1.29.2011

What-a-day.

Nagpunta kami sa La Fuente, as posted earlier. Kami sana'y makikipag-proposal sa isang noodle-making factory na kung pwede gumawa sa place nila.

Pero sa kasamaang palad, siya ay NATUTULOG pa "DAW".

Eh dahil ayaw naman kaming entertainin ng mga buset na tauhan niya, nag-pasya na lang kami nila Ahren and Nikka na umuwi na. Nasayang lamang ang aking 65 pesos sa pamasahe. :|

Tapos, nag-punta akong Mega, sa `di inaasahang pangyayari (LolJk.) andun pala ang nobyo ko, kasama ang bunso nyang kapatid at ang mommy nila.

Habang nanunuod ako ng Taekwondo Region 3 Championships sa Mega, text text kami. Magkita daw kami. So nagpunta ako sa tapat ng Levi's.

At nagkakilala na kami ng mommy niya.

Eh `di syempre, sa aking kahihiyan, nag-mistulang anghel ako. Ngingiti ngiti. Tatangu-tango. Ala lang. Nakayuko. Kumaen sa Chowking. Ngiti.

Hanggang mag-2pm na at napag-pasyahang umuwi na.


Kaya umuwi na kami. =))))

No comments:

Post a Comment