1.23.2012

Make it legal.

Hindi ko naman kasi ine-expect na magkakaron ako ng boyfriend in high school. =)))) As in hindi ko talaga expected na may magkakagusto sakin. Kaya nung nagka-text kami ni Jorenn, hindi talaga ako makapaniwala. Flattered, tapos feeling ko hindi naman pala ko panget. Yung ganun. Kasi hindi ko talaga nakikita yung sarili ko na may lalaking magkakagusto sakin. Pero syempre, bilang isang babae, iniisip ko din (mostly bago matulog) na if ever magkaka-boyfriend ako, sasabihin ko sa parents ko. Ayoko nung tago effect.
Kaya nung sinagot ko si Jorenn, although two months muna ang nakalipas bago ako nakapag-ipon ng lakas ng loob, pinakilala ko siya talaga sa family ko. Kaya nung birthday niya at graduation ni Dikong, sinama ko siya talaga sa AU at pinakilala kay Daddy.
Para kasi sakin, kung mahal mo talaga yung isang tao, kahit na nga ba para sa inyong dalawa eh "short term" lang ang relationship niyo, ipakilala niyo sa family niyo. It matters a lot. Kasi sa opinyon ko, mas maraming kabataan ang napapahamak kapag nagtatago sa magulang. Yung mga magulang na ilang na ilang pagsabihan yung mga anak nila about sex, lovelife, mga ganun, madalas yung mga anak nila yung napapahamak.
Ako, proud ako na lagi akong pinagsasabihan ni Mommy tungkol dun. Kahit na nga ba sobrang nakakaasar at paulit-ulit lungs, at the back of my mind, bilang isang teenager, eto yung kailangan ko. Kailangan ko ng isang tao na mag-i steer sakin into the right direction.
`Wag niyong itago yung relationship niyo sa mga magulang niyo. Kung mahal niyo ang isang tao, magiging proud kayo sa kanya kahit ano pang itsura at kahit san pa siya nagmula. Ang sarap kaya ng feeling na naidadala niyo sa bahay yung mga jowa niyo. Ang sarap ng feeling na nakaka-jamming niya yung family at relatives niyo! =))

No comments:

Post a Comment