Eto. Eto ang madalas pag-awayan ng mga mag-jowa. Ang mga kaibigan. Lalo na kapag ayaw ni bestfriend kay boyfriend o kaya naman ayaw ng barkada kay girlfriend. Hindi mawawala `to sa isang relasyon. Sigurado ako na may isang tao sa buhay ng partner mo na ayaw mo. Yung tipo bang gusto mo na lang burahin siya sa mundo ng girlfriend o boyfriend mo. Madalas, mga "ex" sila. O kaya naman... mga na-link o naging ka-MU. O sa sobrang close nila ni jowa, eh sobrang nagseselos ka na.
Mga `te at mga kuya, I hate to break it to you pero hindi niyo mabubura ang nakaraan. Pwedeng oo, makalimutan o maibaon sa limot, pero sa sobrang liit ng mundo, hindi natin maiiwasan na magkita ulit, magkausap ulit, mga ganun. Kasi naging parte din sila ng buhay ng kasintahan niyo (shet ang lalim non). Hindi natin maaalis `yon. Habang buhay ng nakatatak sa kanila `yon.
At syempre, hindi mo pwede papiliin ang jowa mo kung sino ang mas gusto niyo na, kung ikaw ba o ang mga kaibigan niya. If you really love her/him, tatanggapin mo kung ano siya at kung sino ang mga tao sa paligid niya. kasi nga, mahal mo nga siya `di ba? And magkaiba ang pagmamahal sa kaibigan at pagmamahal sa boypren o girlpren. Iba lang din naman ang pagmamahal sa pamilya, sa pagmamahal natin sa Diyos. Lahat kasi `yan, necessary sa buhay ng isang tao kaya hindi mo pwede tanggalin ang isa diyan.
Kung may ayaw kang kaibigan ng boypren o girlpren mo, pero nararamdaman mong mahal niya yon talaga (as a friend), then get over yourself and try to like the person. The world does not revolve between the two of you. Kung mahalaga sa kanya ang isang tao, kung wala naman talagang mali sa pagkakaibigan nila (if it's a boy or a girl that you get jealous of), deal with it na lang. Pahalagahan mo yung mga bagay at tao na mahalaga sa kanya, at gagawin din niya sa'yo yun.
One of the secrets to a long and lasting relationship is accepting differences no matter how unlike the two of you are. Tanggapin natin kung ano ang isa't isa. Kahit may adik pa siyang kaibigan, o kaya kriminal, kung hindi naman nakakasama, bakit mo hindi rin pag-aralan mahalin, di ba?
No comments:
Post a Comment