Dad's first death anniversary.
  • Won in Taragis.com's raffle!
My memory is not good (what's new) so I can't really recall everything but I think that's all. And now for November!
  • Undas at Eternal Gardens.
  • Got my academic scholarship which I've been wishing for for the last 6 months! Can't thank God enough for all the blessings!
  • Got enrolled (finally) last November 5!
  • Transferred to a different block.
As of now, I'm in the state of adjusting myself to certain changes including the fact that Jorenn and I parted ways this semester. It's hard, but too much dependency on your partner can ruin a relationship so I hope that I made the right choice.
I want to thank the Lord for giving me all of these things, the blessings. I am very grateful and I will forever be. Kahit kapos, sasapat na yan basta kasama si Lord.

11.04.2012

To-do things this week:


  • Mag-enroll
  • Makapag-pa scholar
  • Makapag-enroll ng vocational para may part time class ako sa hapon
  • Maayos ang mga dapat maayos
  • Makabili ng running shoes
  • Makapag-ipon para dun sa shoes na gusto ko

10.31.2012

Crossing-out my birthday wishlist. ☺

I-co cross out ko na lahat ng natanggap ko! Yayyyyy! :-bd
  1. Time-Turner, Deathly Hallows, vintage camera, mustache, or dream catcher necklace. :") Hindi ko man nabili (dahil naunahan ako) yung dream catcher necklace ng Pink Tequila, nakabili naman ako ng feather necklace na mediyo kahawig ng dream catcher sa Mauve. Thank you!
  2. Shoes, shoes, and more shoes. Hahaha! Thank you Jorenn! Ikaw ang pinaka-best na boyfriend!
  3. Manalo sa July 30. Please. Pakiusap. Utang ng loob. Wish me luuuuuuuuuuck. (Thank you po Lord. Haha!) Hindi ako nanalo. Huuu~ BUT I WON TODAY! YAY! THANK YOU TARAGIS.COM!
  4. Portable DVD. Ayoko na ng laptop. Malabo mangyari eh. Eh eto mas madaling maabot. Harhar. Eto na nga yung sinasabi ko, wag tayong mag-e expect para hindi tayo ma-disappoint. Pero sa case ko, hindi ako nag-expect pero nakuha ko yung isang bagay na gustong gusto ko! Hindi  man ako nakakuha ng portable DVD player, binigyan naman ako ng laptop! Thank you Papa and Mama! Thank you Lord!
  5. Bagong libro. Kahit anong libro. As in KAHIT ANO. Thank you Tots!
  6. 2013 planner. At ayon sa Witty Will Save the World, Co. meron na silang ilalabas sa 2013 na planner! Magdiwang tayo! Tara bili Dags! :-bd On the way na! Konting kembot na lang.
  7. Walletttt. Alam niyo ba kung ano ang wallet ko ngayon? Supot. As in SUPOT. S-u-p-o-t. Ng Mercury Drug. Yung pinaka-maliit. Langya na yan. Hahaha.
  8. Cosmetics. Pangpa-landi. HAHAHAHAHAHA. Ang pagda-dalaga. 18 na eh.
  9. Gusto ko sana ng bagong phone. Yung phone na mumurahin lang pero Java compatible. Pangbasa lang ng e-books. Kaya lang wala akong makita na less than Php 2,000! Huuu. THANK YOU LORD! THANK YOU TARAGIS.COM! THANK YOU DTC MOBILE!!!
  10. Damit. Gusto ko ng bagong damit. Eto pa ang isa, I only requested for one but I got three! Thank you Ate Alea!
  11. Ayoko ng pumayat. Masaya na ko sa katawan ko kahit mataba. Kaya pagkaen at hindi "pumayat" ang wish ko sa birthday ko. Donations! Life is short people! Basta lagi akong busog sa araw-araw, maraming salamat po!
  12. Matupad naman sana ang "goals" ko for this year.
  13. Mataas na grades. Nagsisikap akong mabuti. As in. Kaya utang ng loob, ayokong makatanggap ng putanginang tres. Hindi ko matatanggap hayop (Hindi ako maka-get over sa gade ko sa Trigo nung last sem. Putanginang tres ang binigay sakin ni Gatchi leche hayop)
  14. Dahil naayos ko na ang buhay ko, isa sa mga hiling ko sa birthday ko na sana magtuloy-tuloy na `to. Ang sarap ng alam mong wala ka ng atraso sa mundo. World Peace!
  15. Gusto ko sana makita ang Parokya ni Edgar ngayong taon kaya lang... walang pagkakataon. Huuu. Kung sakali na lang. Kung sakaling magka-chance, makanuod sana ako.
  16. Alam mo ba yung pakiramdam na meron kang mga gustong mangyari sa isip mo na gusto mong magka-totoo kasi ang saya lang kapag natupad yon? Yon. Sana yung mga iniisip ko na mangyari eh magkatotoo. Basta! Haha. NATUPAD NGA YUNG LAPTOP! :")
  17. Eh alam mo naman yung pakiramdam na sana hindi magkatotoo yung mga nasa isip mo na ayaw mo mangyari? Hahahaha. Yon!
  18. Pero gusto ko talaga ng bagong sapatos sa birthday ko... Yes! Punchdrunk Panda shoes. Kick Flicks designed by the awesome duo Saab Magalona and JP Cuison!
Maraming salamat po Lord at sa lahat ng nagpa-abot ng regalo! Mahal na mahal ko kayo!

