9.11.2011

Compromising.

Ako'y nakikipagtalo pa sa aking isip, sa matino at sa abnormal na side. Hahaha. Nagtatalo sila kung mag-do-dorm pa ba ko next sem, o hindi. Kaya may constant war sa utak ko these days. Lol. XD

Sabi kasi ng matinong side ng utak ko, mag-dorm pa din ako next semester. Para daw hindi ako mapagod kaka-commute, para daw makapag-concentrate ako sa studies ko, para daw `di ako laging hassle sa time. Kapag daw nag-dorm ako, ma-e-enjoy ko yung activities next sem, lalong lalo na sa Christmas season.

Eh eka naman ng abnormal na side ng utak ko, mag-commute daw ako. Kasi mas masarap mapagod araw-araw, tapos matutulog ka pa din sa sarili mong kwarto at kama. Mas masarap mag-aral buong hapon tapos kapag uwi mo sa gabi, pede ka ng humilata kung saan saan. Mas masarap daw magka-baon ng 40 pesos araw araw, at hindi makaipon, kasi araw-araw, luto naman ng Mommy mo ang dinner mo. At mas hamak sarap daw kasi mag-net hanggang madaling araw kesa mag-aral.

Kaya ayun. Hahahaha! Ikaw, ano pipiliin mo? =))

1 comment:

  1. Ang pipiliin ko?
    Kung ang MATINONG utak ko ang pagaganahin syempre yung una. Pero dahil ABNORMAL ang utak kp mas gugustuhin ko ang huli. Haha! :))

    ReplyDelete