11.10.2012

Magulong isipan

Parang ayoko na. Parang ayoko na ata ng kurso ko. Nakuha ko na yung gusto ko, magandang grades at yung scholarship ko. Masaya ako at nagpapasalamat ako kay Lord, pero parang ayoko na ata ituloy yung course ko. Yung nangyari sakin nung isang taon, nung second sem ko sa Bio nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam.
Siguro dahil sa mga na-encounter kong teachers last semester at ayoko na ulit maka-encounter ng ganon. Tulad kahapon, nakita ko yung dalawa kong teacher na galit samin ni Jorenn. I tried to be cordial, binati ko pa din sila at kahit sigurado akong narinig nila ako, hindi pa din nila ako pinansin. Tapos nung nakita ng isa kong teacher na kasama ko si Mama (na kilala pala ng ate niya), nagulat siya at di siya makatingin ng diretso sakin. Hindi ko alam.
Hindi ko rin alam na baka dahil iba na yung block ko this semester. Bagong pakikisama. Tapos wala akong kakilala. Ang dami pumapasok sa isip ko. Tulad ng baka advance na yung alam nila. Na mas pabor na sila ng iba naming teachers dahil naging teacher na nila yung mga yun last sem, tapos ako lang ang hindi kilala. Na baka di ko kaya makipag-sabayan.
Ang dami. Pero most of all ayoko sa mga teachers. Sobra. Lalo na sa department ko. Na sobrang feel nilang magagaling sila. Na sobrang pa-importante. Magagaling naman ang teachers at professors sa LHS, Engineering, at CLSU, pero bakit hindi ganyan kapa-importante? Bakit kung sino pa yung hindi magagaling bakit sila pa yung mga ganon?
Siguro kaya lang tinatabangan ako pumasok dahil sa mga dahilan. Hindi ko rin alam kung bakit nagka-ganon. Lalo na, na yung dalawa kong teacher na yun eh ka-close naman namin ni Jorenn nung una at favorite kami, pero ngayon galit samin.
Aaah. Tinatabangan na talaga ako mag-aral. Hindi ako nanghihinayang na magkaiba kami ng section ngayon ni Jorenn dahil pwede pa naman ulitin ulit yun next sem. Pero nanghihinayang ako sa mga pwede mangyari tulad ng mga grade na below 2.0 this semester at pag nangyari yon, kahit anong kembot ang gawin ko at kahit 1.25 pataas pa ang average ko sa mga susunod na years, hindi na ako makakakuha ng honors.
Ang hirap ng hindi mo alam yung future. Ang hirap hirap hirap. Gusto ko nang i-fast forward yung panahon. Mag-trabaho. Kumita ng pera. Kasakit sa ulo. Nakaaiyak.
Lord, gagawin ko naman po lahat ng makakaya ko. Kung kailan ko mag-aral ng mabuti at lubayan ang mga bisyo (internet), gagawin ko makuha at maabot ko lang yung pangarap ko. Sana po gabayan niyo ko. Sana po bigyan niyo ako ng sign. Sana po gabayan niyo ko para maabot ko sila at makaya ko to.
Sana makaya ko to.

No comments:

Post a Comment