I fucking won: Naniniwala na po ako sa raffles ngayon!



God hears our prayers, that's a fact. Kasi eto talaga yung gusto ko eh. Hihihi. Thank you so much po Bro! Thank you Taragis.com! Thank you DTC mobile! Happy Halloween! :-bd

10.30.2012

1st sem grades.


Di ako umabot sa full academic scholarship. Di ko din naabot yung isa sa mga bucketlist ko ngayong taon eh. Wala, wala tayong magagawa. Yung ine-expect kong mataas ako (na tatlong subject), yun pa yung nagbigay sakin ng mababang grade. Ako kasi alam ko sa sarili kong hindi ko tanggap ang dos, lalo na pag binigay ko yung best ko at whole effort ko para makakuha man lang ng 1.5. Tapos dos pa? Wala. Actually nakaraos na kong magalit dito. Naka-move on na ko. Kaya lang, hindi ko lang kasi mapigilang sumama ang loob, lalo na sa isang major ko. To think na kami ni Jorenn ang best niyang estudyante, tapos yun pa ibibigay niyang grades sakin. Pati na din sa isang minor ko. To think na nagturo pa siya sa LHS at siya na rin ang nagsabi sakin na 98 ako nung midterm. What more sa finals di ba?
Nakakasama lang kasi ng loob. At nakakadala. Para kasing pinagtulungan ako. Ayos lang sana kung hindi naman ako nakakakuha ng matataas at hindi ako nakakasagot eh, kaya lang. Ano ba naman yan.
Kung sino pa yung mga marunong mag-program, sila pa yung mababa sa Programming. Kung sino lang yung nakakasagot sa English, 1.75 pa yung highest.
Hindi ko kasi tanggap. Ang unfair lang kasi. Sa isang estudyanteng binigay niya yung best niya at sa estudyanteng alam niya sa sarili niyang mataas ang makukuha niya, masakit lang kasi.
Kung gusto niyong respetuhin kayo ng mga estudyante, sana matuto din kayong rumespeto sa amin. Masakit po. Sobra.  Hindi ko po tanggap ang mga grades na'to, pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala na. Naka-encode na at pinadala na sa CHED ang records ko.
Pag-palain po sana kayo ni Lord. Sawa na po ako umiyak. Sana po, makunsensya kayo at sana po gabayan kayo ni Lord. God bless po. Good luck. Salamat po sa isang sem na nakasama ko kayo.

1 out of 3 lang po Lord. Please po. Hihi. ❤✌


2nd sem schedule.


