11.28.2012

Overfatigue

Di ko alam kung pagod lang ako, o madami lang iniisip. Pero hindi ko alam. Isang linggo na nasa ospital si Nanay. Ang daming mga kailangan gawin. Mga klaseng na-miss. Bantay sa ospital. Isang linggong puyat. Hindi ko alam.
Hindi ko alam, kanina nung hinatid ko si Jorenn sa exit ng E.R. sa Good Sam hindi ko alam kung bakit naiyak na lang ako bigla. Buti may banyo sa tapat ng cr, tapos para kong tangang humahagulgol dun. Tapos naalala kong dun nga pala ako umiiyak nung dinala sa E.R. si Daddy kaya lumabas ako kasi lalo ako iiyak. Buti na lang sarado na yung totoong exit, at walang tao malapit sa mga bench. Para kong tangang gumagawa ng music video don. Wala, hindi ko alam. Iyak lang ako ng iyak. Wala namang dahilan. Magaling naman na si Nanay. Malakas naman na. Pero hindi ko alam. Ewan ko.
Siguro kasi nasa Good Sam lang ako at may hindi magandang vibes sakin yon. Siguro na-mi miss ko lang si Daddy. Siguro naaalala ko lang sila Ate Alea, sila Aira, Kyla, Tita at Ninong. Siguro kasi iniisip ko lang na mag-lu Lunes na naman at tatlong beses ko ng di napapasukan si Ma'am RB. Siguro kasi ang dami kong bibilin na libro at di ko alam kung panong tipid sa baon ko para makaipon. Wala naman na ko ma-solicit-an dahil nakahingi na ko sa mga hihing-an ko.
Siguro pagod lang ako. Kasi parang walang nakaka-appreciate ng mga ginagawa ko. Hindi ko alam. Siguro rin kasi magkakaron na ko (ng mens) at PMS lang  to. Pero ang totoo, hindi ko talaga alam.

No comments:

Post a Comment