6.02.2013

Relationship 101: Episode 5

Sa lahat ng babae na nangangarap magkaron ng boyfriend na mala-Christian Grey o nangangarap ma-trato na parang si Anastasia Steele, I hate to break it to you guys pero... isang malaking kagaguhan lang yan.
Unang-una, hindi ko pa nababasa ang Fifty Shades kaya wag kayo assuming. Harhar.
Pangalawa. Yun nga. Para kang gago kung umaasa ka na gusto mo mala-fairytale ang relasyon niyo. Lalo na kung high school o college pa lang kayo.
Baket?
  • Una, bilyonaryo ba yang boypren mo at gusto miya't miya may regalo/libre/surprise ka? Hoy, yang pinang-de date niyo tuwing monthsary niyo, hinihingi lang niya yan sa nanay o  tatay niya! Wag ka masyadong mangarap. Bata pa kayo. Kung gusto mo ng maraming gifts/libre/surprise, maghanap ka ng sugar daddy mo!
  • Pangalawa. Wag tayo magalit sa kanila kapag hindi nila nage-gets yung parinig mo. Yung mga lalake, malaking pagkakaiba nyan satin mga babae na kapag may kaaway ka at nagparinig ka, alam na. Yung lalake hinde. Yung lalake (nalaman ko sa psych), kapag may iniisip sila, dun lang naka-focus yung isip nila hindi tulad natin na multi-task mag-isiip. Kung may gusto ka, sabihin mo na ng diretso hindi yung nagpapapkipot ka pa!
  • Pangatlo. Walang fairytale te! Yung mga nababasa mo sa libro, hindi totoo yun. Fiction nga eh deba? At hindi ako cynic. Romantic ako, pero realist den at practical. Walang relasyong perpekto.
  • Pang-apat. Marunong din tayo umintindi. Kung ikaw, ayaw mong binabawal sa mga ginagawa mo,  ganun din boypren mo. Eh kung mambawal ka sa pag-dodota, pag-inom, etc. daig mo pa nanay niya eh! Kung ikaw binawal niya mag-internet, hindi ka ba magagalet? Syempre magagalit ka din. Pag ikaw walang bawal, siya meron? Girlpren ka, hindi nanay niya!
Hahahahaha. Ayon.  Wala lang. Hahahaha. Random idea lang. Ganon. Hahahaha.

No comments:

Post a Comment