- You can post anything. As in KAHIT ANO. Yung mga gusto mong sabihin kaya mong sabihin dito na WALANG pwede kumontra sa'yo dahil PAGMAMAY-ARI mo yung blog mo. Di tulad ng Facebook at Twitter na may restrictions dahil may "followers" & "friends" ka, sa blog wala. Oo meron followers, pero yung katulad kong blog na parang diary lang, wala.
- Yung mga bagay na hindi mo pwede sabihin sa Twitter tulad ng rants at deep opinions mo, dito mo pwede sabihin. Kung may gusto kang murahing tao, dito mo din murahin.
- Kapag may gusto kang ipagmayabang about yourself, dito mo din pwede sabihin. Why not di ba? Kasi hindi naman to social networking site na maraming makakabasa at maraming judgmental na tao. Kung sino lang talaga ang mga nakakaintindi sa'yo ang nagbabasa ng mga sinusulat mo.
- Walang judgment! Kahit mali-mali English mo at kahit feelingera ang mga posts mo, ayos lang.
- Dito ka nakakapaglabas ng sama ng loob without being too "dramatic". Di tulad nga sa Twitter, mediyo nakakahiya mag-flood ng mga emo tweets mo na pwedeng mabasa ng tatlong daang tao o higit pa.
- Wala. Goodvibes goodvibes lang. Walang restrictions, walang rules. Walang epal. Walang e-entra.
- Over the years, meron kang diary na hindi maluluma (pwera na lang kung wala ng internet) at pwede mong balik-balikan at hindi mabubura.
- Sa mga tamad mag-sulat katulad ko, etong para sa inyo. Tulad ko, sooobrang ayokong nagsusulat kaya't di ako makagawa ng matinong diary dahil dalawang sentence lang ilalagay ko kasi tinatamad na ko. Eh dito kahit nobela ang i-post mo ayos lang kasi di ako nagsusulat.
- You can be yourself.. No peer pressure. No environmental pressure. Ikaw lang mismo yung nababasa ng mga tao. Dito nakikita kung sino ka nga ba talaga.
- Na-i she share mo sa ibang tao ang mga experiences mo.
12.09.2012
Perks of being a blogger
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment