10.07.2011

October 7, 2011.

Sobrang badtrip ako nung umaga bago ako pumasok dahil may practice na naman ng pep squad at pikang-pika na ko. Tapos nakikisabay pa yung Humanities. Badtrip lang.

After CWTS, kumaen muna kami (Thank you Mich!) bago mag-shooting. Tapos after nun, nag-shooting na kami sa OSA, then sa infirmary, sa Dungon dorm, at sa bahay ng blockmate ko.

Nakakapagod kasi madami akong scenes, at palakad-lakad kami. Pero nung nasa bahay na kami ng classmate ko, sobrang enjoy kasi nakita ko na yung mga dogs na gusto ko talaga lapitan since noon pa! Lagi ko kasing nadadaanan yun tuwing uuwi ako sa dorm kaya ang saya ko lungs kanina. Lol.

Ang cute ni Marley! Yung golden retriever na puppy ng blockmate ko. At kahit puppy pa lang siya, dambuhala na. Haha! Tapos si Hershey! Yung chihuahua ng tito ng classmate ko. Ang galing niya mag-tricks. Basta! Hindi ko ma-explain. Yung pauupuin siya tapos hindi niya kakainin yung food sa harap niya hangga't hindi pumipitik yung owner niya. Ang galing! Tapos ang galing din niya mag-fetch! <33

At siyempre, ang inaabangan ko. Ang Siberian Huskies! Ang ganda nila. Nakakainis. Ngayon lang ako nakalapit sa kanila ng ganun. Ang gwapo ni Uno! At parang hindi totoo sa sobrang astig. Grabeee.

Thank you Vet... um Vizmonte or Dionisio? Hindi ko po alam name and surname niyo, pero thank you po sa photos! And sa pakikipag-kwentuhan! Thank you din kay Coco at kila Dr. and Prof. Vizmonte. :-D :-bd

Nag-enjoy ako! Sobra! Salamat sa mga ka-group ko sa Fili! Sa ating nakakagagong shooting. Hahaha! At ang sabwatan sa hindi pagpunta ng pep squad practice! Wagas tayo. XD =))))) :-bd

No comments:

Post a Comment