Naisip ko lang kanina, bakit nga ba nagbago ang pananaw ko sa mundo? Dati naman, ang motto ko sa buhay "Hindi grades ang sukatan ng talino" at ang laging sinasabi ni Kuya na "overrated" ang pagiging matalino. Pero bakit ngayon, gusto ko na ng mataas na grades at bakit nagsisipag na ako?
Hindi ko alam. Siguro kasi yan yung paraan ko para maipakita ko na gusto ko naman suklian yung mga paghihirap ng mga taong tumulong/tumutulong sakin para makapagtapos ako ng pag-aaral. Unang-una si Lord, si Daddy, pati na rin si Mommy, si Kuya, si Mama, si Ninang, pati nga Daddy ni Jorenn eh. Gusto ko naman sila bigyan ng kahit konting kasiyahan sa mga binibigay nila sakin. Hindi ko man masuklian yung financial (pwera Daddy ni Jorenn haha) at iba pang tulong na naibigay nila, at least naipakita kong pinapahalagan ko yung mga paghihirap nila at gusto kong makita nila na hindi nasasayang at masasayang ang mga binibigay nila.
Yun ang inspirasyon ko ngayon. Sabi nga sa commercial ng Nescafe, ang dahilan kung bakit ako gumigising sa umaga. Ikaw, bakit ka gumigising sa umaga?

No comments:
Post a Comment