10.15.2012

Parokya Ni Edgar

Una akong naging fan ng Parokya noong bata pa ko nung narinig ko yung Halaga. Hindi ko alam kung kailan yon. Tapos kinabisado ko pa yung The Yes Yes Show nung elementary ako. Sila talaga yung naging dahilan kung bakit ako naging adik sa OPM rock. Oo, gusto ko ang Eheads, pero dahil hindi ko na siguro sila naabutang buo, hindi talaga ako maka-Eheads. Hindi ko naman sila kino-compare. Sinasabi ko lang na ang Parokya yung bandang nagbigay sakin ng inspiration para mahilig sa OPM.
Nung naging high school ako, tapos nung nag-punta sila sa NEHS dati at hindi ako nakapunta, sinabi ko talaga sa sarili ko na balang araw mapapanuod ko ding silang lahat ng live.
 Alam niyo ba kung bakit akong naniniwalang OPM is alive? Dahil sa kanila. Dahil may isang bandang dalawang dekada nang nagpapasaya sa mga Pilipino at hindi mabubuwag kahit kailan. "Walang iwanan sa Parokya band, sa Parokya ni Edgar".
Kaya naman nung nag-tweet yung Myx na Vinci called it quits, habang nag-lo load yung article I was like,"Shit. Please let this be a joke. Please hindi totoo." Eh matagal mag-load kaya sa Facebook fan page na ko ng Parokya tumingin at yun... Dun ko na-confirm at dun na ko umiyak.
Mababaw na kung mababaw. Pero... hindi ko din malaman kung bakit pero masakit. Na yung mga pinaniniwalaan mo, hindi rin pala totoo.Pero sabi nga nila Chito,"Walang iwanan sa Parokya. Rakenrol hanggang mamayapa." OPM is alive.
Vinci, mahal na mahal kita, namin. Parokya ni Edgar is not the same without you. Pero we respect your decision to leave the band and to live a normal life. We love you Vinci. Thank you for the 2 decades. Thank you for the crazy antics that made us laugh. Thank you. Maraming maraming salamat Sir Vinci. One love.

No comments:

Post a Comment