Ang sakit na ng mata ko kakaiyak. Feeling ko aping-api na ko kahit ang babaw lang naman ng dahilan. Kaya lang di ko lang kasi mapigilan. Bakit kasi may mga taong ganon. Di maka intindi. Di pa kasi nila nararanasan mangutang ng pera para lang may pang-baon sa eskwela. Di pa kasi nila nararanasan mag-aral ng mabuti para lang mabawasan ang tuition fee mo. Di pa kasi nila nararanasan mawalan ng magulang at umasa sa iba para lang mabuhay ka.
Ang unfair-unfair ng buhay. Gustuhin mo man lumaban wala ka namang magawa. Ayaw mo man masaktan at umiyak, di mo naman magawa kasi tao ka lang din naman.
Maghapon ata akong iyak ng iyak. Hahahahaha. Nagsasawa na nga ako eh. =)) Kaya lang pag naaalala ko nalulungkot talaga ako, tapos pag nalungkot ako maiiyak na naman ako.
Tulad ngayon, para kong tanga na umiiyak tapos pinipigilan ko humikbi kasi natutulog na si Mommy =)))) Kaya lang pag pinipigilan ko kinakapos naman ako ng hininga kaya lalong umiingay yung pag iyak ko =))))
Heh. Bahala na nga. Ewan ko kung papasok ako bukas. Hindi muna siguro. Ayoko makita yung teacher ko. Baka maiyak ako agad-agad eh. HAHAHA =)))

No comments:
Post a Comment