Ang sarap mag-aral pag-ganyan sched mo. Hahahaha! Thank you Jorenn and sa Daddy ni Jorenn! Thank you din po Lord sa magandang schedule! Sana po mabait ang mga blockmates at prof ko this semester. O:-D

10.27.2012

Nakakahilo

Yung tipong may gusto kang bagay na gustong gusto mo talaga na sobrang gusto mong umasa na sana makuha mo na yun at sobrang "tiwala lang" ka tapos yung binubuhos mo na talaga lahat ng willpower mo at lahat ng faith mo andun na pero hindi mo pa din magawa kasi kapag ginawa mo yun, kapag binigay mo lahat ng pwede mong i-asa, tapos hindi mo naman nakuha sobra sobrang nakaka disappoint di ba? Yung tipong hindi mo alam kung saan ka lulugar kasi masakit pag hindi mo nakuha, pero gusto mo pa ding umasa kasi nga gustong gusto mo yun.
Am I making sense? Sobrang nakakahilo. Sobrang nakakalito. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Ayaw kong ma-disappoint kaya ayokong mag-expect ng sobra, pero gusto ko mag-expect ng sobra at ibigay lahat lahat ng tiwala, fait, at lahat lahat na kasi gusto ko talaga makuha yon.
Nakaka-asdfghjkl ng sobra. Laslas hikbi singhot putangina

10.23.2012

A lot can happen in a year

Last October 2011, sa CLSU pa ako nag-aaral. Kumukuha ng kursong BS Biology. Noong isang taon, hindi pa iba yung bahay namin. Noong isang taon, nandito pa sila Aira, Kyla at Ate Alea. Noong isang taon hindi ako masyadong ganado mag-aral. Noong isang taon, nandito ka pa.
Isang taon na ang nakakalipas. Nasa NEUST na ngayon ako nag-aaral at kumukuha ng kursong BSIT. Nakapag-pagawa na ngayon kami ng maliit man, sarili naman naming bahay. Ngayon, nasa Canada sila Aira, Kyla, at Ate. Ngayon, konting kembot na lang at baka ma-Dean's List ako. Ngayon, wala ka na.
Isang taon ka nang wala. Syempre masakit pa din dahil alam kong hindi ka na babalik. Mag-iisang taon nang iba ang buhay namin. Maraming nang nag-iba, marami na ding nagbago. Siguro nga hindi ako masasanay na wala ka kasi hanggang ngayon hinahanap pa din kita. Siguro nga hindi ako makaka-move on kasi hanggang ngayon nalulungkot pa din ako na hindi ka na babalik. Siguro nga hindi magbabgo yung pagmamahal ko sayo.
Sa isang taon mong pagkawala dito sa mundo, isa lang naman ang hiling ko: na sana maayos ka diyan sa kinalalagyan mo.
Dad, sorry kung hindi ko naibigay agad yung buhay na gusto mo. Sorry kung hindi ko agad pinagbuti ang pag-aaral ko at hindi mo na makikita ang achievements ko. Sorry kung hindi ko madalas masabing mahal kita, namin. Sorry kung hindi ko nasabi na sobrang  nagpapasalamat ako dahil ikaw ang naging daddy ko. Sorry dahil umalis ka kaagad.
Pangalawang Pasko na wala ka. Masakit kasi hindi na naman kita makikita. Nakakainis nga kasi totoo pala yung "you cannot choose the memories you want to keep" kasi pag-iniisip ko yung mga Paskong pinag-saluhan natin, hindi ko na masyado maalala. Tanginang memorya to.
Mag-sisimula na naman kami ng bagong taon na wala ka. Nakakamiss yung pag-mu mulihon mo pag Bagong Taon. Na-mimiss ko na nga din sumigaw ng "Daddy may tao!" o kaya ng "Daddy may magpapagawa!". Nakakamiss ma-excite kung malaki ba yung pinapagawa sa'yo. Nakakamiss yung ingay ng welding. Isang taon ko ng hindi naririnig yun. Tangina.
Miss na kita Daddy. Sobra. Hindi ko pa din alam kung papano papatigilin yung luha ko pag iniisip kita. Hindi ko pa din alam kung papano ko pipigilan masaktan pag iniisip kong wala ka na. Hindi ko pa din malubos maisip na hindi mo na makikita yung magiging pamilya namin nila Kuya at Dikong. Na hindi mo na kami makikitang umakyat sa stage para kunin yung mga diploma namin. Ang sakit  sakit pa din.
Biruin mong sa loob ng isang taon nangyari yun. Wala akong pakielam kung para akong tanga kasi isang taon na nakakalipas umiiyak pa din akong parang bata. Wala akong pakielam kung hanggang ngayon hindi pa din ako maka-move on. Wala akong pakielam.
Naalala ko yung sinabi ko kay Kuya Jay last October 26,"Hinihintay ko pa din na may magsabi sakin na panaginip to kasi hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala." Hindi ko alam kung ganun pa din yung case ngayon.
I love you Daddy. Hope you're smiling down on me from Heaven with God. I love you so much it hurts.

