1.31.2012

Kjwan sa Cabanatuan! ✌

January 30, 2012. Eto na ata ang pinaka-masayang araw ng unang buwan ng taong 2012. Nung una naming nakitan ni Jorenn yung tarpaulin na pupunta nga daw ang Kjwan sa N.E. Pacific for the grand finals of Pacific Rockstar, talagang tinaga ko sa bato (figure of speech) na pupunta ako to see Boogie Romero (lead guitar).
And nung pag-akyat ni Boogie sa stage at nung nakita ko yung long hair nya, wala na. All hell broke loose. Putangina ang gwapo. Putangina lang talaga. Sobrang gwapo. At ang bait nya dahil ni-reply-an nya ko sa Twitter! At ang gwapo din ni Kelley at Marc (although hindi ko masyadong tinitingnan si Marc dahil madami na syang fans kahapon. :p)!
Although I know na si Pao Santiago na ang drummer nila, I wasn't expecting at all na sya ang tutugtog kasi pakiramdam ko hindi na din siya drummer ng Kjwan.
Ang pustahan namin ni Jorenn, Pintura o Pause ang opening song nila pero pareho kaming mali dahil Lifeline ang una nilang kinanta. Haha! Tapos yung second song?
Putangina. Yung moment na sinabi ni Marc Abaya na si Boogie yung kakanta ng second song, nagwawala na lahat ng internal organs ko (figure of speech ulit) kasi alam kong Pause na yung kakantahin niya! Putanginang shet. Habang bini-video ko sila on stage, gusto ko talaga umiyak. Yung tipong ako lang yung sumasabay kay Boogie (kahit hindi niya alam). Tangina.
And nung natapos na yung set nila, nararamdaman ko talaga sa puso ko na makakapagpa-picture ako kay Boogie eh. Hahaha! Kaya talaga naghintay ako sa backstage, tapos unang lumabas si Kelley. Gusto ko naman magpa-pciture kay Kelley kaya lang kasi baka habang nagpapa-picture ako sa kanya, ma-miss ko yung chance ko na magpa-picture kay Boogie. Kaya naman paglabas ni Boogie, nilunon ko na lahat ng hiya ko at kinapalan ko na ang pes ko ng times at sinabi kong,"Pwede po magpa-picture?" Tapos nginitian nya ko tapos tumango sya tapos nung pipicture-an na kami ni Jorenn (Thanks Babe!), inakbayan niya ko PUTANGINA! Hahahahaha. :""""""> Kinikilig pa din ako hanggang ngayon puta!
Boogie Romero (lead guitarist and back-up vocals of Kjwan) and I! Oha, may akbay yan. Putanginaaaa~
Hindi ko lang alam kung ako lang ang may kapal ng mukha kahapon pero mukhang ako lang din ang die-hard fan nila at ako lang din ang nakapagpa-pciture. Hahaha! Hindi naman sa ayaw ko kay Marc and Kelley, pero I'm a Boogie fan talaga. :p
(Click photo for a better resolution)
Alam ko ang O.A. naman ng pagkasaya ko, pero pareho lang naman tayo kung isa kang KPop fan, at nakita mo ang SuJu o ang favorite KPop group mo, sigurado akong ganito din ang magiging reaction mo. Nagkataon lang na banda naman ang trip ko sa buhay kaya sobrang saya ko nung makita ko ang Kjwan. Kaya ayun, mabuhay ang OPM Rock! \m/ :-bd

No comments:

Post a Comment