1.24.2012

Life's in a mess.

Sobrang gulo ng buhay ko ngayon as in jumbled in all places na nakaka-putangina na like shet. Yung iniintindi ko yung papano yung PE ko sa school (na i-da-drop ko na dahil 7-8:30am LANG ang class ko tapos ang practice ng PE ay 5PM onwards) na sobrang gulo. Hindi naman ako nanghihinayang sa mga pinili kong subjects this sem pero tanginaaaaaaaaaaaa~
Tapos yung buhay ko sa bahay. Hindi ako nagrereklamo pero minsan sobrang pangit lang talaga ng atmosphere. Ang hirap lang kasi nung nabawasan na nga kayo ng isa tapos umalis pa yung isa tapos... Ugh. Tangina. I try to understand na kaya wala si Kuya dito dahil kailangan niyang mag-trabaho for us pero kasi... Sobrang lungkot lang minsan. Minsan hindi ko na nga alam kung papano gagawin ko sa bahay.
Yung tipong isang araw ikaw lang kasama ng Mommy mo tapos nahilo siya ng sobrang hilo na hindi makalakad tapos papasok sa isip mo yung nangyari sa Daddy mo tapos matutuliro ka na pero kailangan mong maging matatag kasi yung hinayupak mong kapatid eh nag-do dota sa labas pero kailangan mong sabihin sa sarili mo na,"Tangina Tiny. Kailangan mong maging matapang at matatag. You need to pull yourself together." pero kahit anong mura mo sa sarili mo sobrang hirap lang. Tapos pag-gising mo sa umaga, habang kumakain ka maririnig mo na lang yung Mommy mo na umiiyak pero hindi ko siya malapitan kasi kapag nilapitan ko siya magkaka-breakdown din ako pero hindi nga pwede kasi kailangan kong maging matatag. Tanginaaaaa. Buti na lang nung umalis ako kanina nandito pa si Dikong kaya may kasama si Mommy. Pero tangina. Ang hirap hindi tumulo ng luha ko habang tina-type ko `to.
Tangina. Tapos may mga tao pang pilit kang pinapansin, huhusgahan, at puro pangit ang sasabihin sa'yo ng hindi naman nila alam yung mga pinag-dadaanan mo. Tangina lang eh. Tangina. Buti na lang nandiyan si Jorenn lagi.
Pero tangina. Hindi ko naman alam gagawin ko sa mga panahong ganito. Tanginaaa~
Sa mga araw na ganito, dasal lang talaga ang kaya kong gawin. Lord, `wag niyo kaming pababayaan. I give my all to You. I surrender my all.

No comments:

Post a Comment