6.27.2013

Day 14 to Day 27

14. What's in your bag? Post a picture.
  • Saka na ko mag-post ng picture! Hahahaha. Sa ngayon ang laman ng bag ko  ay..,
- isang scratch notebook at isang lecture notebook
- book ko ng Physics
- clear book na lagyanan ng COR, picture, receipts, assignment, yellow pad, chuchu
- isang pink notebook na pang ITC 04
- A Tale of Two Cities na current book na binabasa ko ngayon sa school pag may break ako
- 2 hair clip
- wallet
- coins
- hairbrush
- payong
- highlighter
- scientific calc
- Trolli sour glowworms
- baby powder
- isang blue at red na pen
- gunteng
Yun lang! Hahahahaha. Typical student. =))

15. A song from the 90s.
  • As some people may know at ayon sa aking current Twitter bio, I'm a die-hard fan of the 90s thanks to my kuya. At hindi lang naman 90s dahil thanks to my mom, I've become a big fan of the 60s, 70s, and 80s as well. Actually soooooooobrangdami kong gustong bands and artists from the 90s at sobrang hirap mamili. Grabe. Ang dami talaga. Hahahaha. Siguro Deep Inside of You na lang ng Third Eye Blind dahil yun ngayon ang favorite song ko. Pero sobrang dami ko talagang favorite na kanta from the 90s, OPM and International.
16. Celebrity crushes
  • Right now... I'm crushing on Josh Lucas since I've watched Sweet Home Alabama the other day and Ben Affleck NUNG kabataan pa niya. Hahahaha. Sobrang late na ko sa pag-crush sa kanya pero sobrang crush na crush ko siya sa Pearl Harbor at Armageddon. Lololol. =))))) And Jesse Spencer from House M.D. at! Sobrang gwapo niya ngayon sa Chicago Fire!!! =)))
 17. Nicknames you have and why you have them.
  • Tiny - Dahil maliit daw ako nung pinanganak ako at akala nila hindi na daw ako lalaki. Hahahaha.
  • Tunini - Ewan ko din kay kuya.
  • Pusaks - Dahil nung bata ako para daw akong pusa na ingit ng ingit. Wahahahahaha.
 18. Screenshot your dekstop.
  • Kapo-format ko lang. Walang laman desktop ko. Recycle bin lang at wallpaper na flower. Lol.
19. What you wear to bed.
  • Shorts at tshirt.
20. Your opinion on drugs.
  • Hindi ako sang-ayon sa drugs pero actually, hindi naman din kasalanan ng drugs kung bakit naaadik sa kanila ang mga tao dahil kung wala yang mga drugs na yan, kawawa naman ang mga babaeng nanganganak at mga ino-operahan. Yung mga addict, mga mahihinang tao yan. Mga hindi marunong tumanggi sa tukso. Weak.
21. Your favorite school subjects.
  • Right now it's Algebra (naks hahaha), Logic and Philosophy, and Programming. Pero yung Algebra, subject ko nung first year first sem tapos yung Prog nung first year second sem tapos yung Philo, ngayong second year first sem.
22. Things that irritate you about people.
  • Alam niyo yung mga taong nagmamarunong and let's say na marunong nga sila, pero yung tipong yung aura nila nagyayabang na na ang sinasabi "MATALINO AKO". Yung tipong sagot ng sagot kahit nagsasalita yung teacher and yung epal lang sa teacher and yung hindi naman tinatanong pero sumasagot. Yep. ANNOYING. I mean di ba, mas masarap kapag a teacher puts you on the spot, yung tipong feel na feel ng mga classmates mo na hindi ka makakasagot dahil hindi ka naman kumikibo sa klase tapos biglang... BOOM! Di ba? Akala kasi ng iba attribute ng matalino ang maingay at epal.
23. Are you a virgin? Ye/No. Discuss it.
  • Yep, I'm still a virgin but I'm also currently in a relationship. Short shout out to my beau: By! 41 months without sex! Apir! Hahahahahaha. It's really a big deal for me to shout it out to the world kasi every time people will look at us, sobrang nararamdaman at nababasa ko na yung mga isip nila. Apat na taon ba naman hindi ka pa ba masanay kapag sasabihin mong boyfriend mo yung kasama mo? As in nababasa ko talaga sila, lalo na yung mga matatanda. Na parang  sinasabi nila na sagabal yung relationship at boyfriend sa studies at gumagawa kami ng bawal at mabubuntis lang daw ako in the future at hindi ako makakatapos. Mediyo masakit. And because of that, parang lalo lang akong nagkakaron ng reason para i-negate silang lahat. Para pagka-graduate ko at para kapag kinasal na ko, ma-i in your face ko silang lahat. Special mention din kay Ma'am Faronillo na nagsabi samin ni Jorenn na gang third year lang kami at mabubuntis din daw ako. Ha. TINGNAN LANG NATIN.  Leo ata pinagsabihan mo. We're very competitive in nature. Yun lang. And sinabi din kasi sakin ni daddy na magtapos daw muna ako ng studies.
24. Your ideal date.
  • Ewan. Flowers. Dinner. Twinkle lights? Ewan. Hahahaha. Siguro yung ginawa ni Gabe sa Can't Help Falling In Love. ETO YUNG LINK!!! :)
25. Would you consider yourself an optimist or a realist?
  • I think a little of both. If you'd ask what will I say when I look at a glass filled with halfway with water, I'll say it's a glass half-full, not a glass half-empty. Pero kung sa realidad ng buhay, syempre minsan hindi mo maiiwasan maging realistic especially kung sunod-sunod ang problema mo like school, financial problems, health problems and the like. :)
26. List your biggest fears.
  • Okay. Eto na talaga. Moment of truth. Aaminin ko na sa inyong lahat na nagbabasa ng blog na ito na ang isa sa mga pinakamalaki kong kinakatakutan ay.... yung death ng mga mahal ko sa buhay. It's actually one of the reasons why depressed ako lately. Iba kasi. Lalo na kapag kamamatay lang ng isang tao na sobrang naging malaking part ng pagkatao mo. Nakakatakot mangarap kasi yung pakiramdam ko, yung kinakatakutan ko, kukunin din  sakin yung mga tao na nilalaanan ko ng mga pangarap ko. Tulad ni Daddy. Sobrang yung pangarap ko nag-re revolve lang sa kanya. Sa ikakagaan ng buhay niya, ng paghihirap niya, lahat. Tapos biglang isang araw... BOOM. Wala na. Kinuha na siya ni Lord at age 48. Mediyo nakakatakot talaga at nakakaiwan talaga ng impact sa buhay mo. :)
27. If you had three wishes what would they be?
Eto walang halong jamming to. Actually, naisip ko na to dati pa. At hindi talaga jamming to.
  • Masarap na buhay para sa pamilya ko at mga mahal ko sa buhay.
  • Wala ng mga taong nagugutom.
  • World Peace.

No comments:

Post a Comment