5.12.2014

Sticks and stones may break my bones, but words can N̶E̶V̶E̶R̶ hurt me

Bakit may mga tao na sobrang sasama ng ugali? Yung tipong walang preno yung bibig. Yung tipong walang filter yung  bibig. Yung kung ano yung pumasok sa isip nila sa sasabihin nila, sasabihin pa din nila kahit makakasakit sila. Sobrang insensitive lang na walang pakielam sa nararamdaman o mararamdaman ng ibang tao.

Porket nakakaangat ka lang sa estado ng buhay mo, sa palagay mo ba talaga may karapatan ka na na magsalita ng mga masasakit na salita sa katulad ko na mahirap lang?

Sabi ko sa sarili ko kanina, nung iniisip ko pa lang kung iba-blog ko to, sabi ko hindi ako iiyak. Pero hindi ko mapigilan. Kasi lang naiisip ko lahat ng mga sinasabi mo over the years, tas dagdag mo pa yung PMS. Sobrang emotionally unstable ko lang. UGHHHH

Tapos habang tina-type ko to, Mean pa ni Taylor Swift yung kanta like... SOBRANG RELATE LANG

Dati hindi to big deal saken, like whatever say what you wanna say, kaya lang hindi ko alam kung bakit ngayon sobrang affected ako.

Kung depressed nga ako (na sa palagay ko naman ay hindi), siguro eto yung isang dahilan kung bakit depressed ako.

Pero siguro kasama talaga sa buhay yon. Hindi talaga siguro pwedeng lumipas yung isang linggo na hindi ka iiyak.

Kaya excuse me, iiyak lang ako ng bonggang bongga dahil hindi ko na kaya. Goodnight!

No comments:

Post a Comment