10.21.2012

Gameplan (as of 2012)

Every time I come up with ideas/inspirations to write something for my blog, I always tend to forget the things I'm about to write and/or have a temporary mental block. And then my eagerness to post something will immediately go away and as a result, I never get to share what I am supposed to share. And that is very very annoying.
One of the things that I've been trying to come up with is a "my dreams" kind of post where I can share some of my dreams with you. And as I've said, I fail every time I try. Pero sabi nga sa isang sikat na quote,"Try and try until you die". Kaya naman ishe-share ko sa inyo ang aking mga pangarap. Kaya may nakalagay na "2012" kasi sa ngayon pa lang yan. Malay mo sa 2013 iba na pala yung pangarap ko `di ba? Nothing is permanent, eka nga. So let me share my dreams with you, no holds barred!
Eto na sila:
1. Graduate with Latin honors. Naks di ba? Hahahaha! It may sound creepy to you or not, pero have you ever been enlightened? Yung parang "you saw the light" feeling na parang nasa loob ka ng cave na sobrang dilim then suddenly you saw "signs" and something that was shining tapos dumiretso ka, sinunod mo yung path/signs, then nung nakalabas ka na sa kweba yung felt... enlightened.
Ganoon yung nangyari sa akin when I shifted my course to IT. Kaya naman laking pasasalamat ko kay Lord dahil binigyan niya ko ng signs para ma-clear up yung fog sa mind and soul ko. And I'm proud to say that I'm happy. Grateful. Blessed. I am happy with my course and I will do my best to prove that this is the right direction that I'm taking in my life.
2. Ga-graduate ka na lang din ng my honors, de dapat maganda na ang trabahong makuha mo `di ba? Gusto ko ng magandang trabaho. Yung masaya ako. Yung malaki ang sweldo para matupad ko pa yung iba kong pangarap. Yung may kinalaman yung pinag-aralan ko para hindi masayang ang pinag-aralan ko.
3. Syempre, kapag may magandang trabaho na (wait ko-compute-in ko lang kung ilang taon ako nun...) ko sa edad na 22 bibilin ko na ang lahat ng gusto ko.
Coming from a sometimes-adequate-sometimes-not family, even a a single peso matters. Nung bata ako naranasan ko na na konti lang ang handa namin nung Pasko. Naranasan ko na na hindi makabili ng bagong damit para sa Pasko, and being a child back then, magkakaron ka ng ibang outlook sa buhay. Na hindi pala lahat ng tao kaya bumili ng mga gusto nila no matter what the special occasion is. Hindi ako nasaktan nung mga panahon na yon, hindi ako nainis, hindi ako nagalit sa mga magulang ko. Instead, I turned my disappointment into a lesson and an inspiration to pursue a better life for me and my family's future. Tumatak na sa isipan ko na, someday mabibigyan ko din ng magandang buhay ang mga magulang ko (tae naiiyak na ko, naaalala ko kasi yung Daddy ko), na hindi na kailangan magtrabaho ng mabigat ng Daddy ko (shit) na balang araw hindi na siya mahihirapan. It still pains me every time I think about him, that he'll never get a chance to have a luxurious life that I intend to give to him, even if I need to work extra hard every day. Siguro yun po yung masakit. Yun na lang yung masakit na part sa pagka-wala niya. Na hindi ko siya nabigyan ng magandang buhay kapalit ng pagmamahal at pagsisikap niya para maitaguyod kaming pamilya niya....
