12.08.2012

Pa-deep

"Alagaan mo yung mga ayaw mong mawala sa'yo. Dahil minsan  hindi sila inaagaw, dahil kusa na silang umaayaw."
Sabi ko sa Twitter kanina. Totoo naman di ba? Minsan, sinasabi ng iba na kaya nag-be break ang dalawang tao kasi inagaw o nakakita na sila ng ibang tao. Pero hindi naman laging yun ang case kung bakit naghihiwalay ang dalawang mag-jowa.
Unang-una na sa lahat, sino nga ba ang may kasalanan kung inagawan ka? Ikaw ba na hindi nag-higpit ng paghawak o yung isa na nagpa-agaw sa iba? We could go on and on and on kung sino sa dalawa ang may kasalanan, pero at the end of the day minsan talaga kailangan may sisihin ka.
Pumasok ka sa isang relasyon, kasi gusto mong maging "committed". Wala naman namilit sa'yo na pumasok doon, ikaw man ang nangligaw o ikaw man ang sumagot sa nangligaw. Walang nag-di dikta sa'yo kundi sarili mo lang. Ngayon, sa isang relasyon, kasama na talaga dun ang mga che che bureche sa isang relasyon. Kasama sa deal yon.
Ngayon, kung hindi ka marunong o kung nagpabaya ka sa pag-aalaga, sino kaya ang dapat sisihin kung iniwan ka na niya? Eto na eh. Papasok na yung salitang "nagpabaya". Hinayaan mo. Hinayaan mong mawala lahat, hindi mo niligtas kaya siya nawala. And you cannot say na iniwan ka niya, dahil in the first place ikaw na ang nangiwan. Not physically, pero maybe emotionally and mentally, sinabi mo na sa sarili mong "I won't save this relationship anymore".
Minsan hindi inaagaw ang isang tao kung sakaling nakahanap man sila ng bago habang nasa isang relasyon siya. Minsan talaga, kailangan kasing alamin mo kung ano yung mga kailangan niya. Dahil pag hindi mo inalagaan yan, hindi na magiging masaya yan. At kapag hindi na siya masaya, magugulat kang bukas wala na siya.

No comments:

Post a Comment