1.10.2012

Rel-rant.

Para sakin, sobrang nakakaasar yung sobrang higpit ng girlfriend/boyfriend sa jowa nila. Una, alam naman natin ang tama sa mali at mali sa tama. Alam naman natin kung ano ang limitasyon natin. Pangalawa, para kasing walang tiwala eh. Di ba? Dapat sa isang relasyon, may tiwala. Isang factor pa ang selos. Para sakin, kapag nagseselos ka, wala kang tiwala sa partner mo. Nag-aalala ka na baka maagaw o mang-flirt siya ng ibang tao. Eh walanjo. Bakit sinabihan mo pa ng "Mahal kita" kung wala ka din naman palang tiwala?
Isa pa! Hindi naman umiikot ang mundo sa inyong dalawa. Sure akong may mga kaibigan kayo at barkada kayo na sarili niyo. Hindi porket may lovelife na, eh wala nang social life. Kung mahal mo talaga ang boyfriend/girlfriend mo, mahalin mo din ang mga kaibigan niya (in a friendly way lol) at vice versa sa mga kaibigan. Kung mahal niyo ang kaibigan niyo, matuto kayong tanggapin kung sino ang partner niya. Pwera na lang kung gago yung boypren, eh ibang usapan na yon.
Balance lang sa buhay. Kung magaling ka, kaya mong pagsabay-sabayin ang pag-aaral, kaibigan, pamilya, lovelife, at ang time mo para kay God. `Wag natin paikutin ang mundo natin sa iisang parte ng buhay natin. Kaya sa mga mag-jowa jan! Konting luwag lang, minsan kasi nasasakal na ang mga jowa niyo. Matuto tayong alamin kung ano ang needs ng bawat isa para magtagal kayo. At huwag masyadong seryoso sa relasyon, dahil tulad nga ng sabi ko, hindi lang sainyo iikot ang mundo.

No comments:

Post a Comment