12.29.2012

Mga natutunan ko ngayong 2012

  • Hindi ka nagkamali, natuto ka lang
  • Walang lugi pagdating sa pag-ibig. Naks.
  • Maging proud ka sa sarili mo
  • Matuto kang magpa-kumbaba
  • Matuto kang magpasalamat
  • Iwasan ang mag-reklamo, hindi lang ikaw ang may mahirap na pinagdaraanan
  • Hindi hawak ng tao ang oras niya sa mundo
  • Lahat ng tao nagbabago
  • Walang masama sa pagbabago
  • Wag kang susuko
  • Walang makakasira ng araw mo kung hindi mo sila papayagan na gawin yon
  • Hindi tinatakbuhan ang problema, hinahanapan ng solusyon
  • Kung ayaw mong pasukan ang prof mo, wag ka pumasok
  • Wag mong intindihin ang buhay ng iba, may sarili kang buhay
  • Wag mong sisihin ang ibang tao sa katangahan na ginawa mo
  • Wag kang immature. Matanda ka na. Duh.
  • Matutong rumespeto kahit pikang-pika ka na sa nakatatanda sa'yo. Balang araw tatanda ka rin at mararanasan mo yon
  • Ang nakaraan ay nakaraan. Pwedeng tingnan, pero hindi pwedeng balikan.
  • Kung gagawa ka ng kagaguhan, wag na wag mong pagsisisihan
  • Walang masama sa pagmumura kapag pikon na pikon ka na
  • Tumawa ka. Tawanan ang problema.
  • Pera lang yan
  • Wag kang mag-assume na mataas ang grade mo, may mga teacher na nanghuhula lang
  • Kahit hirap na hirap ka na, kahit bagot na bagot ka na, mag-aral ka. Isipin mong milyon-milyong kabataan ang gustong pumalit sa kinalalagyan mo.
  • Maswerte ka.
  • Tao tayo. Nagkakamali
  • Walang masama sa di-pagsunod kapag ayaw mo. Hindi nila hawak ang desisyon at gusto mo
  • Kaya ka nadi-disappoint ay dahil mataas ang expectations mo. Babaan.
  • Wag puro satsat. Simulan mo na ang mga bagay na gagawin mo. Wag bukas, sa isang araw, kundi ngayon.
  • Habang may buhay, may pag-asa
  • Wag na wag kang titigil mangarap. Libre lang yon.
  • Taasan mo  ang pangarap mo. Libre lang yon.
  • Kapag sinimangutan ka ng saleslady o ng cashier, wag ka muna magagalit. Isipin mo na lang maghapon na sila nagtatrabaho at pagod at gutom na sila. Mahirap ngumiti.
  • Matuto kang tanggapin ang mga dapat tanggapin.
  • Manalig ka sa Diyos. Siya lang ang makapagliligtas sa'yo.
  • Iwasan magalit. Nakakapangit.
  • Wag pansinin ang mga nagpapa-pansin. Weakness nila yon
  • Stand by your opinion. Kahit lahat sila magkaka-mukha, hayaan mo sila. Mas masaya mangontra sa nakararami.
  • Maging masaya ka
  • Masaya ang buhay, kaya mabuhay ka ng masaya
  • Kapag may problema ka, andiyan naman si Batman
  • Magpasalamat sa Diyos
  • Makuntento sa kung anong meron ka
  • Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. Suklian mo ng kabutihan ang kawalangyahan nila. Walang mawawala sayo.
  • Kapag suyang-suya ka na, mag-mura ka at sasaya ka! Apir!

No comments:

Post a Comment