(Sorry for the snowman icon, it's the only thing that's close to "wacky" that I found.)
Meron kaming ginawa (for a year, I think) sa family namin sa father side ko na every time na may mag-bi birthday sa amin, yung gifts namin ay, well... wacky. Kailangan sobrang goofy and funny. Ginawa namin yun dati nung kumpleto pa kami, when Daddy Two (my aunt's husband) and my Dad's still here.
Wala lang. I'm not brooding or trying to be sad. Actually nung iniisip ko nga siya kanina sa banyo, naiiyak ako not because nalulungkot ako but because masaya ako na may mga masayang alaala na dinala yung mga mahal namin sa buhay when they passed away.
Syempre, hindi din naman mawawala na hilingin kong sana andito pa sila at sana magawa ulit namin yun ng kompleto. Pero andun pa din yung feeling na kahit malungkot ako, alam kong they're in a better place now. Nami-miss ko sila, especially my Dad at alam kong nami-miss din ng mga pinsan ko si Daddy Two, pero hindi ko na nararamdaman yung lungkot na nararamdaman ko dati.
Kaya Daddy Two and Daddy (or "Beyn", tawag ng mga pinsan ko sa kanya yun), kung nasan man kayo, `wag niyo sana makalimutan na nami-miss pa din namin kayo at mahal na mahal namin kayo.
No comments:
Post a Comment