1.20.2012

Don't mind other people's businesses.

Dito ako madalas naiinis. Kapag kasi nagpapahayag ako ng opinyon ko, madalas madaming nag-rereact sa mga sinasabi ko. Kasi para sakin, kung hindi ka naman naaapektuhan ng sinasabi ng isang tao, bakit kailangan mo pansinin?
Bakit, kapag ba nag-mumura ako, namamatay ba ang isa sa mga kuko mo? Kapag ba nag-rereklamo ako sa mga bagay-bagay sa buhay ko, tumataas ba ang presyo ng krudo? Kapag ba sinasabi kong ayoko kay Justin Bieber, sinabi ko bang `wag niyo siyang tangkilikin? Hindi naman `di ba?
Walang naaapektuhan sa mga sinasabi ko (except kay Justin Bieber). Mag-react ka sa sinasabi ng isang tao kapag minumura ka na niya at kung andun yung pangalan mo sa sinabi niya.
Kung may nagsasabing ayaw nila sa OPM Rock, nag-rereact ba ko? Kung may taong minumura si Gloria, nag-rereact ba ko? Trip nila `yun eh. Trip nilang murahin kung sino mang tao ang sa tingin nilang "nakaka-apekto" sa kanila.
Kung hindi ka naman tinubuan ng isang daliri sa paa sa sinabi ko, `wag ka na lang magsalita. Kasi every time I say something, sinisugurado kong wala akong pinatatamaan in direct (except kay Justin Bieber).
Ang daming taong magsasabi sa'yo na magpaka-totoo ka sa sarili mo, pero kapag nagpaka-totoo ka naman, napaka-dali na nilang manghusga. Hindi niyo alam ang pinag-dadaanan ng isang tao. Hindi niyo malalaman ang buhay niya kung ibabase niyo lang sa mga sinasabi niya sa isang social networking site. Hindi niyo alam ang hinaharap ng isang tao ipinahayag ang opinyon niya sa pulitika o sa relihiyon.
Ang saya ng mundo, bakit kailangan mong pansinin lahat ng pangit na nakikita mo? Ang daming magagandang bagay na pwedeng paglaanan ng oras mo. Walang basagan ng trip, pre.

No comments:

Post a Comment