Ok! Tama na. Umiiyak na ko. Hehehehehe. Balik na tayo ulit sa mga gusto kong bilin kapag may trabaho na ko.
  • Siguro po sa unang sweldo ko, bibili ako ng DSLR. Hindi pa kasi uso yung SLR, gusto ko na maging photographer. Mga elementary siguro ako. At chaka nung bata ako, hindi ko pa alam na mahal ang camera. Pati nga pag-aaral hindi ko alam na mahal pala eh. Hahahaha. So yun. Gusto ko talaga matuto mag-photograph. Talaga lang. Hindi dahil uso. Wag niyo kong itulad sa mga nakikiuso. PLEZZ LANG.
  • Bahay. Siguro nai-kwento ko na sa inyo, pero yung bahay po namin nun eh sira-sira talaga yung kisame. Isa sa mga dahilan kung bakit ayoko ng ulan (sinasanay ko pa yung sarili ko na huwag matakot sa ulan/bagyo) dahil tumutulo yung bahay namin. Simula nung nagkaisip ako, tumutulo na yun. Kaya lagi akong mag-pe pray kapag bumabagyo nung bata ako na sana yung bubong namin `wag tangayin ng hangin, tapos sana hindi na lang umulan kasi kailangan na naman magsahod ni Mommy. Yung mga ganon. Kaya nung bata ako, sinabi ko na din sa sarili ko na balang araw, bibili ako ng bahay. Tig-isa kami nila Mommy/Daddy. Ngayon, iniisip ko kung pag-iipunan ko ang bumili ng bahay (naks akala mong may trabaho na eh hahaha) bago mag-asawa o after na. Hindi ko pa alam.
4. Pinag-iisipan ko pa kung gusto ko ng grand wedding eh. Eh kasi once in a lifetime nga lang naman yon. Kaya lang sa hirap ng buhay ngayon, mga mayayaman na lang talaga ang nag-di dream wedding. Kung iisipin mo kasi, pwede ng pambili ng bahay yung magagastos mo dun. Di ba. =)) Pero pinag-iisipan ko pa. Syempre kapag gusto mo ng dream wedding, mag-sisikap kang mabuti pag nag-ta trabaho ka na para makapag-ipon ka! :))
5. Isa sa mga goals ko sa buhay ang magpa-payat. Nakapanuod na ba kayo ng video ng matatabang tao tapos kapag hinati yung katawan nila yung puso nila nakabalot sa sebo/taba/mantika/kung ano man yon? Pag napanuod niyo yun tiyak kong gugustuhin niyo talagang magpa-payat. Promise. Marami pa kong gustong gawin sa buhay kapag natupad ko ang mga priorities kong `to. Kaya kailangan maging healthy tayo at magtagal sa earth.
Eto kasi yung gameplan ng buhay ko:
Oh diba ang landi lang? Ganyan ako mangarap at mag-isip sa future! Hahahaha! =))) Pero of course, ngayong 2012 lang yan kasi baka may mga dumating na opportunities/obstacles in the future at mabago ang takbo ng buhay.
Dapat i-e explain ko pa isa-isa yan kaya lang napansin kong ang haba na pala ng post ko. Hahahaha =)))) Yon! Gusto ko lang kasi mag-share. Maka-inspire. Hehehehe. Sana na-inspire kayo at let's do our best para matupad ang mga pangarap natin! Apir!

Bold what applies to you

    I’m loud.
    I’m sarcastic.
    I cry easily.
    I have a bad temper.
    I’m easy to get along with.

    I have more enemies than friends. <-- SIGURO? Hahahahaha!
    I drink coffee.
    I clean my room daily.

My appearance:

    I wear makeup.
    I wear a piece of jewelry at all times.
    I wear contacts.
    I wear glasses.
    I have/had braces.
    I change my hair color often.
    I have a piercing.
    I have small feet.
    I am ugly.
    I am too skinny.

