“Inggit sa iyong narating
Pilit kang sisirain
Dyan sila magaling
Ilalagay ka sa alanganin.
Kaya mag-ingat sa mga asal talangka
Hihilahin ka nila pababa
Namamato pag ika’y hitik
Hitik sa bunga.
Dapat lagi kang listo
Bantayan ang iyong puso
Sa mga pabigat sa iyong pag-akyat
Pumipigil sa iyong pag-angat.”
Hindi mo alam kung insecure, inggit, o ano eh. Ang saya-saya ng buhay mo tapos magsasabi ng kung ano-ano sa'yo. Na mayabang ka na daw, na nakakainis ka, na wala namang kwenta sinasabi mo. Mga ganun. Eh bakit kasi hindi mo sabihin ng personal? Na ayaw mong nakakaangat sa'yo ang ibang tao? Na ayaw mong nalalamangan ka?
Hindi naman kompetisyon ang buhay. Kung sino ang mas matagumpay, o kung sino ang nasa ibaba. Para sakin, gawin mo kung ano ang gusto mo, pero `wag kang manira ng ibang tao. Dahil nga sa sinabi ko, hindi naman ito isang palaro. Wala kang kalaban. Pare-pareho lang tayo ng hinahanap. It's either kasiyahan o contentment, pagmamahal o pag-aalaga.
Maging masaya tayo para sa ibang tao. Napaka-ganda ng buhay para sayangin mo ang buhay mo na kamuhian ang mga taong ayaw mo. Masaya ang buhay kung gagawin mong maganda, at maging masaya ka para sa ibang tao na nakakaranas ng tagumpay sa buhay.
No comments:
Post a Comment