Okay. At eto na naman po ako. Hahahaha. Mag-re react sa mga bali-balita sa TV. At pansin niyo ba, na ang madalas akong may reaksyon ay kapag religion na ang usapan. Unang una sa lahat, hindi ko naman sila kinokontra lahat dahil hindi naman sila lahat, ganon. Yung iba lang. So bakit nga ba ako nag-re react?
Isa sa mga TV shows ngayon ay yung sa GMA na may asawa yung bading tapos may karelasyon pa siyang bading. Eh ayun, may mga nag-react na naman. Syempre, ako din mag-re react para masaya.
Isa sa mga TV shows ngayon ay yung sa GMA na may asawa yung bading tapos may karelasyon pa siyang bading. Eh ayun, may mga nag-react na naman. Syempre, ako din mag-re react para masaya.
- Yung show, hindi naman siya ginawa para makita ng mga bata. Kung mapapansin niyo, past bedtime na yung airtime and it's up to the parents na patulugin yung mga anak nila na gigising pa ng 5am or 6am dahil may 7am pang pasok kinabukasan. Kaya hindi na kasalanan nung show kung masulyapan o mapanuod ng mga bata yan. Parental guidance.
- Reality to eh. Yung relationship na yan, reality yan. Actually, hindi na nga bago samin yan. Madami kaming mga kaklase o kaibigan na bakla at masaya kami para sa kanila na nakakakita sila ng mga katuwang nila sa buhay.
- Kung meron mang nakalagay sa Bible na mapupunta sila sa impyerno etc., edi hayaan niyo sila (rhetoric lang to, I'm not wishing for them to go to Hell or anything) Buhay nila yun eh. Dun sila masaya. Walang basagan ng trip. Kasi hindi naman ikaw yung mapupunta sa impyerno or hindi naman sayo magagalit kung sino man ang mga magagalit. So bakit parang affected na affected lang ang peg?
- Ako kasi, sobrang pro ako sa mga bading. Yang mga bading na yan, yang mga tao na yan karamihan sa mga yan, mapagmahal sa magulang. Tumutulong sa pamilya, nagpapa-aral ng mga pamangkin, nag-aampon, tumutulong kahit hindi kamag-anak. So bakit gigil na gigil kayo sa kanila samantalang mas may silbi pa sila kesa sa ibang mga tao na hindi gay?
- Ayon kay Rizal, hindi kayo malinis. Kaya sana, yung iba wag mag-malinis. Hanggat may kakilala akong anak ng isa sa inyo, hanggat may kakilala akong may girlfriend ng isa sa inyo, at hanggat may kakilala akong tao na nakakita sa isa sa inyo na nakikipag-halikan sa isang babae, please lang. Please lang. Wag tayong mag-malinis. Hindi kayo lahat malinis. We're done. Tapos na kami magpa-sakop sa mga santong kabayo. Tama na.
- And do you know kung bakit may mga tao na hindi na kayo ni-re respeto? Okay sabihin na natin na isa ako sa mga yon. Alam niyo ba kung bakit? Kasi yung iba sa inyo, hindi rin marunong magbigay ng respeto sa ibang tao. Hindi kayo Diyos. Hindi kayo ang nag-de decide kung ano ba ang rule na pwede sa bansang ito.
No comments:
Post a Comment