Relationships:

    I’m in a relationship now.
    I’m single.
    I’m crushin’.
    I’ve missed an ex before.
    I’m always scared of being hurt.
    I’ve told someone I loved them when I didn’t.
    I’ve told someone I didn’t love them when I did.
    I’ve been in love more than two times.
    I believe in love at first sight.
    I’m forever alone.

Friendships:

    I have a best friend.
    I have at least ten REAL friends.
    I’ve gotten a phone call in the last 48 hours from a friend.
    I’ve beaten up a friend.
    I’ve been in a serious fight with a friend.
    I can trust at least five people with my life.
    I don’t have one.

Experiences:

    I’ve been on a plane.
    I’ve taken a taxi.
    I’ve taken a city bus.
    I’ve taken a school bus.
    I’ve made a speech.
    I’ve been in some sort of club.
    I’ve spent 24 hours on the computer straight.
    I’ve cut myself.
    I thought of committing suicide.

Music:

    I listen to R&B.
    I listen to pop.

    I listen to techno.
    I listen to rock.
    I’m one of those people who play songs repeatedly until I hate it.
    I download sad and lonely music.
 
   I buy CD’s.

Family Life:

    I get along with both of my parents for the most part.
    I have at least one brother.
 
   I have at least one sister.
    I’ve been kicked out of the house.
    I’ve ran away from my home.
    I’ve sworn at my parents.
    I’ve made my parents cry.
    I’ve lied to my parents.
    I’ve lied to my parents about where I am.
    I’ve lied to my parents about what I’m doing.
    I’ve lied to my parents so I’d be allowed out.
 
   Family means people who accepts who and what you are so mine isn’t.

Hair:

    I’ve been brown.
    I’ve had streaks.
    I’ve cut my hair in the past year.
 
   I’ve dyed my hair in the past year.
    I’ve been blonde.
    I’ve had black.
 
   I’ve been red.
    I’ve been light brown.
    I use conditioner.
    I’ve curled my hair.
    I’ve straightened my hair.
    I’ve unmanageable ugly hair.

10.20.2012

“Dum spiro, spero.”

While I breathe, I hope.

It is never too early to post my Christmas wishlist.

It's the time of year again and with just 2 months left, hindi naman siya talaga "matagal" pa dahil sobrang bilis ng panahon. At dahil diyan, mag-po post na ko ng Christmas wishlist ko! I know you saw that this was coming. Harhar. =))

1. Shoes! Okay. Siguro halata naman na adik ako sa sapatos. Pero mas gusto ko talaga ang sapatos kesa sa damit. At tingnan niyo naman kasi ang mga sapatos na yan. Hanep. Lalo na yung sa dulo :(( Wag mag-alala! Maaga pa at may panahon pa ko para makapag-ipon! Aja! *u*

2. Bags! Hindi ako fan ng messenger/satchel bags pero nito ko lang naisip na ayos din pala  to lalo na kapag may netbook/laptop ka. Hindi hassle mag-bitbit.
3. Books. Pero dahil nasa 2013-to-read-shelf ko ang The Lord of the Rings, pwede na sakin yon. Haha! Kahit second-hand lang. :-" =)) But any book will do. A book is a book no matter what and I'll still love it. ;)
4. This "FREE HUGS" shirt!!!  Isa sa mga bagay na pinaka-gusto ko sa mundo ay ang mga yakap. Sobra. Gustong-gusto kong niyayakap ako ng mga tao (syempre yung mga kakilala ko lang haha). Pero totoo. Gusto ko talaga ng niyayakap. :-D
5. Phone. Mehehe. Gusto ko talaga ng dual-sim na phone. Na may Java. Actually, hindi ako fan ng Android dahil karamihan walang Java, pero narinig ko sa mga sabi-sabi na yung LG daw meron! Hahaha. Pero okay naman yung phone ko ngayon, pero kung bibigyan ng bago why not! =))
6. Witty Will 2013 planner!
7. Umuwi si Kuya at sure na. Para sure. Hehehe.
8. Manalo sa mga sinalihan/sasalihan kong giveaways/contests! Pucha. Di na ko nanalo! =))
9. Maraming-maraming aginaldo! Wahahahahaha.
10. Mabuo ang simbang gabi.
11. Matupad ang 2012 bucket list ko.
12. 1TB External hard drive! Hindi ko rin alam kung saan ko gagamitin yun since hindi naman ako mahilig mag-download ng movies kaya kung may magbibigay sakin... cash na lang. Hahahaha. XD
13. Di ko alam kung magpapa-curls ako at brown hair (I know, ang landi landi ko hahahahaha tae) sa Christmas break... hindi ko pa alam kung gusto ko o ayaw ko. Pag-iisipan ko pa.
14. Read 200 books! as of now, nasa 190 na ko. Sana di ako tamarin at maka-200 ako.
15. Maraming food sa Noche Buena and Misa De Gallo.
16. World Peace!
17. Good grades.
18. Rubik's cube.
19. Gusto ko mag-donate ng blood!
20. Sana hindi pa gunaw ang mundo. Bow.

