11.15.2012

Ma-swerte pa din ako

Kanina, nag-lakad kami ni Mommy papuntang palengke para bumili ng beach walk ke Aling Mameng. Nung nakabili na kami, pupunta naman kami sa loob ng palengke para bumili ng alamang at kalamansi. Nung nakabili na kami, pumunta naman kami sa Moderno para bumili ng suka at patis. Tapos naglakad na kami papuntang Burgos para bumili ng lechon manok.
Nung nakabili na kami, inaya ko si Mommy sa Pandayan para bumili ng poster ni Santa Claus dahil yung inaanak ko ay sobrang love na love si Santa Claus. Para pag-uwi nila sa December, hindi na ko matatakot na mabasag niya yung cross-stitch ni Mommy na Santa (haha).
Tapos pina-baggage namin yung mga dala namin. Nakakita na kami ng poster at binili. Php50 yung nakalagay. Hinayang na hinayang nga kami ni Mommy dahil baka sa bangketa, bente pesos lang yon. Tapos nung nasa counter na, 50% sale pala kaya naging Php25 na lang. Pero hindi yan ang sinasabi kong ma-swerte ako dahil magsisimula pa lang ang kwento.
Nung nakabili na kami, kukunin na namin yung mga dala namin sa baggage counter. Yung guard na naka-bantay, kinausap si Mommy.
Guard: Ma'am, isang buo po ba yang lechon manok na ipapa-ulam niyo sa mga anak niyo?
Mommy: Hehehe. Oo. (Si Mommy, imagine-in niyo na na parang ako, kinakausap na parang friends ang mga strangers kaya nakangiti siya diyan)
Guard: Ma'am, magkano po ba yung isang buo na manok?
Mommy: 180 pesos.
Guard: Kasama na po ba yung sauce dun?
Mommy: Oo naman.
Nakalimutan ko na kung pano nagtapos yung pag-uusap nila. Sumakay na kami sa tricycle, at pag-uwi namin hindi muna kami nagsasalita. Pareho kami ng iniisip ni Mommy. Aaminin namin, naawa talaga kami sa security guard.
Tangina. Di ba? Hindi ko nilalang-lang yung 180 pesos, pero isipin mo naman na yung isang taong nagta-trabaho maghapon, nakatayo maghapon, inuutusan maghapon, hindi man lang makabili ng pagkaen na gusto nila sa araw ng mga  sweldo nila na kung tutuusin ay regalo na nila sa mga sarili nila. Tangina. Ang swerte ko pa din. Na binibigyan ako ng pera pang-pasok sa araw-araw at kung pag-iipunan ko, makakabili na ko ng halagang 180 pesos.
Actually, madaming patutunguhan ang post ko na ito. Pero eto na lang muna.
Hirap na hirap akong kainin yung ulam namin dahil iniisip ko siya. Naiiyak na nga ako kanina, pinipigilan ko lang kasi may bisita kami. Pero, hindi ko talaga malaman yung nararamdaman ko.
Paulit-ulit ko na lang iniisip kanina na kung mayaman lang talaga ako, binigay ko na lang sa kanya yung lechon manok. Kung mayaman lang ako, hindi ako magdadalawang isip na bigyan ang mga taong DESERVING na makakaen na masarap.
Tangina naiiyak na naman ako.
Oo, madalas kami kapusin at madalas akong walang baon, pero ang swerte ko pa din dahil paminsan-minsan nakaka-kaen kami ng masarap na ulam.
So many people take things for granted not knowing that other people are dying, wishing, and are willing to sacrifice anything just to live the life that they are living.
Hindi niyo ma-aalis sakin na gustong gusto kong murahin lahat ng taong may kakayahan bumili ng gusto nila, pero nakukuha pang mag-reklamo. Hindi niyo ma-aalis sakin na gustong gusto kong sampalin yung mga tao sa gobyerno na ginagamit ang pera na dapat ay sa taong bayan. Hindi niyo ma-aalis sakin na gustong gusto kong magalit sa mga taong hindi marunong magpasalamat sa Diyos sa kung anong meron sila, dahil sa kabila ng pagsisipag at paghihirap ng ibang tao at nagta-trabaho ng marangal, hindi pa rin nila makuha yung mga gusto nila. Madalas hinihiling ko, sana pantay-pantay na lang ang mga tao. Sana lahat tayo masaya at lahat tayo walang problema sa mundo.
Ma-swerte ka pa din. Dahil hindi mo kailangan tumayo maghapon para kumita ng  pera. Na nakakapag-computer at internet ka ng hindi mo pinaghihirapan ang pambayad. Ma-swerte ka pa din na nakakapag-aral ka sa paaralan, pang-publiko man o pribado. Ma-swerte pa din tayo.
Matuto tayong mag-pasalamat. NAPAKA-DAMING TAO ang ibibigay ang lahat-lahat, mapunta lang sa posisyon na kinaluluklukan mo ngayon.

No comments:

Post a Comment