Last October 2011, sa CLSU pa ako nag-aaral. Kumukuha ng kursong BS Biology. Noong isang taon, hindi pa iba yung bahay namin. Noong isang taon, nandito pa sila Aira, Kyla at Ate Alea. Noong isang taon hindi ako masyadong ganado mag-aral. Noong isang taon, nandito ka pa.
Isang taon na ang nakakalipas. Nasa NEUST na ngayon ako nag-aaral at kumukuha ng kursong BSIT. Nakapag-pagawa na ngayon kami ng maliit man, sarili naman naming bahay. Ngayon, nasa Canada sila Aira, Kyla, at Ate. Ngayon, konting kembot na lang at baka ma-Dean's List ako. Ngayon, wala ka na.
Isang taon ka nang wala. Syempre masakit pa din dahil alam kong hindi ka na babalik. Mag-iisang taon nang iba ang buhay namin. Maraming nang nag-iba, marami na ding nagbago. Siguro nga hindi ako masasanay na wala ka kasi hanggang ngayon hinahanap pa din kita. Siguro nga hindi ako makaka-move on kasi hanggang ngayon nalulungkot pa din ako na hindi ka na babalik. Siguro nga hindi magbabgo yung pagmamahal ko sayo.
Sa isang taon mong pagkawala dito sa mundo, isa lang naman ang hiling ko: na sana maayos ka diyan sa kinalalagyan mo.
Dad, sorry kung hindi ko naibigay agad yung buhay na gusto mo. Sorry kung hindi ko agad pinagbuti ang pag-aaral ko at hindi mo na makikita ang achievements ko. Sorry kung hindi ko madalas masabing mahal kita, namin. Sorry kung hindi ko nasabi na sobrang nagpapasalamat ako dahil ikaw ang naging daddy ko. Sorry dahil umalis ka kaagad.
Pangalawang Pasko na wala ka. Masakit kasi hindi na naman kita makikita. Nakakainis nga kasi totoo pala yung "you cannot choose the memories you want to keep" kasi pag-iniisip ko yung mga Paskong pinag-saluhan natin, hindi ko na masyado maalala. Tanginang memorya to.
Mag-sisimula na naman kami ng bagong taon na wala ka. Nakakamiss yung pag-mu mulihon mo pag Bagong Taon. Na-mimiss ko na nga din sumigaw ng "Daddy may tao!" o kaya ng "Daddy may magpapagawa!". Nakakamiss ma-excite kung malaki ba yung pinapagawa sa'yo. Nakakamiss yung ingay ng welding. Isang taon ko ng hindi naririnig yun. Tangina.
Miss na kita Daddy. Sobra. Hindi ko pa din alam kung papano papatigilin yung luha ko pag iniisip kita. Hindi ko pa din alam kung papano ko pipigilan masaktan pag iniisip kong wala ka na. Hindi ko pa din malubos maisip na hindi mo na makikita yung magiging pamilya namin nila Kuya at Dikong. Na hindi mo na kami makikitang umakyat sa stage para kunin yung mga diploma namin. Ang sakit sakit pa din.
Biruin mong sa loob ng isang taon nangyari yun. Wala akong pakielam kung para akong tanga kasi isang taon na nakakalipas umiiyak pa din akong parang bata. Wala akong pakielam kung hanggang ngayon hindi pa din ako maka-move on. Wala akong pakielam.
Naalala ko yung sinabi ko kay Kuya Jay last October 26,"Hinihintay ko pa din na may magsabi sakin na panaginip to kasi hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala." Hindi ko alam kung ganun pa din yung case ngayon.
I love you Daddy. Hope you're smiling down on me from Heaven with God. I love you so much it hurts.

No comments:
Post a Comment