Bago ko makita yung ibang grades (o kung lahat man) bukas, gusto ko nang unahan ang pagkakataon para magpasalamat. Magpasalamat kay Lord sa lahat ng mga ginawa niya para sakin.
Unang una, maraming salamat po dahil nasubukan kong mag-aral ng isang taon (oh sige na nga, 3/4 lang hehe) sa CLSU. Hindi ko man siya nakatuluyan, pero eka nga, first love never dies (naks). Una kong minahal ang BS Bio at maraming maraming maraming salamat po talaga dahil nabigyan ako ng pagkakataon para malaman at masubukan kung ano yung pakiramdam. Siguro kung bibigyan ako ng pagkakataon makapag-aral ulit pagkatapos ng kolehiyo, gusto ko talaga mag-aral ulit ng BS Bio sa CLSU.
Salamat po Lord dahil binigyan niyo ako ng signs na baguhin yung mga plano ko sa buhay at baguhin ang direksyon ko. Hindi naman naging maganda ang unang sign (yun ngang pagkawala ni Daddy), ngayon naiintindihan ko na po. Salamat po kasi hindi niyo ko kami pinabayan at alam ko naman pong hindi niyo din papabayaan si Daddy diyan. Hehehe.
Thank you Lord dahil nalaman ko kung ano pala talaga yung para sakin. Yun nga po yung BSIT. Dito ko po naramdaman mag-excel at dito ko din po nalaman mag-pahalaga sa edukasyon. Dito ko po nalaman na eto yung purpose ko sa buhay, ang magtapos ng kursong IT. Salamat po Lord dahil binigyan niyo ko ng pagkakataon maitama yung, hindi ko sinasabing mali, pero binigyan niyo po ako ng pagkakataon na magbago ang isip ko.
At higit sa lahat, kung ano man po ang kalalabasan ng grades ko bukas, ma-Acad Scholar po ako o hindi, nagpapasalamat pa din po ako Lord sa lakas at talino na binigay niyo sakin ngayon sem. Kung ano man po ang maging resulta bukas (syempre po kung pangit iiyak ako sandali hehe), tatanggapin ko. Basta po gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng binigay niyo sakin.
Maraming maraming salamat po. Hindi ko man maipapangako na kakayanin kong ma-full scholar next sem, ipapangako ko naman po na ibibigay ko yung best ko para ma-full scholar ako next school year. Thank you po Lord. Thank you po talaga. Amen.

No comments:
Post a Comment