Crush. Pag-hanga. Normal lang naman talaga sa isang tao na magkaroon ng crush o pag-hanga sa kapwa. Ako, aaminin ko, madalas akong magkaroon ng crush. Kahit kasama ko si Jorenn, sinasabi ko pa rin sa kanya na,"Ay ang pogi nun" etc. etc. Kasi normal nga lang eh. Kung siya, may magagandahan siyang chicks, okay lang sakin. Kasi tao lang tayo.
PERO. If you are in a commitment, it's your job to NOT make those crushes develop into something deeper. Kasi nga, you're committed. And one thing I learned via the internet, `wag na `wag mong ipagpapalit yung taong mahal mo, sa tao na hinahangaan mo lang. Kasi magkaibang levels yun. Kung makikipag-break ka dahil may nakita kang mas gwapo o mas sexy diyan sa tabi-tabi, eh gago ka. Kasi hindi mo naman kilala kung ano yung tunay na ugali niya at yung panglabas na kaanyuan lang yung nakita mo. Minsan kasi, nasisilaw tayo sa mga magagandang bagay sa mundo na hindi na natin napapansin kung sino at ano nga ba yung mga bagay na... nag-ma-matter sa atin.
Kasi kung ayaw mo naman pala ng isang serious relationship, bakit nag-commit ka pa? Bakit nanligaw ka pa or bakit sinagot mo pa yung manliligaw mo? Gusto mo pala ng relasyong immature, eh dapat sinabi mo na agad. Kung gusto mo lang naman palang makipag-flirt sa lahat ng lalakeng gwapo o sa lahat ng babaeng maganda, eh `di sana hindi ka na lang nag-commit `di ba?
Para sakin, mas ok pa yung sasabihin mo na sa partner mo na may crush ka, kesa damdamin mo na you're secretly admiring someone tapos ma-nurture into something more, baka may masaktan ka lang.
So yun. If you're in a relationship like me, and your partner and yourself decided to be serious and to have a long term relationship, make sure to distance yourself from people and from things that could ruin your bond.
No comments:
Post a Comment