10.16.2012

Hindi ko kayang sabihin ng harapan

Ayokong isipin mo na kaya lang kita kinakausap dahil kailangan ko ng kausap. Ayokong isipin mo na kailangan lang kita dahil gusto kong ipakita na sa akin ka. Kailangan kita kasi mahal kita.
Ayokong mawala ka at ayokong maagaw ka dahil nasasaktan ako. At masakit ang masaktan. Haha. De seryoso na. Hindi ko kaya. You're one of the best things that came to my life.
Sorry kung minsan wala akong kwenta, minsan kasi ang hirap basahin at hanggang ngayong nahihirapan parin akong basahin ang iniisip mo. Gusto ko maging the best para sa'yo dahil yun ang deserve mo, pero hindi ko alam kung papaano.
Pero gusto ko lang naman malaman mo na kahit anong mangyari, ikaw lang ang naging tapat at naging mabuti sakin ng walang halong alinlangan. Mahal na mahal kita at kung di ko man minsan maiparamdam minsan, sana malaman mo na ganun lang talaga ako pero hindi ibig sabihin na nagbabago na ako sa'yo.
Sana di ko man maibigay yung kasiyahan at pagmamahal na binibigay ng mga tao sa paligid mo, kapag kailangan mo ko sana ako pa din ang isa mga taong una mong pupuntahan.
Love, Tunini.

Grateful

Bago ko makita yung ibang grades (o kung lahat man) bukas, gusto ko nang unahan ang pagkakataon para magpasalamat. Magpasalamat kay Lord sa lahat ng mga ginawa niya para sakin.
Unang una, maraming salamat po dahil nasubukan kong mag-aral ng isang taon (oh sige na nga, 3/4 lang hehe) sa CLSU. Hindi ko man siya nakatuluyan, pero eka nga, first love never dies (naks). Una kong minahal ang BS Bio at maraming maraming maraming salamat po talaga dahil nabigyan ako ng pagkakataon para malaman at masubukan kung ano yung pakiramdam. Siguro kung bibigyan ako ng pagkakataon makapag-aral ulit pagkatapos ng kolehiyo, gusto ko talaga mag-aral ulit ng BS Bio sa CLSU.
Salamat po Lord dahil binigyan niyo ako ng signs na baguhin yung mga plano ko sa buhay at baguhin ang direksyon ko. Hindi naman naging maganda ang unang sign (yun ngang pagkawala ni Daddy), ngayon naiintindihan ko na po. Salamat po kasi hindi niyo ko kami pinabayan at alam ko naman pong hindi niyo din papabayaan si Daddy diyan. Hehehe.
Thank you Lord dahil nalaman ko kung ano pala talaga yung para sakin. Yun nga po yung BSIT. Dito ko po naramdaman mag-excel at dito ko din po nalaman mag-pahalaga sa edukasyon. Dito ko po nalaman na eto yung purpose ko sa buhay, ang magtapos ng kursong IT. Salamat po Lord dahil binigyan niyo ko ng pagkakataon maitama yung, hindi ko sinasabing mali, pero binigyan niyo po ako ng pagkakataon na magbago ang isip ko.
At higit sa lahat, kung ano man po ang kalalabasan ng grades ko bukas, ma-Acad Scholar po ako o hindi, nagpapasalamat pa din po ako Lord sa lakas at talino na binigay niyo sakin ngayon sem. Kung ano man po ang maging resulta bukas (syempre po kung pangit iiyak ako sandali hehe), tatanggapin ko. Basta po gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng binigay niyo sakin.
Maraming maraming salamat po. Hindi ko man maipapangako na kakayanin kong ma-full scholar next sem, ipapangako ko naman po na ibibigay ko yung best ko para ma-full scholar ako next school year. Thank you po Lord. Thank you po talaga. Amen.

