Di ako umabot sa full academic scholarship. Di ko din naabot yung isa sa mga bucketlist ko ngayong taon eh. Wala, wala tayong magagawa. Yung ine-expect kong mataas ako (na tatlong subject), yun pa yung nagbigay sakin ng mababang grade. Ako kasi alam ko sa sarili kong hindi ko tanggap ang dos, lalo na pag binigay ko yung best ko at whole effort ko para makakuha man lang ng 1.5. Tapos dos pa? Wala. Actually nakaraos na kong magalit dito. Naka-move on na ko. Kaya lang, hindi ko lang kasi mapigilang sumama ang loob, lalo na sa isang major ko. To think na kami ni Jorenn ang best niyang estudyante, tapos yun pa ibibigay niyang grades sakin. Pati na din sa isang minor ko. To think na nagturo pa siya sa LHS at siya na rin ang nagsabi sakin na 98 ako nung midterm. What more sa finals di ba?
Nakakasama lang kasi ng loob. At nakakadala. Para kasing pinagtulungan ako. Ayos lang sana kung hindi naman ako nakakakuha ng matataas at hindi ako nakakasagot eh, kaya lang. Ano ba naman yan.
Kung sino pa yung mga marunong mag-program, sila pa yung mababa sa Programming. Kung sino lang yung nakakasagot sa English, 1.75 pa yung highest.
Hindi ko kasi tanggap. Ang unfair lang kasi. Sa isang estudyanteng binigay niya yung best niya at sa estudyanteng alam niya sa sarili niyang mataas ang makukuha niya, masakit lang kasi.
Kung gusto niyong respetuhin kayo ng mga estudyante, sana matuto din kayong rumespeto sa amin. Masakit po. Sobra. Hindi ko po tanggap ang mga grades na'to, pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala na. Naka-encode na at pinadala na sa CHED ang records ko.
Pag-palain po sana kayo ni Lord. Sawa na po ako umiyak. Sana po, makunsensya kayo at sana po gabayan kayo ni Lord. God bless po. Good luck. Salamat po sa isang sem na nakasama ko kayo.
No comments:
Post a Comment