8.30.2013

You have the VOICE and you have the RIGHT

Sa bawat pagkaen na binibili mo sa mga fast food chains, sa bawat produkto na binibilli mo sa supermarket, sa iba pa, 12% ng kabayaran mo ay napupunta sa tax. Value Added Tax o VAT. Kahit ang limang taon na bumili ng ice cream sa 7-Eleven, 12% sa binayad niya ay napunta sa tax.
And that makes us taxpayers. Taxpayer tayong lahat. Nagbabayad din tayo ng buwis, hindi man kalakihan, pero sa maliit na paraan, nakakapag-bigay pa din tayo ng pera na DAPAT SANA ay maipapamahagi sa mga kababayan nating kapos.
Kaya lang hindi eh. Wala eh. Yung pera sana na ipang-gagawa na lang ng classrooms, na ipambibili ng libro ng mga estudyanteng gustong mag-aral pero walang pambili, pabahay sa mga taong nagkalat sa Manila dahil walang matirhan, pambili ng pagkaen ng mga pulubing walang laman ang tyan.
Sa mga politikong ibinulsa ang pera ng bayan: HINDI BA KAYO NAAAWA? Hindi ba kayo naaawa o nahahabag man lang sa twing may nakikita kayong matanda sa tabi ng kalye na namamalimos, na may sakit pero walang pambiling gamot? PANO KAYO NAKAKATULOG SA GABI? Pano kayo nakakatulog knowing na kung ipinamahagi niyo lang sana yung pera na dapat ay mapunta sa kanila, ibinulsa niyo pa? Masaya ba kayo sa twing nakakabili kayo ng mamahaling kotse kahit na alam niyong pera ng ibang tao at ng mga Pilipinong nagbabayad ng tamang buwis? PUTANGINA NIYONG LAHAT.
Hindi ko sinasabing mabuti akong tao, pero ang sasama niyong lahat. MGA WALA KAYONG KONSENSYA.
Isa pa, eto naman ay para sa mga Pilipinong sinasabihan ng "epal" "papansin" "may masabi lang" "nakikisali" ang mga kapwa nila Pilipinong MAY PAKIELAM SA BANSA: Tangina niyo den. Pinag-aaral kasi kayo ng mga magulang niyo, kung ano-ano inaatupag niyo kaya habang buhay kayong nananatiling bobo. Tandaan niyong lahat: “Indifference and neglect often do much more damage than outright dislike.” ― J.K. Rowling
Mas gugustuhin ko ng malaman ng buong mundo na ayoko kay Napoles at sa mga pulitiko na yan, kesa naman wala akong pakielam sa nangyayari sa sarili kong bayan
Yan ang dahilan kung bakit hindi tayo umuunlad. May mga taong (politicians and lawmakers to be specific) na lagi tayong ginagago pero WALA tayong pakielam. Okay lang satin. WALA tayong reaksyon.
Tandaan niyo: DEMOCRATIC country tayo. TAYO ang boss nila at HINDI sila ang boss natin. Kung may nagawa silang mali, we have all the right in the world to complain.
FILIPINOS UNITE: LET'S PUT A STOP TO IMPUNITY NOW.

No comments:

Post a Comment