10.15.2012

Parokya Ni Edgar

Una akong naging fan ng Parokya noong bata pa ko nung narinig ko yung Halaga. Hindi ko alam kung kailan yon. Tapos kinabisado ko pa yung The Yes Yes Show nung elementary ako. Sila talaga yung naging dahilan kung bakit ako naging adik sa OPM rock. Oo, gusto ko ang Eheads, pero dahil hindi ko na siguro sila naabutang buo, hindi talaga ako maka-Eheads. Hindi ko naman sila kino-compare. Sinasabi ko lang na ang Parokya yung bandang nagbigay sakin ng inspiration para mahilig sa OPM.
Nung naging high school ako, tapos nung nag-punta sila sa NEHS dati at hindi ako nakapunta, sinabi ko talaga sa sarili ko na balang araw mapapanuod ko ding silang lahat ng live.
 Alam niyo ba kung bakit akong naniniwalang OPM is alive? Dahil sa kanila. Dahil may isang bandang dalawang dekada nang nagpapasaya sa mga Pilipino at hindi mabubuwag kahit kailan. "Walang iwanan sa Parokya band, sa Parokya ni Edgar".
Kaya naman nung nag-tweet yung Myx na Vinci called it quits, habang nag-lo load yung article I was like,"Shit. Please let this be a joke. Please hindi totoo." Eh matagal mag-load kaya sa Facebook fan page na ko ng Parokya tumingin at yun... Dun ko na-confirm at dun na ko umiyak.
Mababaw na kung mababaw. Pero... hindi ko din malaman kung bakit pero masakit. Na yung mga pinaniniwalaan mo, hindi rin pala totoo.Pero sabi nga nila Chito,"Walang iwanan sa Parokya. Rakenrol hanggang mamayapa." OPM is alive.
Vinci, mahal na mahal kita, namin. Parokya ni Edgar is not the same without you. Pero we respect your decision to leave the band and to live a normal life. We love you Vinci. Thank you for the 2 decades. Thank you for the crazy antics that made us laugh. Thank you. Maraming maraming salamat Sir Vinci. One love.

10.14.2012

I'm on Wattpad!

Hahahahaha. Ok. Natatawa ako. Hindi ko talaga balak mag-Wattpad, magbasa o gumawa ng mababasa, pero kahapon sobrang boring na boring ako kaya ang resulta: nag-wa Wattpad na ko! HAHAHAHAHA.
In all fairness, nakakalibang naman siya. Sa totoo lang. Nakakatuwa na yung mga scenes na iniisip mo bago matulog ay nai-she share mo sa ibang tao.
At parang awa niyo na! Basahin niyo yung gawa ko. My debut novel (chos hahaha) is titled "Maybe This Time". Bibigyan ko kayo ng pahapyaw kung ano ang kwento. :))
Si Gab at Eric ay magka-klase noon sa grade school. Niligawan ni Eric si Gab pero dahil sa bata pa sila (lakas maka-PBB teens! haha), hindi pumayag si Gab. Pagkatapos ng graduation nila, nagkahiwalay na sila ng daan (lalim haha) at muling magkikita pagkatapos ng sampong taon (ata?) magkikita ulit sila and they will rekindle the flame (chos) pero may girlfriend si Eric kaya ayun, hindi natin alam ang mga susunod na pangyayari. =))
 Parang awa niyo na! Basahin niyo ha? HAHAHAHAHA! Baka eto na ang daan ko patungong stardom! CHOS! =))) LINK!!! LINK!!!LINK!!! MAYBE THIS TIME!!!
Happy sembreak ebribadi!